Monday, August 12, 2013

FB Gospels According to Socorro (5)

Ditrax na ang bagyong Labuyo and so what?



Bet ko lang sanang magkape kape at mag dvd marathon kapag ganitong panawohn pero no choice akez dahil kelangang pumasok sa work, ayoko din namang maawardan ng boss ko. At if ever naman na aabsent ako ano naman kaya ang magandang reason bukod sa LBM? Kung papanong umeksit at biglang wusloop ang peg ko sa work? Hindi ko naman pwedeng ikuda na traffic dahil limang kembot lang ang lapit ng balur kez sa office. 


Shege na nga since free internet naman sa office (pero blocked ang youtube at kung anez anez pang mga porn sites) eh gorabells na lang sa pagpapaka propeyshunal ang peg ko. FB lang ang kasagutan sa malamig na weather.






I think last month pa naganap ang accident na itey kung saanchi si lolang Beyonce eh sumising ng singalore na song "Halo" , eme eme si lolang B habang ngumangawa ng biglang nilamon ng nyilektrik fan ang kanyang crowning glory.






Impeyrnezz kay lolang B sa pagiging propeyshunal huh? "The show must go on" pa rin sya kahit buwis buhay na ang kanyang beautiful hair. Wa pakelz ang peg nya sa paglamong nagaganap, sing singalore pa rin sya owdiyens.



 





Since FB Gospel tayiz today, etekla ang isang status ng buklang nag-iininglish pakuda sa hair accident ni lolang B.















At pinatulan ko naman?
























Friday, August 2, 2013

Not so Pitch Perfect




Bukod sa hobby ko na ang pagkalikot ng FB (na ginagawan ko ng gospels) this time eh naging big fan naman ako ng soundcloud.


More on cover songs ang meron sa soundcloud, may mga iba na okay naman pero meron din namang epic sa pagka epic fail.


At meron ding mga bloggers na may account sa soundcloud huh?

ahahahaha.... may isa na "bed room" voice ang partida nya sa pagkanta ng True Colors ni ateng Cyndi Lauper.. and yung isa naman eh hindi ko inexpect na very soothing ang voice nya... very infectious... ang lakas lang maka eargasm!


 

DA HU?

Cynthia Patag nga ba ang duwang bloggers na itey?
lols






Anyway, napatawa lang ako this morning ng bisitahin ko ang soundcloud para maghanap ng mga songs na fit sa mood ko today.


Unfortunately wala akong nakita/napakinggang song(s) na gusto ko today pero nakabawi naman ako at nakaharbat ng laughing pill dahil dito.







Ang buong akala ko eh si Whitney Houston na ang pinakamagaling na artist sa buong mundo? Well atleast for me, wala ng gagaling pa kay Miss Houston until John Tan came?



















Gusto ko ding kumanta ng Duet............... Nang mag-isa !!!!!

Sunday, July 28, 2013

Selfie!!!




EKSENA SA OFFICE:



Si Agent eh absent ng 3 days, kesyo may kuda sya na may sakit achuchuchu. So si HR ay nagrequest na magdala si Agent ng Medcert if "magaling" na sya at pwede ng pumasok sa office.


Monday morning ang aga-agang dumating ni Agent which is VERY unusual kasi naman may monday sickness si Agent, it's either absent sya every monday or late or halfday but since absent na nga sya ng 3 days eh alam na natin the reason why na very early bird si Agent that day eh para hindi makudaan ni SUP and ni HR.



So heto na nga, lapit ang HR kay Agent at ganito ang talakan portion....


HR: Agent, tawag ka ni SUP.

Agent: Wait lang po Sir may inaayos lang po ako sa account ko.

HR: Dala mo ba yung MedCert mo?
Agent: eh hindi po eh. PICTURE lang po.

HR: Picture? anong gagawin ko sa picture mo?
Agent: Nakalimutan ko kasi humingi ng MedCert pero meron naman po akong PICTURE nung nagpunta ako ng clinic.


Tangena this!!!! ahahahaha.. andami kong tawa kay Agent ampotah!
Mga 3,789 grams lahat.


Para-paraan lang pag may time?



