Thursday, January 31, 2013

Valentine.

Note: Para sa mga Lovers, Singles, Desperates, Narcissists, Deads (wapakels) at sa lahat ng may kanya kanyang eme this "Love Month", iniimbitahan po namin kayo na suportahan ang isang munting mission ng PBO na "Bazaar for a Cause"....
For more details, heto po ang link http://www.facebook.com/groups/121728994657582/

*bear hugs*

_________________________



February na!!!


Nararamdaman mo na ba?


Excited (dahil may ka-date)?


Worried (dahil desperadang magka-date)?


May ka-date nga, puro mga single friends din naman ang kasama?

Ka-date ang sarili?


Or just plain i-don't-effin'-care- ang drama mo dahil wala ka naman talagang pakialam kung pumapatak ang buwan ng mga puso?
<insert Erin here>

Well, masarap naman talaga (daw) ang ma-inlove. Yung tipong mala-banderitas ang kolur ng life mo. Halos lahat ng naririnig mo eh parang musika sa tenga (pati ungol ng nagse-sex na kapit-bahay), lahat ng kinakain nyo masarap sa panlasa (kahit bagoong ang sauce ng spag mo?), wala kang ibang nakikitang maganda kung hindi sya at sya lamang (na kahit mas mukha pa syang lalaki kesa sa yo?), ultimo kantang pusong bato eh unti-unti mo ng naaabsorb at naaapreciate.




Ganyan  (daw) ang pag-ibig, pagbigyan nyo na yang mga pakenambits na yan sa trip nila. 
 Hindi naman tayo yayaman ng $5 million kung babasagin natin ang wisyo nila di ba?

At dahil Love Month ngayon.....
Title ng mga fave songs ko ang gagawin kong entry name ng mga post(s) ko this month... hehehehe


Sabi nga ni Socorro "marunong akong kumanta pero hindi ko sinabing maganda ang boses ko".....






HAPPY (nga ba?) Heart's Month Guys!!!

__________________________________






Betchina kong kudaan at magpasalamat sa bagong nyombay ng akirang Peanut Butter Room na sina Gram Math ng "Grammar in Mathematics"
 http://grammath.blogspot.com/?zx=ff2f4b78e1f95485

at si Marvin ng "In my own words-Marvus" http://marvus.blogspot.com/


At sa comment ng isa sa mga idols ko sa blogsphere na si Glentot ng "wickedmouth.com".
http://www.wickedmouth.com/



                           *BEAR HUGS* 






 








Thursday, January 24, 2013

I Corinthians 13

I can't barely find the "perfect" title for this effin' shi*t.... Not until I read your story... Then surfaced the inspiration. 
Through the warmest cord of care, I would like to express how thankful I am.... 



 

(Salamat din po sa mga bagong roommates na sina Emoterang Palaka, Kuya Jay Rada Rafol, Mr. Tripster, Kulapitot, Daddy Jay and Kuya Jun.)


GUYS KINDLY SUPPORT PBO'S (PINOY BLOGGERS OUTREACH) "BAZAAR FOR A CAUSE" EVENT THIS FEBRUARY-MARCH.
FOR MORE DETAILS VISIT PBO'S OFFICIAL FANPAGE AT http://www.facebook.com/groups/121728994657582/

SALAMAT SA SUPORTA.... :)


_________________________________________________



 





Sa loob halos ng 3 taon.....



Pagmamahal

Paghihintay
Pag-iintindi...


Pagtawa

Pag-iyak
Pag-ibig
Pag-unawa...

Paglalakad

Pagniniig
Pagtakbo sa ulan...
 

Halos 3 taon...


Pagkakape

Pagkukwentuhan
Paglalambing
Tampuhan.....
Sa loob ng halos 3 taong


Paliwanagan

Pagpupumilit
Pagbuo ng mga pangarap...







Muli.... kaya ko pang maghintay at magmahal sa iyo ng ilan pang 3 taon...






Kung ang paghihintay sa yo ang bubuo ng pagkatao ko....




Dahil katulad mo, umaasa din ako na sana hindi mawalan ng tanglaw ang "Star ng Buhay Ko".... 



 

 

 

 

1 Corinthians 13 

New International Version (NIV)

13 If I speak in the tongues[a] of men or of angels, but do not have love, I am only a resounding gong or a clanging cymbal.  
If I have the gift of prophecy and can fathom all mysteries and all knowledge, and if I have a faith that can move mountains, but do not have love, I am nothing. 
 If I give all I possess to the poor and give over my body to hardship that I may boast,[b] but do not have love, I gain nothing.

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.  
It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.  
Love does not delight in evil but rejoices with the truth.  

It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.  
For we know in part and we prophesy in part,  

10 but when completeness comes, what is in part disappears.  
11 When I was a child, I talked like a child, I thought like a child, I reasoned like a child. When I became a man, I put the ways of childhood behind me.  
1For now we see only a reflection as in a mirror; then we shall see face to face. Now I know in part; then I shall know fully, even as I am fully known.
13 And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.

Tuesday, January 22, 2013

Istar Istrak!

Matagal ko ng pina-follow ang site nya.
Avid fan na nga ako kung tutuusin.

Sa totoo lang natutuwa ako sa mga kabaliwan nya kaya naman lagi kong inaabangan ang bawat entry nya.

At inaamin ko na isa sya sa mga inspirasyon ko sa pagba-blog.
Ang dami ko kasing "kalokohang" natututunan sa kanya.

Sa kanya ko rin natutunan ang pagko-combo at tamang pagbitaw ng pagmumura. lols


And since 1 year na naka-private ang aking account, marapat ko na sigurong ipost ang isa sa mga entries ko bilang pagbibigay pugay sa isang idolo sa blogsphere.


Sabado nun....






naka online ako...







bigla syang nag message sa akin...












na nauwi sa small talk....












Sa kauna-unahang pagkakataon... may isang blogger na pumansin sa akin...














































Friday, January 18, 2013

(An Offical Entry to BNP 2013): Mang Mau







ISANG PAGTATANGKA AT PAGHAMON SA PAKULO NI KUYA BINO... "BAGSIK NG PANITIK 2013". NAIS KO LANG SUMUBOK TUTAL KATUWAAN LANG NAMAN PO ANG LAHAT.
ahehehehehe.

