Monday, February 3, 2014
FB Gospels According to Socorro 6: Jessica Zafra, Mama Gan & Mama Ru
WRITER'S NOTE: Ang post na ito ay "KUNWARI" po lamang. Hindi seryoso, may bahagyang katotohonan ngunit hindi naman masasabing dapat bigyan ng atensiyon. Hindi para magpaawa or humingi ng inyong simpatiya.
Malaya tayong magsalita, pumuna at magbigay ng opinyon sa mga bagay bagay na nais nating bigyan ng bahagyang kumento. Maaari po kayong mag-iwan ng comments at opinion, mabuti man or masama, maganda man o pangit na inyong sasabihin ay buong puso kong tatanggapin at susubukan kong sagutin.
AGAIN..... KUNWARI lang po ang lahat.
Pasencious na muna at medyo dumalang pa sa julan ang pagsishare ko ng mga spluk last year kasi medyo naging busy ang peg ni akira. Busy sa workaloo, sa zumbao, sa family tree, sa friendships at pati na rin mga ways kung paano ako jujubis eh pinagkabusy-han ko na. Umabot na nga sa point na woosloop na akira umaura ng blogelya entrada kasi naman sa sobrang busy ng pezang kiz eh witchina umelag ang creative juices mez (saanchi? meron nga ba?).
Well, itekla akiz na medyo boardina ang peg kaya olay na muna sa entrelya ni Socorro. Namiss keme ni akira itey si meym Socorro kaya gora akiz makipagdukdukan ng kuda kay meym.
Shudak ni meym na isanching eksena ang ganap sa nyefbee world recently. Super post si tuklah ng isanching blogelya entry (nyula nyulaan lalu) kinembot sa isang chipipay na group feige cooked by isanching nyipipay na merly na very close sa kitchenette obispo na itago sa namesung na Mama Gan/Mama Ru. Itez na nga ang keme ni ateng, eme eme post si merly ng eme emeng shulak pakembot sa nyula nyulaang lalu entrelya ni meym. Itetchibambini cologne na meym naman eh go sa pag-RSVP sa shulak ni merly na very close sa kitchenette obispo. Very polite naman daw ang ispluk ni meym with matching "po" sa kudaerz nya na ineme eme nya lang din. Noseline meym witchekelz syang nyutolers sa mga eme emeng anez kaya bet ko ang peg nya as ambassador of good will.
Itez na nga, more waiting galore ang meym sa spluk again ni merly Mama Gan from her eme emeng talak. Ang hitad na merly Mama Gan ay naorkot ata kumuda kasi naman una-kembot pa lang ni meym kinombo latik nya na kaagad ng powerful kage bunshin technique ang bilat na close sa kitchenette obispo. Ang nakakaloka pa, more kudachi ang ibang ombao sa post kineme ni meym. Duwang zumbao ang murmur na nakipag eskrimahan ng talak kay meym pero ang meym with her low profile image ay murmur din sa pagkuda ala Miss World 2nd princess. Aliw ang meym dahil like lang ng like si merlat Mama Gan sa spluk ng duwang zumbao. Feeling ni merlat Mama Gan na nakagetlak sya ng alliance sa duwang zumbs kaya go na rin sya again sa pagtalak na "gora ka na lang sa back stage meym Socoroo kung witchels mo betchina makudaan ng ibang bloggers ditrax sa group feige ni akekang" ganeeeeeerrrrnnnn.
Witchilene paawat ang meym so throw din sya ng shulak na "ikawchi merlat Mama Gan ang kumendeng sa akira para jumoin ditey sa chipipay mong group feige ng waley kong permission so ikawchi din ang mag exit sa akekang ditrax sa feige" ang very witting bato ni meym kay merly na close sa kitchenette obispo. Naansha ata si Mama Gan so kumeme sya ng " keri boom boom meym Socorro, iekiz na lang ni akira ang namesung mo ditey sa feige" then merly Mama Gan bid goodbye.
Itekla ang ilan sa keme kemeng screen shot kudaan nina meym at ni merly na close sa kitchenette obispo. Sayang at di ko na print screen lahat. ahehehehehe.
Ang lesson ng story.... wag masyadong epal. Malaki ang pagkakaiba ng "PAGPUNA" at "PAGMANDO". Hindi ka si Jessica Zafra para magmando sa kung ano ang gusto mong baguhin at ayaw mo sa isang blog entry na binasa mo lalo na sa mga naisulat at isinusulat ko. IN THE FIRST PLACE HINDI KA INUOBLIGANG BASAHIN OR PADAANAN ang lahat ng entries ng mga bloggers na kilala mo at lalong lalo na yung mga hindi mo kilala. Hindi ka rin binabayaran para magcomment ng kung ano ang maganda at hindi sa timpla ng panlasa mo. Dahil kung naghahanap ka ng blogger na swak sa taste mo at aayon sa standards mo ng pagsusulat eh good luck sa yo dahil ang pagsusulat ay kusang inilalabas ng puso at isip at hindi kailanman idinidikta ng mga taong nakapaligid sa yo.
Ika nga ng ilang beteranong bloggers na nakilala ko, matuto kang tumanggap ng kahit anong uri ng mga puna, maganda man or hindi ang sasabihin ng tao, tanggapin mo dahil marami kang matututunan sa sasabihin nila.
ANG SA AKIN LANG NAMAN...
Wag kang matakot magsulat ng kung ano sa akala mo ang makapagpapasaya sa'yo. Basta't alam mong tama ang isinusulat mo, na wala kang matatapakan at masasaktang damdamin ng ibang tao. Sulat lang ng sulat, ariin mong iyo ang mundo ng puting papel na nasa harapan mo. Sumulat ka kung anong nais mong isulat ayon sa dikta ng iyong puso, ng iyong isip at hindi ang kung anong aayon sa mga mata ng iyong mambabasa.
GETS MO BA HIJA?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bakit ba kasi may mga ganyan... Nakaka-stress! *hahaha* Basta ako, matino man o malaswa ang nasa utak ko, magsusulat ako ng magsusulat; para sa mga kapwa ko beki. :)
ReplyDeletenagsusulat ang tao dahil sa kagustuhan nila magpahayag ng gusto nila. Ang diwa mo ang dapat sinusundan at ang puso mo. kung lagi kang nakabantay sa mga batas sa pagsusulat at hindi lalabas sa comfort zone mo ay maaring boring ang maging paraan mo ng pagsusulat. isa pa may kanya kanyang istilo ang mga tao sa pagsusulat maating magustuhan ng tao o hindi. Gaya ng naging comment ko sa dating post ni Geosep, kung hindi mo gusto ang binabasa mo wag ka magsayang ng oras at lakas na basahin ang sinulat ng iba ng hindi mo na din ini-stress ang sarili mo...
ReplyDeletePak! Talo pa ang pad paper sa pagka mapapel! Winner ang kuda mo Nutty :)
ReplyDeleteWag nalang pansinin ang mga ganyan. May pagka righteous lang ang mga ganyan, imposing and grandstanding. Go with what your heart tells you and stick with your style. After all, you have a reader in us.
ReplyDeleteWoman daw o, Nutty! *hahahahahahaha!*
ReplyDeleteHehe tandang-tanda ko pa nung araw na mangyari ito, sinubaybayan ko nga yung thread eh. lol
ReplyDeletefierce!
ReplyDelete