Sunday, June 30, 2013

Istar Istrak ft. Sir Mots



Malapit ng maaccomplish ang aking misyon. Simple lang naman ang misyon ko sa blogsphere, misyon kung saan makilala at makasalamuha ang 3 sa pinaka natatanging Jedi Bloggers na talaga namang iniidolo ko.


At nung sabado ng gabi eh naisakatuparan ko na ang 2nd subject ko sa misyong ito.

Bilang suporta sa kanya, sinugod namin ni Rix ang Cubao Expo para masight ang kanyang mga obra maestra. Medyo late ako ng 1 oras, reason kung bakit di ko na naabutan ang ribbon cutting, kung meron man. :)













 Uber cute ng mga items sa exhibit. May ilan sa kanila ang pumukaw sa aking attention.
Huge fan ako ng mga fairy tales kaya isa ito sa talagang nagustuhan ko.




Mukha lang syang Mordor's Ube Halaya Princess sa sobrang kacute-tan kaya sya ang isa sa mga favorite kong pieces sa exhibit.



So ikot-ikot kami para magsight pa ng ibang mga interesting kinemeng arts, then came this pieces na biglang nagpatakam sa akin.



                                                      Mother Suman & Child




                                                        Suman Mob Squad




                                                          Suman Mascot




Mahilig kasi ako sa kakanin kaya naman todo effort ako sa pagkuha ng mga piksyurs ng mga Suman Arts.




Bet ko din itong pieces na ito para gawing alkansiya. Lols.







At higit sa lahat, di pahuhuli ang pieces ni Sir Mots. 
Kung napa "O" for "Owsome" kayo sa piksyurs ng gawa ni Sir sa kanyang blog entries, I'm sure mapapa "NGANGA" kayo ng bongga pagnakita nyo yung pieces sa personal.
Hindi lang sya nakakatakam tignan dahil sa sobrang detailed ng gawa ni Sir, mapapatakbo ka sa Pen-Pen's para umorder ng spageyti
!

       "The Technical Virgin Spageyti" ang tawag ko sa piece na ito kasi naman para lang syang pagkain ng mga technical virgins like me. ahihihihi











 "Sweet Surrender" ang tingin ko sa piece naman na itekla. si Gelay kasi sa sobrang haba ng hair eh sandamakmak ang suitors. Ang kiri-kiri lang ni ateng Gelay.







NOTE: Hindi po kasali sa exhibit ang "Camel Toe" ni ateng naka-pookey shorts. Di ko naman intensyon na piksyuran ang kanyang kepyas noh!







Nag-enjoy naman kami ni Rix sa pagdalo namin sa exhibit. Medyo na frustrate lang ako and at the same time.... disappointed... ng konti..... very konti lang naman.


WHY?

1.Dahil hindi nakahabol si teacher Meow Meow sa event. 

2. Wala kaming piksyurs ni Sir Mots.... medyo nagkahiyaan kasi kami nung time na nilapitan namin sya. So parang nahiya talaga akong tanungin sya kung okay lang ba na magpapapiksyur kami?
3. Bet kong kunin yung "The Technical Virgin Spageyti" ni Sir bilang souvenir kaso may nauna na sa akin. Dahil late akong dumating eh nabili na pala sya pagka-open pa lang ng exhibit. Hindi ko din kasi alam na for sale pala yung mga items. :)






Done na ako sa 2 Jedi Bloggers na idol ko so I'm looking forward to meet the 3rd and last one. Medyo mailap sya ng konti pero I'm sure and I know na mabibigyan din ako ng pagkakataon na makadaupang betlog ko din sya.



Sino nga ba si 3rd Jedi Blogger?

Parang bet kong gawan ng contest kung sino sya.
Paunahang makahula?

ahahahahahaha......









Saturday, June 22, 2013

FB Gospels according to Socorro 4




Heluuuuuuuuuuuuuuuuuuuuurrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!
(insert robusto soprano tone here)







Dahil namiss ko ang aking peyj kaya eto balik tipa na naman ako.



NOTE: walang edit edit ng name dahil hindi naman nila mababasa ang post na ito.








 





Usapang silver na muna tayo kaya heto na ang isang mapilak na kudaan with my super friends.