MARAMING SALAMAT KUYA BINO, ATE RIX AT ANG PBO GANG,KUYA ARCHIE,FIEL-KUN AT BLIND PEN.


 

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




KADILIMAN... KALUNGKUTAN.. PAGTANGIS.. PIGHATI AT KAWALAN...
 
Yan ang madalas na deskripsyon sa aking pagkasino.

Kinatatakutan ako ng lahat.
Iniiwasan.
Tinatakasan.
Ngunit may mga pagkakataon namang niyayakap at hinihiling na sila'y aking puntahan. 

Ako ay bahagi ng simula at katapusan.
Mula sa iyong pagsilang lalung-lalo na sa iyong pagpanaw ako'y matiyagang nakabantay at nag-aabang.

Kilala ko ang mundo.
Kasama mo ako mula sa iyong pagtulog hanggang sa iyong paggising.
Kapiling mo ako sa bawat galaw ng orasan.
Kabisado ko ang iyong anino.
Alam ko ang iyong mga sikreto.
At alam ko rin kung ano ang iyong kwento.
Lahat ng tao magmula sa angkan nina Eba at Adan hanggang sa kasalukuyan at pati na sa hinaharap ay kilala ko...
Kabisado ko lahat ang inyong mga pangalan. Gamit ang aking  talaan at  pluma,  walang sinoman sa inyo ang makakaligtas sa aking pagbisita.




Ilan na nga ba ang dumaan at dadaan pa sa aking mga kamay?
Hindi ko na mabilang....
At hindi ko obligasyon ang bilangan kung ilan.
Dahil ang tangi kong gawain ay ang magbantay, mag-abang, dumalaw paminsan minsan at ang magsundo sa tamang oras at panahon.


Ilang libro na nga ba ang aking naipon at mga librong nakaabang na aking sulatan ng mga pangalan?
Madalas napapagod na ang aking mga kamay sa pagsusulat.
Madalas nauubusan ng tinta ang aking panulat.
Madalas ang pluma ko na mismo ang sumusuko sa dikta ng aking trabaho.
Ang aking pluma na kasa-kasama ko mula sa umpisa, at siyang makakasama ko hanggang sa wakas.

Ang aking pluma na siyang tunay kong kaibigan.
Palaging kasama ko,

 kipkip sa bulsa ng aking anino.






Ilang kwento na rin ang nasaksihan ko sa aking paglalakbay gamit ang aking pluma....
Mga kwentong nagbigay ngiti at halakhak.
Nagpatangis sa aking mga mata,nagpa-alab sa aking damdamin at nagpalamig sa aking mga kamay na tila isang sorbetes na unti-unting natutunaw sa iyong mga labi .

Isa sa mga kwentong ito ay espesyal sa akin.

Dahil isa ako sa masugid na sumubaybay kaya't alam na alam ko kung papaanong nagsimula at nagwakas ang kwentong ito.
Sa kwentong ito naramdaman ko ang kadiliman,kalungkutan, pagtangis, pighati at kawalan. 
Sa kwentong ito ko rin nasaksihan ang matapang at bukas-pusong pagtawag sa aking pangalan at paghiling na siya'y aking sunduin at hagkan.



Ito ang kwento ng mag-amang  Mang Mau at Apong.




 Pamilya na may anim na anak ang mayroon sina Mang Mau at Aling Auring.
Laki sa hirap ngunit matiyagang naitaguyod at hinulma sa kabutihang asal ang anim na magkakapatid na sina Ruby, Mary-anne, Rommel, Myra si Apong at ang bunsong si Buboy. Lumaking may takot sa Diyos at may respeto sa kapwa lalong lalo na sa mga magulang.

Masasabi kong masaya ang pamilyang ito ni Mang Mau kahit salat sa rangya ang kanilang pamumuhay. Naiukit sa magkakapatid ang pagkakaroon ng disiplina at pagpapahalaga sa buhay. Ang makuntento kung ano ang meron sa hapag-kainan. Ang hindi maghangad ng labis sa kung ano lamang ang makakayan. Ang mabuhay sa tamang pamamaraan.
Yan lamang ang ilan sa mga pangaral ni Mang Mau sa kanyang mga anak.

Si Apong sa aking pagkakakilala eh simpleng bata lamang. Tahimik, masayahin at may "kakaibang" pagkatao. Pusong-babae ang tumitibok kay Apong. At dahil sa pagkataong ito kaya hindi ganoon kaigting ang relasyon nilang mag-ama. Walang lahing bakla sa pamilya nila. Tunay na mga barako ang kanyang kuya at kanilang bunso, ngunit si Apong sa kanyang kamusmusan ay nagsimulang malito sa kanyang tunay na nararamdaman.Simula pagkabata ay pilit ng itinatago ni Apong ang kanyang tunay na pagkasino. Dahil alam nyang makakagalitan sya ng kanyang ama.

Hindi naman nahirapan si Apong sa kanyang pagtatago dahil naisipang mangibang bansa ang kanyang tatay ng siya'y 7 taong gulang lamang. Para na rin siguro mai-ahon kahit papano sa hirap ang kanilang pamilya kaya nagtiyagang lisanin ng pobreng Mang Mau ang kaniyang pamilya.

Naging napakaluwag ng dibdib ni Apong sa pag-alis ng kanyang ama. Naramdaman nyang maging malaya. Nakakakilos na sya ng hindi "de numero". Nakakapaglaro sya ng mga larong hindi na kailangan pang idikta ng kanyang ama.
Ganoon pa man, idiniin nya sa kanyang utak na kahit siya'y pusong-babae, alam nya ang kanyang mga limitasyon. Hindi sya sisira sa sariling pangako na hinding hindi nya bibigyan ng kahihiyan ang pangalan ng kanilang pamilya.

Mabilis lumipas ang panahon, ilang tag-init at tag-ulan ang nagdaan.
Sampung taong nawalay si Mang Mau sa kanyang asawa't mga anak.
At sa loob ng sampung taon na iyon ay mabibilang lang sa mga daliri ng isang kamay ang kanyang pagdalaw sa kanyang pamilya.
Sa loob din ng sampung taong iyon ay bahagya lamang ang pag-angat ng kanilang pamumuhay. Lahat naman ng magkakapatid ay nakapag-aral ng sabay-sabay. Wala sa kanila ang dumanas ng pagkagutom kahit ni minsan.

