Tuesday, January 28, 2014

Moving On 101





Lahat naman ata tayo dumadaan sa ganitong stage?
Nagmahal ka, naging masaya, naging buo kahit papano ang buhay mo. At sa bandang huli masasaktan ka.

Masakit di ba? Yung buong akala mo okay na ang lahat. May mga munting problema na normal lang naman sa isang relationship na pinagtutulungan nyong resolbahin.

Pero hanggang kailan ka nga ba lalaban? Hanggang kailan mo dadayain ang sarili mo? Kailangan mo pa bang piliting maging masaya para sa isang bagay na alam mo namang mas mabigat ang timbang ng sakit, galit at kalungkutan?



Sa mga ganitong pagkakataon ko nagagamit ang ilang ways para naman mas mapabilis ang pagmo-move on ko.


Hindi ko alam kung saan ko napulot itong mga ways na ito pero for me very effective sila everytime na nagkakaroon ako ng failed relationship. One week lang kasi ang duration sa akin ng pagiging bitter, mas maaga na yung 3 days pag medyo prepared ako pag dumarating ang moment na kelangan nyo ng tapusin ang dapat tapusin.


Ilan lang naman ito sa mga paraang alam ko na nakatulong sa akin, I dunno kung magiging effective din sa inyo pero who knows di ba?

1. SONG (s):


   Mas maganda kung paulit ulit mong pakikinggan ang favorite mong break up song (Someone that I used to love ang fave break up song ko of all time) para marelax ka. Yung pinakamatapang na kanta, mas may angst mas maganda at mas madaling maabsorb ng puso mong naglulumangoy sa kalungkutan. Pwede din namang pakinggan ang favorite song (s) nyong mag jowa nung kayo pa. Torture yourself sa mga kantang hilig nyang pakinggan. It will be better  na unahan mo na ang lahat, sanayin mo na ang tenga mo sa mga kantang gusto mo at gusto nya para any moment na marinig mo sya sa ibang lugar eh hindi ka na mag-eemo ng bongga.


2. WORK:
 

    Sabi nila nawawala ka sa focus kapag nasa work ka dahil nga nasa eme eme stage ka because of the break up? For me much better na magpakasubsob ka sa trabaho, pagurin mo ang sarili mo sa trabaho. Pati trabaho ng boss mo gawin mo na kung kaya mo.

 

3. FRIENDS:
 

    Go out with your friends. Go get some movie dates, coffee sessions, pamagaan ng lapay na nomohan or kahit anong pwedeng nyong gawin na magbabarkada. Kung kaya nyo ang orgy eh di go kayo sa orgy-marathon.
Mas masarap kasing makipagkwentuhan sa mga taong kilalang kilala ka. Na kahit hindi ka magsalita eh alam na alam nilang may problema ka. At idadaan nyo na lang sa tawa ang lahat.
Kung may imaginary friend ka eh ikaw na ang bahalang dumiskarte na kausapin sya. Madalas mas malaki ang naitutulong ni imaginary friend para mapabilis ang healing process ng iyong sugatang puso.


At eto po sila, mga iilang kaibigan na laging sumusuporta.

Meet my best friends.













4. FOOD TRIP:

    Hindi ako mahilig kumain pero pag nasa ZONE ako ng pagpapalamig eh pansin ko lang na palagi akong gutom. Heavy meal kung heavy meal ang labanan bukod pa sa maya't mayang pagkutkot ng kung anu-ano.
Hilig kong payapakin eh tinapay, yung ganire.




5. SEX:

    Yes.... SEX!
Makipag sex ka sa recent kalandian mo during nung time nyo ng jowa mo. Or maganda rin namang makipag-sex sa ex mo prior to your previous ex (na kakabreak lang) or kung meron kang regular fuck buddy na medyo matagal mo ng hindi nakakalaro dahil nga may jowa ka eh pwede rin namang sya ang kimehin mo. Or kung wala ka talagang choice,  punta ka lang sa mga lugar na maraming nagbebenta ng aliw, itext mo ako lang , ituturo ko sa yo kung saan merong easy access na bilat or otoko.



Kung may pagka hard core ka naman sa pagmo move on eh pwede mong gawin ang nasa list, ng sabay sabay!

Keri mo bang makipag sex sa bet mong girl/guy habang pinanonood ka ng iyong friendly friends sa kalagitnaan ng inyong midnight snack while playing your favorite break up song para matapos mo ang iyong weekend report na ipepresent mo sa boss mo?

Sunday, January 26, 2014

F.E.A.R.



Isang dipa ang lapit, tatlong milya ang layo
Hindi inda ang pagod dulot ng pagsagwan palapit sa yo
Ibinuhos ang lahat, walang itinira kahit na sapat
Maiguhit lang ang ngiti sa iyong labi , ang sa aki'y ililipat.

Ninais kong mabulag para walang makita
Maging bingi ng di marinig ang bawat salita
Maging manhid ng di madama ang galit
Maging manhid kahit lamang sa iilang saglit.

Pinilit kong lumaban sa digmaan
Sinuong ang kawal sa ating pagitan
Hawak mo'y 'sang libong kanyon
Ang sa aki'y isang gulok na ubod purol

Di ko man napagwagian ang hamon
Dahil pagsuko sa aki'y lumambong
Saludo ako sa ipinakitang tapang
Tinanggap ko ang pagkatalo ng ubod yabang.

Tinalo ako, bagsak at duguan

Halos walang buhay na gumapang
Kumapit sa isang patak ng luha
Luhang naging lakas at sandalan.

Isinuko ko ang laban

Ngunit di sapat na dahilan ng karuwagan
Dahil duwag man ako'y iyong bansagan

Sa tunggaliang ito, buong tapang kong napagwagian.

Ikaw ang syang tunay na talunan
Takot kang kita'y aking iwanan
Ang totoo'y di mo naramdaman

Na ako'y naghihintay lamang, para ika'y magpaalam.