Sa totoo lang nahilo din ako sa usapang silver na ito. Since dear friend ko ang involve eh wai ng correction. 

  










Until.







 




FACT: My dear friend Armand eh talaga namang maliit ang dila sa totoong buhay. Yun bagang hindi masyadong makabigkas ng mga words. Pero hindi ko inexpect na pati sa FB world eh ganun pa rin ang dila nya.







Yan lang muna at ako'y magdudukit pa ala Maria Ozawa.






Happy Weekends Guys!!!











Monday, June 17, 2013

Es-En-Ow-Tee-Em.




Anlikot lang ng daliri ko talaga (lalo na sa pagdudukit) kasi ba naman sa sobrang kalikutan kakatipa ng keyboard eh biglang sumulpot ang ganitong eksena.






1st prize with the best combo of art/phrase goes to ... (Hulaan nyo kung sino?) ahahahaha....









"His/her entry is probably the nicest regarding color, composition and character design."




Ayon sa isang pacontest eh winnur nga itong cutesy entry na ito... at ayokong i-attach ang link. Big NO NO dahil baka pagalitan ako.



Need pa ba ng clue?






Friday, June 14, 2013

Suddenly Strange





Fire, inside my shoes
Still walking forward but back to you
I suppose I must be stuck with you again
This joke is wearing thin
I know its time
I know its time to go




And just so you know
This secret part of me never showed
And when you run around like you don't care
I'm suddenly aware
I know its time
I know its time

 
It's suddenly strange
I can hardly complain
I'm down the stairs
And I'm out the door
It's suddenly colder
It bowled me right over
I'm down again
I suppose its over now

 

Don't ask me how
But it didn't take much to figure out
And you know I'll go acting really tough
Giving back your stuff
I know its time
I know its time











Thanks so much Bic.






Monday, June 10, 2013

angry Boss Part 2.




Alohomoraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!






 






Naichicka ko na sa inyo last week na sobrang galit ang boss ko sa akin for some apparent reason(s) na ewan ko kung included ba sa reasons na yun ang pagiging balingkinitan ko at sobrang insecure sya sa body kong technical virgin or yung 127 na I.Q. level ko? Either way eh wa akez magagawa kung galit sya sa atashi.


At iba ang trip ng boss ko pag nagagalit sya. Naichicka ko na rin sa inyo na everytime na nagagalit si boss eh ipanapatapon lang naman nya ako kung saan-saanchi.


So this time, since very mild lang ang galit nya sa akin eh ipanatapon na naman nya ako sa ibang lupalop ng Pinas (nang naka balikbayan box) last weekend...











At dito ako napadpad.



































Wednesday, June 5, 2013

Angry Boss.






















Pagpasensiyahan nyo na at medyo tahimik ang Peanut Butter Room for the past few days dahil may pinagdadaanan ako. 


 May problem(s) kasi ako with my boss and I know the reason kung bakit sya galit sa akin..... kung bakit galit na galit sya as in sa sobrang galit eh gusto kong umupo sa isang tabi at tapusin ang candy crush level 365 sa isang upuan lang.



At alam nyo na rin naman siguro kung panong magalit ang aking mahal na boss so hanggang dito na lang muna. Babalitan ko na lang kayo kung anong pwedeng maganap right after matapos ang galit ni boss sa akin.






                                                     






Sunday, May 19, 2013

Mga kwento ni Aling Nancy Binay



Happy Monday morning Nutt-heads!
Bet ko munang magpasalamat kay EssayniPayoyo ng http://www.babaepalasisatanas.com sa pagdaan at pagbisita sa aking munting mundo. :)






Today's kwento:




Oo na, tanggap ko na at wala na tayong magagawa pa. Damay-damay na lang tayo sa end result. Ano ba naman yung 3 years di ba? 3 years na kung magiging masagana, eh ipagpapasalamat ko talaga ng vunggah or kahit another 3 years ng pagdurusa so be it, andyan na yan. Saka na lang tayo magturuan kung sinong may mali. Ganun naman talaga, ang pagsisisi ay laging nasa huli.



Hindi po ako galit kay Aling Nancy.... sadyang hindi ko lang talaga sya gusto. At dahil sa sobrang naaaliw ako ke Aling Nancy eh pwede nya na pala akong idemanda once na naipasa na ang R.A. 10175.