Naalala kong bigla ang isang nakatutuwang tagpo sa buhay ng mag-amang Mang Mau at Apong.

Bakasyon lang ni Mang Mau noon.Edad siyam o sampu si Apong ng panahong iyon.   Nakaugalian na ng pamilya ang mag-almusal ng lugaw tuwing Linggo.
Matiyagang niluluto ni Aling Auring ang lugaw para sa almusal na iyon. Lugaw na talaga namang pinananabikan ng magkakapatid. Iba daw kasi talaga ang luto ng isang ina?
~~~Isang katanungan na kailanman ay hindi ko na mahahanapan ng kasagutan.~~~



 Linggo ng Disyembre bandang alas-sais ng umaga habang silang mag-anak ay nag-aalmusal. Nagbabasa ng pang-linggong peryodiko si Mang Mau habang nagpapakasaya sa init na dulo't ng kaniyang kape ay naisipan nyang utusan si Apong  na bumili ng sigarilyong Marlboro sa tindahan. Gustuhin mang tumanggi ng paslit ay hindi nya nagawa sapagkat kailangan nyang sundin ang kanyang ama.Iniwanan saglit ng bata ang kanyang kinakaing lugaw at mabilis na pumunta sa tindahan para bumili ng sigarilyo. Sa kanyang pagbalik, ini-abot niya sa kanyang ama ang sigarilyo at dali-daling pumuwesto sa hapag-kainan upang tapusin ang nasimulang pagkain ng lugaw.
Matiyagang tinignan ni Mang Mau ang kanyang anak habang ito'y kumakain at dito unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi.
~~~Alam ko ang dahilan ng pag ngiting yan, sasabihin ko sa inyo mamaya.~~~



Tatlong linggo pa ang lumipas ng mapansin ng batang Apong ang kakaibang ikinikilos ng kanyang ama tuwing umaga sa kanilang almusal. Napansin ng bata ang paulit-ulit na pag-uutos ng kanyang ama sa kalagitnaan ng kanyang pagkain sa umaga. 
Muli inutusan nya ang kanyang anak na bumili ng sigarilyo sa tindahan. Mabilis namang tumalima ang bata, ang di alam ni Mang Mau ay nagkubli panandalian si Apong sa likod ng platerang pumapagitna sa hapag-kainan at ng salas. Isiniksik ng bata ang kanyang katawan sa gilid na bahagi ng platera upang masilip ang gagawin ng kanyang ama.
Dinig ko ang pagpigil ng kanyang hininga.
Musika sa aking tainga ang tibok ng musmos nyang puso.
At liwanag para sa akin ang pagkukubli sa dilim sa likuran ng isang matayog na platera.

Bahagyang sumilip ang bata mula sa gilid ng kanyang pinagkukublihan, mula dito tanaw na tanaw nya ang ginagawa ng kanyang ama. Lumapit si Mang Mau sa mangkok ng kinakain nyang lugaw, inilabas mula sa bulsa ang isang supot ng  ginupit-gupit at pinong pinong pahina ng pang linggong peryodiko at dahan-dahang inihalo sa mainit-init pang lugaw. Paulit-ulit na hinalo gamit ang kanyang pambatang kutsara (na may disenyong bubuyog) ang kanyang mangkok ng lugaw hanggang sa magpantay ang kulay ng mga ito. Dahil sa pagkabigla ay di natiis ng batang si Apong na lumabas sa gilid ng platera at magpakita sa kanyang ama. Naitanong ng bata kung bakit iyon ginagawa ng kanyang ama sa kanyang lugaw?
Natawa na lamang si Mang Mau sa reaksiyon ng anak.
Dahil sa unti-unting naiiyak ang pobreng bata minabuti ng lapitan ni Mang Mau ang anak upang ipaliwanag kung bakit nga ba ganoon ang kanyang ginagawa sa kanyang lugaw tuwing araw ng linggo.

Mang Mau: 'Pong pasensya ka na sa ginagawa ko huh?
Apong: Eh bakit nga po kasi 'tay? Kaya pala napansin ko na parang nag-iiba ang lasang lugaw ko? Parang mas lalong lumalapot? Ganun po pala ginagawa nyo?
Bakit po ba tay?

Mang Mau: Gusto ko lang kasi sa paglaki mo eh tumalino ka pa, ikaw lang kasi ang nakikitaan namin ng nanay mo ng talino. Masipag kang mag-aral. Kaya alam namin na mas mapag-iigihan mo pa ang iyong pag-aaral.
Apong: Eh napano po ang lugaw ko?
Mang Mau: 'Yun ba? Nasabi kasi ng isa kong katrabahong Intsik na nakakatulong daw para lalong sipagin sa pag-aaral at lalong tumalino ang isang batang katulad mo kung hahaluan ng pinung-pinong dahon ng peryodikoang lugaw na kinakain mo. Tradisyon daw yan sa angkan nila at lahat naman silang magkakapatid eh talagang masasabi kong naging matagumpay sa kanilang buhay. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko sa 'yo di ba nak?
Apong: Ganun po ba yon 'tay?
Mang Mau: Parang ganun na nga nak? hehehehe.

