Monday, February 10, 2014

Salamat Sir Arvin Jimenez!







Sir Jimenez,



   
   Sir ilang tao na ba ang nagbabato ng biro sa akin patungkol sa yo?
Ilang comedy bars na rin ba ang walang sawang nangookray sa akin dahil sa mukha daw tayong magkabiyak na Jimmy Choo stilettos? Mga funny jokes na ibinabato sa akin pagnakikita na ako ng mga baklang nagbibigay ligaya sa loob ng comedy bars. Mga jokes na inaabsorb ko ng may PAGMAMALAKI dahil sa labas ng iyong nakakatawang pisikal na anyo ay nagtatago ang isang ubod-kinang na diyamante ng katalinuhan. Alam naman nating lahat na superficial ang mga tao, mas naaappreciate nila kung ano ang maganda sa mata. 







   Aminado naman ako Sir na paminsan sa pisikal na anyo ng isang tao ko ibinabase kung ano ang maganda sa hindi. Until the day na makita ka, makilala ka. I remember college ako that time ng first time kitang mapanood sa t.v., UNTV yung station, The BrewRats ang programa with Angel and Ramon. Very addictive ang show nyo kaya nawili akong panoorin everyday, ang tanda ko pa afternoon ang show nyo na naabutan ko. Na kahit reply ang episode nyo (madalas) eh walang sawa ko pa ring pinanonood. Hindi dahil sa nagpupumilit akong maging matalino, ni hindi ko nga alam kung anong educational back ground mo pero nakuha mo/nyo ang kiliti ko. Iba ang humor mo Sir, not that traditional "slapstick" comedy ang atake nyo ng pagpapatawa. Yes, may mga pagkakataong nagpapakagago kayo sa show pero literal na pagkagago na nakakatawa ang secret ingredient ng show nyo. Kung hihimayin mo ang programa malalaman mong hindi sya para magpatawa lamang. Malalaman mong may "IPINAGLALABAN" ang bawat episodes na ipinapalabas nyo. Malalim, may pinaghuhugutan, may pinariringgan at may pinatatamaan. Political comedy para sa akin ang The BrewRats, matapang na programang tumatalakay sa realidad na buhay ng isang karaniwang Pilipino na idinadaan nyo sa pagpapatawa.







   Sa paraang iyan nakuha mo ang paghanga ko. Ang paggalang ko sa yo Sir. Di ka man biniyayaan ng mala Adonis na katangiang pisikal ngunit para sa akin isa ka sa may pinaka GWAPONG karakter na nakilala at bumago sa buhay ko. Sa normal na mata ng tao isa ka lamang gagong komedyante. Pwedeng lait-laitin, batok-batukan, mura-murahin para lamang mapatawa ang manonood. Ngunit mas hinangaan ko ang kakaibang taglay mong talino Sir dahil sa likod ng nakakatawa mong hitsura nagtatago ang tunay na ganda ng isang tunay na tao. 


   Sayang nga lang at kailangan mo na kaming iwan Sir, bigla ko ring naalala na nagpost nga pala ako ng status sa fb, "The Big Four" ang tawag ko sa inyo. Mga taong naging impluwensya at bumago ng pananaw ko sa buhay. At isa ka sa kanilang apat Sir.  Ang astig di ba?







    Napakalungkot kung iisipin na iniwan mo na kaming lahat Sir. Magkaganon pa man di matatawaran ang ibinahagi mong talino at talento na iyong ipinakita  sa aming lahat. Kung para sa ibang tao isa kang gagong komedyante para sa akin Sir isa kang HENYO. Dahil napagsasabay mo ang 2 magkaibang uri ng mundo. Mundo kung saan malaya kang tumawa at ang mundo kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay.




   Hindi dito nagtatapos ang ngiti ko Sir, ngiting iyong inilagay, dahil mananatili kang nakatatak sa puso at isip ko....... hanggang sa wakas.










    Muli, maraming salamat sa iyong pagtapik. Salamat sa iyong pagtangkang imulat ang aking diwa laban sa aking paligid. Salamat sa yo Sir dahil isa ka sa mga naging anino ko para maging matapang, nagbigay ng lakas ng loob para humarap sa kung anong maibibigay ng hinaharap.


   Maligayang paglalakbay Sir, hanggang sa muling pagkikita.






Buong-pusong pagsaludo sa yo Sir at labis ang paggalang,
Nutty
















14 comments:

  1. si Tado ay graduate ng PUP ang alam ko clinical Psychology sya...

    ReplyDelete
  2. Rest In Peace for Tado

    He has served his purpose and now he's reporting back to the one who gave him his purpose.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hinihintay ko sumunod yung mga buwayang politiko!!!!

      Delete
  3. What a heartfelt message Erin. I feel how much you appreciate and adore Tado. RIP Sir Tado.

    ReplyDelete
  4. magkamukha nga kayo he he ... idol ko rin yan si Sir Tado ..BTW , nandun ako sa huling lamay para sa kaniya ... R.I.P.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nga ayokong magpa long hair baka kasi may magpa autograph sa akin?
      :)

      Delete
  5. Para kayong pinagbiyak na bunga keme ... RIP nilibing na siya ngayom . Baka nutty kaw ang nakadestiny na papalit sa knya hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hoy josh anong papalit ka jan?
      papalit meaning matetegi or papalit sa talent nya?

      ahahahahaha

      Delete
  6. nakakapanghinayang dre. sana nasabi mo sakanya 'to bago sya pumanaw. kasi madali lang sya lapitan pakalat kalat lang sya sa diliman. napaka-underrated kasi ni tado bilang artist. Hindi rin ako makapaniwala. Baka kasi nakakita lang sila ng mahabang buhok na nakasalamin din sa crash site. baka hindi sya. mga ilang oras kong hindi pinaniwalaan ang balita. kaso lang :(

    nakakalungkot parin :(

    ReplyDelete
  7. Tado pala peg mo kaya pala may tribute. Siguro pag si NA na idol mo talaga ang namaalam (huwag naman sana) baka month long tribute ang gawin mo hehe

    ReplyDelete
  8. Thank you for any other informative blog. Where else could I am getting that kind of information written in such a perfect means?
    I have a project that I am just now working on, and I have been on the look out for such information.

    Stop by my website :: it recruitment agencies

    ReplyDelete
  9. Incredible story there. What happened after?
    Thanks!

    Feel free to surf to my website; loans for fair credit scores

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~