-Aling Nancy on Candy Crush Saga









-Aling Nancy as Ursula








 -American Idol Season 12

 





 Winner din si Aling Nancy sa movies!








 -District 2 Tribute ng Hunger Games-
 




At hindi rin nya pinalampas ang ilang sikat na TV series.




-Game of Thrones-













- Walking Dead (Season 25) -













Again, sasabihin ko senyo na I don't hate Nancy Binay..... I just don't like her. No choice na tayo, dahil kahit hindi ko sya gusto, ako rin naman eh nasabihan nya ng......




















Friday, May 17, 2013

Tawid







Sa bawat puting linyang nakahilera sa kalsada
Matamang nakababad sa pagtitig ang aking mga mata

Isang direksiyon, isang diretsong linya
Di alam kung saan papunta.

Pinag-aaralan ang bawat kilos ng mga paa
Dideretso ba o mananatiling nakatayo na parang kandila
Takot akong humakbang, takot akong umusad
Dahil hindi ko alam kung anong sa aki'y bubungad.

Mabilis ang pagtakbo ng mga sasakyan
Silbi mo'y magbigay sa akin ng agam-agam
Isang babala na dapat pakatandaan
Sa isang maling desisyon, katapusan ang kahihinatnan.

Ayoko sanang baybayin, ayoko sanang tumawid
Sapagkat pangamba lagi sa aki'y nasasa-isip
Nais kong manatili dito sa kabilang bahagi

Bahagi kung saan mga ala-ala mo ang sumasagi.

Ibulong mo sa akin ang kasiguraduhan
Na ako'y ililigtas at aking malalampasan
Ang bawat balakid sa aking daraanan
Puting linya, pagsamo ko sana'y iyong pakinggan.

Hanggang kailan mo ako papaghihintayin
Hanggang saan ang katatagan ko'y iyong susubukin
Malaya mong intindihin at pakaisipin
Na ang hamon mo sa akin ay pilit kong tatanggapin.

Ilang hakbang pa kanan
At si kaliwa'y pilit kang susundan
Magmadali ka ng ika'y di maiwanan
Habulin mo ang oras, itakda ang  kapalaran
Ilang hakbang pa nga ba
Alamin ang tunay na patutunguhan.


Dalawang hakbang na lamang palayo mula sa nakaraan
Pagsusumikapang pilit, bagong umaga'y mahagkan, masugpungan
Hinding hindi na muling lilingunin pa
Buhay na puno ng pighati, luha't pagdurusa.

Isang hakbang na lamang, isang hakbang pa
Makakamtan na ang bagong ligaya
Isang hakbang na lamang ang natitira
Mararating na rin ang kabilang bahagi ng bagong simula
Nang bagong pag-asa.


Wednesday, May 15, 2013

eypeebeyrthdey!




Disclaimer: Hindi po talaga ako Noranian. Ilang beses ko ng sinasabi na hinding hindi po ako Noranian.




Kung inaakala nyo na si ate Vi lang ang gumanap na isang Pinay superhero bilang si Darna eh nagkakamali kayo. Remember during that time ay may malakas na pwersa, vunggang competition at isang matinding rivalry between ate Vi and ate Guy. Dahil naging successful ang paglipad na Darna eh nainggit ang mga Noranians at mega sulsol talaga sila para mapush ang ate Guy na gumawa rin ng isang superhero role. Kaya kahit labag sa kalooban ng Superstar eh napilitan syang gumanap bilang isang powerful na Pinay superhero.


Ayaw nyong maniwala na naging superhero din sa pelikula si ate Guy?





























 Hayan at napatunayang kayang kaya ring maging superhero ni ate Guy!
From being a Superstar to a not so sikat na Superhero eh gusto kong kumuda na isang tunay na actress si Nora Aunor!!!


P.S.


Sana walang magbalak na iremake ang movieng ito dahil ikamamatay kong panoorin ang Super Gee!!!




At dahil jan, ang post na ito ay taos-pusong-bato kong inaalay sa isang bagong kaibigan. Alam kong mabubwisit ka pero wa pakelz ako sa nararamdaman mo... ahahahahaha....