Magmula noon palagi ng hinahaluan ng dinurog ng pinung-pinong pahina ng peryodiko ang lugaw ni Apong. Kahit nakabalik na sa ibang bansa ang kanyang ama dahil tapos na ang kaniyang bakasyon ay ipinagpatuloy naman ng kanyang ina ang gawaing ito.

~~~Napag-isipan ko kung ano ang koneksiyon ng dinurog ng pinung-pinong pahina ng peryodiko sa lugaw para tumalino ang isang bata?~~~





Nasa kolehiyo na si Apong ng muling umuwi ang kanyang ama, sa panahon ding ito isa-isang nag-asawa ang kanyang 3 nakatatandang kapatid. Kaya't si Apong at ang bunso na lang ang nakasama ng mag-asawang Mang Mau at aling Auring.

At dahil sa may pag-iisip na si Apong, hindi na sya maaring magpakita ng kahinaan at kalamyaan sa harap ng kanyang Ama. Lumaki sya at nagka-isip ng walang ama sa kanyang tabi ngunit hindi ito sapat na dahilan upang balewalain ang pangaral ng kanyang mga magulang lalong lalo na ng kanyang ama.

Wala silang naging problema, hindi man sila madalas mag-usap alam nilang pareho na maayos naman ang kanilang pagsasama bilang isang pamilya.





 Mabilis pang lumipas ang panahon.

Napakarami pang kaganapan sa pamilyang ito na nais ko pa sanang ibahagi sa inyo ngunit pipiliin ko na lamang ang pinaka importante sa lahat... Ang araw kung saan ako mismo ang magiging paksa. At ako ang magiging kaganapan.


Enero, taong 2011 ng simulang magkaroon ng karamdaman si Mang Mau.
Dala ng katandaan kaya't lalong lumala ang sakit nya sa baga na nagkaroon ng komplikasyon sa puso.
Naging mahirap para sa pamilya ang kalagayan ng kanilang ama ngunit tulong-tulong pa rin sila upang madugtungan ang buhay ng matandang Mang Mau. Mula sa gastos sa regular na pagpapatingin sa mga taong eksperto sa medisina, pagbili ng gamot at pagkain hanggang sa mga aparatong kailangan upang mapagaan ang karamdaman kung sakaling atakihin ng hika ang kanilang ama ay masinop nilang pinagtulungan.

Nakakadurog ng puso kung pagmamasdan ang kalagayan ni Mang Mau (ngunit wala ako sa lugar para maramdaman ang ganitong damdamin) na unti-unting iginugupo ng karamdaman. Matiyagang pag-aalaga at pagtitiis ang ginawa ng buong pamilya para sa kanilang ama. Hindi na halos makatulog ang inang si Aling Auring sa mga oras na dumadaing ng pagkain o di kaya'y nais umuhi-dumumi ni Mang Mau.
Hindi na rin gaanong nakakakilos at nakakatayo ang matanda kaya umabot na sa puntong mismong sa salawal na nito sya inaabutan ng pagdumi.  Ngunit ganoon pa man, matiyaga pa ring nililinis ang maduming puwitan at kuyukot ni Mang Mau. Buong pusong pinagsilsilbihan pa rin ni Aling Auring ang kanyang butihing asawa.

Isang hating-gabi kung saan tulog na ang lahat ng biglang dumaing si Mang Mau na gusto nyang kumain dahil sumasakit ang kanyang sikmura, daing-unggol lamang ang maririnig sa buong kabahayan ngunit walang pumapansin sa kayang panaghoy. Marahil siguro sa ilang linggo na ring puyat at pagod, tumayo mula sa pagkakahiga si Aling Auring at iritadong nagkanaw ng maligamgam na gatas at naglabas ng ilang pirasong biskwit upang ipakain sa kanyang asawa. 

"Papaano naman akong makakapag pahinga niyan kung gabi-gabi lagi kang ganyan?"
wika ni Aling Auring.

"Hindi ko naman ginusto ang ganito. Kung nagiging pabigat na ako sa'yo pabayaan mo na ako.... Diyos kooooooo!!! kunin nyo na po ako..."
Hingal-sagot ni Mang Mau kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.

~~~~Tila ako'y nananabik sa mga sinambit ni Mang Mau, ngunit hindi pa, wala pa tayo sa tamang panahon~~~~



Halos 2 buwang ganito ang kaganapan sa tahanan ng pamilya ni Mang Mau, ako sa isang banda ay nanonood lang, naghihintay, nakikiramdam at naghahanda.


"Pooooooonng.... Poooonnngggg....." daing-tawag ng ama.
"Auring....... (hingal)... Auring....."
muling pagtawag nya.
Ngunit walang naglakas-loob na pumasin sa kanyang pagsamo.
Marahil sa sobrang pagod, puyat at pagka-irita ng kanyang mga tagapag-alaga, walang sumagot sa kanyang daing. 

"Poooonngggg..... Apoooooonnnnngggg..."
muli nyang daing sa kanyang anak.

~~~~Alam kong gising na gising si Apong ng mga oras na iyon.~~~~

"Puta namang buhay ito oh!!!! Pagod ka na nga sa trabaho, hindi ka pa patutulugin ng maayos!!! Hindi pa kasi mamatay kung mamamatay.... para matapos na lahat ng paghihirap!"


Iyan ang naibulong ng isipan ni Apong. Alam ko at dinig na dinig ko ang sinambit nya. Walang tinig na lumabas ngunit malinaw pa sa biglaang pagkislap ng ilaw ng isang kamera ang sinabi ng kanyang isip. Tila isang nagniningas na liwanag mula sa isang  lampara ang init ng mga kataga.  Mga katagang nagpagaan sa aking damdamin. Mga salitang nagpangiti sa akin. Kung naisa-tinig lamang ni Apong ang lahat, malamang na ikasama ng loob ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang ama ang sinambit ng kanyang pagal na isip. Tila isang lason mula sa tuklaw ng isang ahas ang sakit na maaring idulot ng mga salitang iyon, ngunit para sa akin isa itong musika na humihele sa akin upang mas pag-igihan ko pa ang paghihintay... Malapit na.... At nalalapit na.. Pasasaan ba't darating din ang aking inaasam na sandali.




Tik Tak... Tik Tak.. Tik Tak....


Mataman kong binabantayan ang pagdaan ng mga kamay-orasan.
Pasado alas-dos ng madaling-araw ng naalimpungatan si Apong dahil sa paggising sa kanya ng kanyang ate Myra. Nataon kasing wala ang inang si Aling Auring ng gabing iyon kaya't naiwan sa 2 magkapatid ang pangagalaga sa kanilang ama.


Myra: Pong... Pong... Gumising ka muna sandali... Pakisilip saglit ang tatay?
Apong: Bakit te? Anong nangyari?
(pupungas pungas na tanong nya)

Myra: Ang tatay kasi, nagpumilit na bumangon kanina para umihi, nawalan ng panimbang kaya nabuwal mula sa pagkakatayo tapos heto ng silipin kong muli, ganyan na sya.

Kitang kita ko ang kalagayan nya, dilat ang mga mata, nakabuka ang bibig, umuungol na tila may gustong sabihin ngunit walang tinig ng mga salita ang lumalabas.


Apong: Tay..... tay... naririnig nyo po ba ako tay?

~~~~Ang tanong na may pag-aalala ni Apong habang pinipisil nya ng ubod diin ang kanang palad ng kanyang ama.~~~~

Apong: tay... nararamdaman nyo po ba tay?
nararamdaman nyo po ba?
masakit po ba ang pagpisil ko tay?
tay...... tayyyyyyy.... sumagot ka naman tay......

~~~~Kitang kita ko rin sa pagkakataong ito na unti-unting namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Apong habang pinag-iigi nya ang pagpisil sa palad ng kanyang ama.Ngunit mga unggol lamang ang narinig mula kay Mang Mau.~~~~


Myra: dalhin na natin sya sa ospital Apong.
Bantayan mo na muna ang tatay, gigisingin ko na muna ang Kuya Erick mo para paki-usapang gamitin na muna ang taksi nya,maihatid lang tayo sa ospital.


Tanging tango lamang ang tugon ni Apong tanda ng pagsang-ayon.
Patuloy pa rin nyang minamasahe-pinipisil ang mga palad ng kanyang ama habang naghihintay sa kanilang gagamiting sasakyan patungong ospital. Manaka-nakang maririnig ang mga unggol ng kanyang ama. Tila ba may gustong sabihin. May ibig iparating.

Sa mga sandaling ito, dinukot ko ang aking pluma at  mahigpit kong hinawakan. Inihanda ko ang aking sarili.
Kating kati na ang aking mga kamay sa pagkipkip ng aking pluma. Panibagong pangalang maitatala sa aking libro?



Myra: anjan na sa labas ang sasakyan 'Pong.... 
Pero paano natin bubuhatin si tatay?

Pilit itinayo ng magkapatid ang kanilang ama, ngunit dahil may kabigatang taglay hindi nila makuha ang tamang pagbuhat kay Mang Mau. Nariyang mawalan silang pareho ng timbang at mapapaupo sa higaang papag dahil sa di nila makayang buhatin ang kanilang ama.

Apong: ate tumabi ka na muna, ako na ang bahala.....

Pumuwesto paupo sa sahig si Apong upang isalabay sa kanyang likuran ang katawan ng kanyang ama. Inipong lahat ng kanyang lakas upang mabuhat ang bigat ng katawan ni Mang Mau. Hindi ininda kung anoman ang sakit na kanyang mararamdaman, pwersa at lakas ang ibunuhos maihatid lamang sasakyan ang kanyang ama, dahil ng mga sandaling iyon, oras at AKO ang kanilang kalaban.


Hindi hiniwalayan ni Apong ang kanyang ama. Sa likurang bbahagi ng sasakyan, isinandal nya ang ulo ng kanyang ama sa kanyang balikat upang mapakiramdamang maigi. Habang nasa daan patungong ospital hawak-pisil pa rin ni Apong ang kamay ng kanyang ama, sa paghahangad na maramdaman nya ang kaba-takot na dumadaloy sa katawan ng kanyang anak.

Ilang sandali na lang at nasa ospital na sila ng makita kong sinapo ni Apong ang dibdib ng kanyang ama, pinakiramdaman, ngunit may pag-aalinlangan sa kanyang isip kaya't itinigil nya ang kanyang ginagawa.

"Puta wag naman po sana!!!! nagkamali sana ako.... 
Sana dala lamang ng sobrang bilis ng takbo ng sasakyan kung bakit hindi ko maramdaman ang pagtibok ng puso ni tatay.... Diyos ko wag po sana... wag po muna..."

Tila isang nakakatakot na higanteng alupihan ang katotohanang pilit nyang iwinawaksi sa kanyang isipan. 
Muli nasulyapan ko ang ginawa ni Apong, itinapat nya ang kanyang palad sa bandang ilong at bibig ng kanyang ama. Ilang beses nyang ginawa ito. Pinakiramdaman niyang muli si Mang Mau.
Sa huling pagkakataon.


" Putang inaaaaaaaaaaaaa!!!! tay wag muna!!!
wag ngayon tay!!!"

~~~~Ang pagsigaw ng kanyang isipan, hindi ko maalis sa kanya na dayain ang kanyang sarili.
Ngunit huli na ang lahat Apong....
AKO na mula sa sandaling ito ang pumangko sa iyong ama.~~~~



Ospital.





Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa kanyang ama, nasa loob pa rin sila ng sasakyan, ang kanyang ate ay naghihintay sa kanilang nurse na tutulong upang maipasok sa ER si Mang Mau.

Pong: teh pakitignan mo nga si tatay?
pakiramdaman mo?
baka kasi nagkamali ako te?

Lumapit ang kanyang ate sa katawan ng kanilang ama at sinimulang damhin ang dibdib nito. Itapat ang palad sa bibig at ilong katulad ng ginawa ni Apong.
Dito nagsimulang tumulo ang luha ng kanyang ate.

Myra: ay puta!!!! di na tayo umabot 'Pong!
'Pong, putang ina patay na si tatay!!!

Malumanay ngunit may diin ang pagkakasambit ng kanyang ate sa mga katagang ito. Malumanay ngunit naramdaman ko ang panlalamig ng kanyang katawan. Ang pagguho ng kanyang katatagan. Ang pagdadalawang-isip sa pagtanggap na wala na ang isang taong minamahal.

Nasa labas si Apong ng ER, pinanonood kung maisasalba pa ba ang buhay ng kanyang ama. Tulalang pinagmamasdan ang ginagawa  kay Mang Mau. Blanko ang isipan. May mangilan-ngilang ala-ala ng kanyang ama ang naglalaro sa kanyang gunita.

Mang Mau: saan ka nanggaling huh? ba't di ka umuwi kagabi?
Apong: nagpunta po kasi ako sa kaarawan ng katrabaho ko 'tay, dun na rin po ako nakitulog.
 
Mang Mau: puta ka! ba't di ka man lang nagpaalam? ni hindi ka tumawag? or kahit magtext man lang na hindi ka uuwi? alalang-alala kami sa 'yo! di namin alam kung napano ka na?
 ayun! ang nanay mo, nasa baranggay ngayon, ipina blotter ka dahil jan sa katarantaduhan mo!

Apong: 'tay naman! bakit nyo pa ako pina-blotter? 27 anyos na po ako!
nakakahiya tuloy sa mga tao?

~~~~Isa sa mga tagpo na hindi makakalimutan ni Apong patungkol sa kanyang ama. Alam nyang may pagka-istriko ngunit dama nya ang pag-aalala ng kanyang mga magulang.~~~~


Tinaggap ng buong pamilya ang pagpanaw ng kanilang ama, wala silang magagawa. Kahit ako man hindi ko maaring tanggihan ang tawag ng aking obligasyon. 
Mahigit isang linggo ang burol ni Mang Mau. Muli nakita kong magkakasama ang magkakapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan ni Mang Mau.
Ilang gabi ring matiyagang nagbantay si Apong sa burol ng kanyang ama. Hindi iniinda ang pagod at puyat sa pag-eestima sa bawat bisita.
 
Sa araw ng libing ni Mang Mau hindi mapigilan ang pag-iyak ng mga nakiramay. Mula sa pagtangis ni Aling Auring hanggang sa panaghoy ng mga kapatid at iyak ng mga kaibigan at kamag-anakan. Ngunit may isang tao ang hindi nakisalo sa pagdadalamhating ito. Hindi sya umiyak sa haparan ng tao. Hindi tumulo ni isang patak ng luha mula sa kanyang mga mata. Nagpakita sya ng tapang. Nanindigan. Dahil para sa kanya, wala na syang mailuluha pa. Si Apong.

Matapos ang seremonyas ng libing, nilapitan ni Myra si Apong at nagsimulang magtanong.
Myra: ang tapang mo noh 'Pong?
Apong: bakit naman 'te?
Myra: buong panahon na nakaburol ang tatay ni hindi ka namin nakitang umiyak.
Apong: hindi ako matapang 'te. tinanggap ko lang na wala na talaga ang tatay.

 Ang narinig kong usapan ng magkapatid ay taliwas sa aking nalalaman. Lingid sa kanilang lahat, si Apong ang gabi-gabing tumatangis sa pagkawala ng kanilang ama. Gabi-gabi sa kanyang pagbabantay palagi nyang kinakausap ang kanyang amang nahihimbing sa kanyang puting ataul. Kasabay ng pagka-usap na 'yon ay ang kanyang lihim na pagtangis. Bawat haplos sa ataul ay kasabay ang pagdaloy ng kanyang luha.
Paghingi ng kapatawaran ang palaging nasasambit ni Apong sa kanyang ama. Kapatawaran sa lahat ng kanyang mga kasalanan. Sa lahat ng kanyang mga nasabi at di nasabi kabilang na ang mga salitang nagpapahayag kung gaano nya kamahal ang kanyang ama. Mga bagay na kanyang ginawa at hindi ginawa para sa ikatutuwa ni Mang Mau. Lahat ng yan ay hindi lumampas sa aking tainga. Dinig na dinig ko ang bawat salita at bawat hikbi ni Apong.


Apong: patawad tay, di ko man nasabi sa inyo noong kayo'y buhay pa pero alam ko na alam nyo kung gaano ko kayo kamahal. Alam kong masaya na kayo sa kinaroroonan nyo ngayon, kayo na po ang bahalang gumabay sa aming lahat. Patawad at salamat 'tay.



~~~~Ang huling nasambit ni Apong sa paghihiwalay nila ng kanyang ama.~~~~



AKO ANG KADILIMAN...
ANG KALUNGKUTAN.. 
ANG PAGTANGIS.. 
ANG PIGHATI...
ANG KAWALAN...

 AKO ANG TALAAN.
AKO ANG ITIM NA TINTA.
AT AKO ANG PLUMA.

AKO ANG TADHANA NA HINDI MO KAILAMAN MAIIWASAN.
    
AKO  ANG ANINO...
AT AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KA LUMULUHA SA PANAHONG AKO'Y DARAAN....


PALAGI MO AKONG KASAMA
TANGAN TANGAN ANG AKING PLUMA.


KILALA MO AKO NGUNIT DI MO AKO NAPAPANSIN. NGUNIT HIGIT MO AKONG MAKIKILALA  NG LUBUSAN SA TAKDANG ORAS AT TAMANG PANAHON.

 WALANG SINOMAN ANG SA AKIN AY MAKAKATAKAS.



AKO ANG "KAMATAYAN".





Thursday, January 17, 2013

"Kabaklaan" ang Sukatan ng Pagiging Isang Mahusay na Actor?

PAUNAWA: ANG POST NA ITO AY PAWANG OPINYON KO PO LAMANG....
SALOOBIN KO LAMANG PO ITO, AT SOMEHOW EH PARANG MEDIDA NA RIN KUNG ANO NGA BA PARA SA AKIN ANG SUKATAN NG ISANG PAGIGING MAHUSAY NA ACTOR....

*MALAYA PO KAYONG MAG-POST NG "HATE COMMENTS"*
NAIHANDA KO NA RIN NAMAN ANG AKING "DEADMA SHIELD"....
*bleh* :')


-------MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA BAGONG TAMBAY NG PEANUT BUTTER ROOM NA SINA MISS JESSICA AND SI RED....
*bear hugs*---------------------------






Masasabi ko bang "actor" si Papa P.?









Maaring magaling syang artista dahil nadadala ka sa kanyang pag-arte.
Natandaan ko sa isang episode ng MMK kung saan gumanap siyang titser na nagkaroon ng saltik... Very effective at talaga namang kahanga-hanga ang kanyang pagganap sa episode na yan...



Ngunit ano nga ba para sa akin ang sukatan ng isang tunay na "ACTOR"?




May mga artistang madaling magpatawa or magpaiyak mapa sine or sa tv... Walang duda yan....


Ngunit ''matapang" para sa akin ang mga "actors" na  walang pinipiling roles lalung-lalo na ang pagganap ng isang sensitibong karakter.... Ang pagiging BAKLA.....Hindi madali para sa isang TUNAY na lalaki ang gumawa at mag portray ng isang role na para sa iba eh "kakatwa" at "abnormal" at iilan lamang sa kanila ang pumasa sa aking "Baklang Roles-Astig na Actors" list....

Regardless kung sila ay tunay na lalaki, tunay na bakla at mga lalaking takot ilabas ang tunay na kabaklaan.






Umpisahan natin sa pamilyang Quizon.



Ilang movies na nga ba ang ginawa ni Dolphy na talagang masasabi kong very effective, appealing and convincing. Yung tipong hindi mo aakalaing "si Dolphy ba talaga yan"?

















The Quizon combo....

 Dolphy+Eric+Epi= Markova (Comfort Gay)








***Dolphy as Facifica Falayfay

 





***Dolphy (Ang Tatay kong Nanay)










***Joey de Leon... aliw lagi ang galaw ni Joey sa lahat ng movies nya na may patungkol sa pagiging gay... yung typical na loud, makulay at literal na "gay"....


Barbi Maid in the Philippines.








Barbi For President





She-Man (Mistress of the Universe)

  
---Bago pa man magladlad ng kapa si   Zsazsa Zaturnnah eh naunahan na syang lumandi ni She-Man.
Kwela ang pagka-bakla dito ni Joey. Bet na bet ko yung costume nya dito lalo na yung mala-Miss Universe nyang crown and scepter....dkt din ako sa role ni Palito dito as Skeleton... yung tatahol sya tapos biglang uubo na parang may tibi ganyan.




***Dindo Fernando (Si Malakas, Si Maganda at si Mahinhin)





Isa sa mga ultimate crushes ko eh ang namayapang actor na si Dindo fernando...*ankyot kyot nya noh?*

Love triangle naman ang tema ng Si Malakas, Si Maganda at Si Mahinhin.
Bakla si Dindo, tomboy si Elizabeth Oropesa at Virginal naman si Alma Moreno...

Ang gulo di ba? Labanan ng orbit-bekler-virginal ang eksena?










***Herbert Bautista (Jack and Jill/ Jack and Jill sa Amerika)

Riot tong magkapatid na toh, nag-switch ng "pagkatao" ika nga pero alam mong kahit di sila magkasundo sa ibang bagay eh ang magkakapatid pa rin ang magtutulungan sa oras ng kagipitan.

"jilliaaaaaaaaaaaaaaan.... jillian na magandaaaaaa..."
- favorite line ko yan, may landi factor kasi ang pagkakasabi ni Jack sa line na yan eh.







FAST TRACK:


  Sa mga artista natin sa ngayon eh iilan lang ang naglakas-loob na gumanap ng isang gay role....



Jake Cuenca: MMK


  







John Lloyd Cruz & Luis Manzano (In My Life)






(Ang dami kong iyak sa movieng yan.. mga 16,239 lahat)




***Paolo Ballesteros (EB BABE NG PINAS)


                                  (HONGOOONDOOOOOO LANG NI PAOLO OH?)







Ilan lamang sila sa mga Actor na talagang hinangaan dahil sa tapang nilang tumanggap ng "kakaibang" role/character.






Kung silang mga nabanggit na actor eh kayang gampanan ang role ng isang bakla, nagtataka ako kung bakit si Papa P. eh parang iwas na iwas gumanap sa ganyang klaseng role? Hindi naman siguro kabawasan sa kanyang pagkalalaki (nga kaya?) ang tumanggap ng role bilang isang bakla di ba?













Wednesday, January 16, 2013

Fehz-Bowk Encounters.

WELCOME PO ULIT SA BAGONG PEANUT BUTTER ROOMMATE NA SI NYABABOI.....
SALAMAT PO SA PAGBISITA....
*bear hugs*




8-hours-6-days-a-week kung makatambay ako sa FB.
Dahil yan ang aking pinagkakaabalahan, yan ang aking traba-hobby at jan din ako binabayaran....



Sa araw-araw na nakatutok ako sa FB world eh may ilan (well actually marami) akong mga experiences and I'm sure na ikaw din somehow eh may na-encounter na ganitong eksena na nagpatawa, nagpa-inis, nagpa putok ng iyong batok at minsan very annoying na kaganapan.









Let's start with the basics....


*Miss Friendship--- 5,000+ na population sa kanyang friends' list? At take note, may existing pa syang 2 accounts dahil hindi na kayang tanggapin ni FB ang inia-add/nagpapa-add sa kanyang account.Reality check 100+ lang naman talaga ang kilala/kaibigan nya sa totoong buhay.
Utang na loob!!!! Wag gawing Friendster ang FB.. Hindi po ito paramihan ng friends!!!


*Ang POSERO---  uber yummy, gwapo, maputi, makinis, gym buff at lahat-lahat na. Para kang nakakita ng Demi-God sa DP pa lang eh talagang ikaw ay mahahalina.
But waaaaaaaaaiiiiiiiitttttt!!!
Mapapansin mo na pag check mo ng kanyang album(s) eh 2-3 pics lang ang meron sya? At sa sobrang karir mo ang pagbabrowse sa FB eh malalaman mong 2-3 accounts din ang makikita mong may magkakaparehong pictures sa iba't-ibang pangalan.

*Instagram Dependent--- obviously na-umay na sya sa paggamit ng adobe photoshop (expensive daw kasi) kaya go sya sa instagram... Heto eh mga adik sa pag-eedit ng kanilang DPs and halos lahat na ata ng pictures nila eh binudburan ng Instagram magic.... Yung tipong ang ganda ganda or ang gwapo gwapo nya sa pictures pero pag nameet mo na personally..... 

BOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!!

*Grammar-ionette--- todo todong English sa pagpost ng status yung tipong gumunguya ng thesaurus+meriam-webster dictionary sa kaka-english pero wrong grammar naman? Hindi naman masamang magpaka-Filipino at gumamit ng sariling wika. Kung nahihirapan kang um-English eh wag mo ng ipagpilitan dahil ikaw eh lalabas na katatawanan.

*# Tag-gago----   wag ipilit na gawing twitter ang FB. Magkaibang mundo po yaan... Ewan ko nga ba kung bakit may mga taong gumagamit ng # tag sa kanilang status?
Baka nga naman may mag "tweet-back" sa kanila sa FB?
Who knows?

*Heswitas--- dito ako bwisit na bwisit.... Eto yung mga taong magpopost ng very "Religious-Godly-bakla-magbago-ka-na-sobrang-dami-na-ng-kasalanan-mo-pakenambits-ka" status pero kung susumahin mo dahil sa sobrang kilala mo ang taong nagpopost nito eh masasabi mong "isa kang dakilang BULLSHIT dahil mas nauna ka pang sinusunog sa impiyerno sa dami ng kasalanan mo"!!!!

*Chismis Convention--- naexperience mo na ba yung nag-post ka ng walang kwentang status then after 30 minutes biglang may mag-kocomment? Tapos biglang magkakamustahan? Tapos biglang may babanggiti ng kwento tungkol sa isang kakilala/friend nyo? Tapos susundan pa ng ilang comments ng iba nyo pang kakilala?
AT SA WALL MO PA MISMO?
Anong silbi ng Chat box mga inutil!!!!



*Bato-bato sa Langit--- madalas nangyayari ito. Yung may mababasa kang status na alam mong may pinatatamaan at pinariringgan?
Although hindi ka naman talaga affected dahil you know to yourself na hindi ikaw ang target ng status eh mapipilitan kang magtanong?
(NOTE: wag gawin ang *Chismis Convention... again.. may silbi po ang chat box)


*Dumo-Dora--- mga posts na "I'm here at" ang peg.

Having lunch here at (insert location and name ng resto here)

Coffee mode here at (insert location and name ng pamosong coffee shop here)


Doing shopping here at (insert location and name ng mall here)

Spending the night here at (insert location and name ng Bar here)

Kinukyopas si Anez here at (insert location ng eskenita or name ng motel here)
 
Tumatae here at (insert location and MMDA urinal here)

at kung anu-ano pang "I'm here at" drama.  


*Mema Lang--- mga taong mahilig mag-post kung anu-ano nga ba ang kanilang ginagawa every minute everyday of their lives. Ginawang Twitter ang FB?
Pistiiiiiiiiiiiiiiii !!!!
 



Medyo Hard Experiences.

*Emo-nyo Ka!--- madalas mong makikita ang mga ganitong posts, mga patungkol sa ka-emo-han ang eksena... Bat di nyo itry bumili ng isang box ng blade at sumali kayo sa LASLAS Convention?Mauna mategi ang syang magwawagi!!!


*PamPampilo Lacson--- sobrang natatanga ako sa mga taong ganito...
Heto po ang eksena..
Si kuyang gwapo eh magpopost ng simpleng " :) (smiley emoticon) status sa kanyang wall... pagbalik mo after 30 minutes sa wall nya eh may 100+ comments kaagad ang pakenmabits!!! Mga comments na nagtatanong ng "bakit "smiley"?
Balikan mo after an hour may post na naman si kuyang gwapo sa kanyang wall pero this time eh sad emoticon " :( " naman...
At bigla kang maloloka dahil nadoble ang comments ng mga pakenambits sa comment box ni kuyang gwapo...from 100+ eh aabot ng almost 200 ang matiyang magkocomment at magtatanong ke kuya ng "bakit ka sad"???
DAFAQQQQQQ!!!!

*Suki--- mga business minded naman ang mga ito... Yung tipong walang habas na magtatag sa yo ng kanilang ibinebentang products. Kahit ano na lang ang maibenta.
Helloooooooooooooooooooooooooo???
May silbi po ang Fan Page mga inutil!!!

*Shit-I'm-so-Effin-Gym-buff--- mga cam-whores po sila. Yung halos lahat na ata ng piksyurs nya sa paggi-Gym eh naipost sa wall, from DP to Timeline header to album covers nagkalat ang kanyang topless na piksyur... Minsan mauumay ka at minsan naman mapapa-order ka ng extra rice sa ganda ng makikita mong gym-buff piksyurs.


*LIKE?--- bulagaan naman ang eksenang to. Biglang magpapop sa chat box ang isang request ng isang friend or kakilala asking you to LIKE the link na ibibigay nya. Contest daw kasi. Paramihan ng votes/likes sa piksyur.



The HARD-CORE Corner.


*Istar Istrak--- mahilig magpost ng piksyurs na kasama ang mga artista. Kesehodang makasalubong lang sa mall, sa simbahan, sa resto hanggang sa mga meet and greet events eh asahan mong super upload kaagad ang mga hitad ng kanilang mga piksyurs.

*Kumi-Kpop--- ang pagpipilit na singatan ng imbentong Korean Name sa FB Account.
E.G.
-Shin Dong Lyle

-Mikee Señadan (박민준)
-John Michael Santos (JM Yeoh-Park)


Geeeeeeez!!! nakatikim ka na ba ng Kimchi?
lols


*Pa-"Yummy" Effect--- heto po yung mga may DP na katawan lang ang subject,regardless kung hubad or may saplot. Sila yung hindi pinapakita ang Fez (hipon?) dahil kelangan mo daw masilaw sa kanilang matitipunong alindog.


*ONLY ME--- may kakilala akong ganito... Ang linis ng account  sa FB. Okay naman ang DP (gwapo nga kung tutuusin) pero hindi ka pwedeng magpost ng comment(s) sa wall at sa mga piksyurs nya. Hindi ka din pwedeng kumuda sa comment box nya. Hindi mo pwedeng ishare ang piksyurs nyo. At lalong hindi din pwede ang tag.
So IKAW na!!! Ikaw na very sociable!!!

lols

*Half-Naked-Truth--- mga nagkalat na half naked piksyurs ng mga otoks naman ang trip nito... yung puro hubad na upper body lang ang ibinabalandra dahil sa effects ng *Shit-I'm-So-Effin-Gym-buff* kemeruth.

(Insert *Pa-Yummy-Effect here)

*Almost-Naked-Truth--- eto naman eh walang sawang pagpapakita ng hubad na katawan (may konting delikadesa naman dahil may saplot pang brief or boxer's shorts) ng may-ari ng FB account....
(Insert *Pa-Yummy-Effect here)

*The-Whole-Naked-Truth--- parang porn star lang sa pagpopost ng walang saplot na katawana ng peg ng mga pakenambits. Mga tripper. Mga manyak!!! Mga..... uhhhmmmmmm.. basta.... lols

(Again Insert *Pa-Yummy-Effect here) 

*Suki-Karne--- level up naman ng mga callboys ang account na ito. Hontoroy lang di ba? Hindi lang pang malls ang mga bakal boys ngayon, at talagang may FB accounts na sila para magbenta ng unli-karne... Syempre depende sa presyuhan at tawaran yan..
lols



At heto ang pinaka-paborito ko sa lahat!


*ANG PATOLA* ---
mga comments/posts/status na talagang mapapatulan mo....



At ako mismo eh nambiktima ng Patola Entry....









                                                                         PAGE 1
(SCREEN SHOT TALAGA? walang edit-edit!!! magkaalaman na!!! bwahahahahaha)



                                                                        (PAGE 2)



                                                                          (PAGE 3)









Ikaw? Anong Fehz-bowk encounter(s) ang na-experience mo?