Sunday, February 2, 2014

Kanlungan





   Kahapon (Sunday, February 2) naisakatuparang muli ang isa na namang successful event na inorgize ng PBO (Pinoy Bloggers Outreach) sa Antipolo. In celebration with it's first year anniversary.


   Ang "Kanlungan ni Maria" na isang home for the aged ang napiling bisitahin ng PBO this time. Mga lolo at lolang inabandona ng kanilang pamilya at bukas palad na kinupkop at patuloy na kinakalinga ng nasabing organisasyon ang target ng grupo upang pasayahin at aliwin kahit sa iilang oras lang kaya naman excited akong sumama dahil sabi ko nga may "soft spot" sa akin ang mga lolo at lola.


   At muli, isang libong aral ng buhay na naman ang natutunan ko mula sa experience na ito. Higit akong nagpapasalamat sa lahat ng mga lolo at lola sa pagbubukas ng inyong mga pinto upang ibahagi ang ilang detalye ng inyong mga buhay. Mga aral ng buhay na babaunin ko sa pagdaan ng panahon.


















MEETING PLACE: KFC STARMALL









   Very overwhelming ang naging attendance ng mga volunteers that day na halos mapuno ang buong store. Sa sobrang dami ng dumating eh bigla akong nahiyang makipagkilala sa ibang bloggers and hindi din ako umeffort na kilalanin at makipagplastican sa iba na ayoko rin namang kilalanin (joke) dahil nagpunta ako para hindi makipagbeso beso sa kanila, sumama ako dahil I commit myself na maging active sa mga ganitong events.





Hindi naman halata na namiss ko sila di ba?



      (with titser Meow, Rix, Kuya Jun, Will (tama ba?) at si Josh na payat?)




AROUND 1PM: KANLUNGAN NI MARIA, ANTIPOLO CITY































   Mga mumunting bagay na nakayanang ibahagi ng PBO sa ating mga lola at lola ng Kanlungan.







     




Naki-bonding at slamman din ako kay Nanay Puti. ahihihihi


 





















Maraming salamat po sa Nanay ng lahat, ang OHM na mommy ng PBO!

Mommy  JOY.















SI LOLA CLARITA, SI RIX AT AKO.




   Ishare ko lang ng bahagya sa inyo ang iilang details sa buhay ni Lola Clarita na  buong puso nyang ibinahagi sa amin ni Rix. Medyo saglit lang naming nakausap at nakakwentuhan si lola dahil may sakit sya that time, may lagnat daw sya sabi ng bantay nyang nurse.


   Nagsimula ang munting kwentuhan naming 3 ng abutan ni Rix ng pulang rosas si Lola na kanyang ikinatuwa. Napakagandang pagmasdan ni Lola na nakangiti at nagsasalita kung gaanong kabango ng rosas na ibinigay namin sa kanya habang sya'y nag-umpisang magsalita.





 





   Originally si Lola Clara ay from Cebu, 98 years old na sya sa ngayon, may 6 na anak at may 6 na taon na syang nanunuluyan sa Kanlungan. Hindi masasabing hikahos at di rin naman maalwan ang buhay ng pamilya ni Lola Clara sa Cebu ayon sa kanyang kwento. May sarili silang mga alagang hayop at may lupain din naman na very normal na buhay sa probinsya. From Cebu nagpunta ng Bicol si Lola to look for her mother. Sa Bicol nya naranasan ang kung anu-anong klaseng trabaho. Natuto syang magtinda ng kung anu-ano, manahi at mamasukan bilang isang kasambahay makita lang ang kanyang ina. 

   After how many years ng paghahanap ay nakita naman ni Lola Clara ang kanyang ina. Unfortunately tanging larawan na lamang daw ang huling ala-alang iniwan ng kanyang ina dahil sa ito ay matagal ng namaalam. Dito ko naramdaman ang munting kurot sa puso ko, munting kurot na unti-unting lumalaki. Lumaki at hindi ko napigilang maiyak ng bahagya sa kwento ni Lola. Bahagya, dahil pinigil kong pumatak ang luha ko sa kanyang kwento. Hinayaan ko ng si Rix ang makipagkwentuhan kay Lola dahil sa di ko na makayananang itago ang emosyon sa dibdib ko. Upang tuluyang maitago ang aking pag-iyak, ninais kong lumabas na muna ng kwarto para kunin ang ilang regalo para kay Lola Clarita.





   Naikwento din ni Lola ang kanyang naging buhay sa probinsya, dito ko nalaman na mahilig sya sa isda. Napangiti nya ako ng maglambing sya sa amin na kung makababalik kami sa Kanlungan, sana dalhan daw namin sya ng isda at kanin sa aming muling pagdalaw. Kahit magbayad daw sya sa amin madalhan lang namin sya ng isda at kanin. Naikwento rin nya ang ilang masasayang araw nya sa probinsya mula sa pagsasaka sa bukid, ang pagkahilig nya sa saging at particularly sa isang bukal ng tubig na ubod daw ng linis.



   

   May isang sikreto pa si Lola Clara na sa amin lang (daw) ni Rix nya sasabihin. Habang nasa kalagitnaan ng pagkukwento si Lola eh napansin ko ang isang bagay sa kanyang pagkatao na higit na kakaiba kumpara sa ibang lolo at lola sa Kanlungan. Dama ko ang isang madilim at very interesting na sulok ng kanyang katauhan na pumukaw sa aking malikot na isipan.




   Until now tinatanong ko ang aking sarili kung ano ang tunay na naging buhay ni Lola Clara? Kung bibigyan lamang ako ng pagkakataon nais ko sanang malaman ang kanyang buong pagkatao. May isang tanong akong nais na itanong kay Lola, kung bakit bukod tanging sya lang ang may kakaibang bagay na iyon sa lahat ng mga lolo at lola sa Kanlungan?

















Ano nga kaya ang lihim sa likod ng kanyang.....










 















        POTAH FLAMING RED NAIL POLISH!!!





   








   AT TAKE NOTE..... MALINIS AS IN PULIDONG POLIDO TALAGA ANG PAGKAKALAGAY NG NAIL POLISH NI LOLA CLARA!









   


   MARAMING MARAMING SALAMAT PONG MULI SA 'YO PBO SA WALANG SAWANG PAGTULONG SA MGA TAONG HIGIT NA NANGANGAILANGAN. DALANGIN KO NA SANA HINDI MAGTATAPOS SA ISA, DALAWA O TATLONG PAGTULONG ANG MULI MONG IHATID SA AMING LAHAT.








                          HANGGANG SA MULING PAGKIKITA PBO!!!







Thanks Sir Glenn, Miss Marge & PBO for some photos na ginamit ko ... :)



21 comments:

  1. Kudos PBO. natawa naman ako sa Red Polish hahaha. ang dami niyo ngaun ah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung kelan anniversary saka ka naman wala sa event?
      ampft

      Delete
  2. walang hiya ka nadadala na ulit ako dahil after natin iwanan si lola clarita para mag pahinga eh pareho tayo ng sinabi na naiiyak kaso nak ka ng teteng natawa ako sa nail polish ahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. naiyak naman din talaga ko kay lola Clarita!!!!

      pero naintriga lang talaga ako sa nail polish. :)

      Delete
  3. nice meeting you Nutmeg ... kudos to all of us!

    ReplyDelete
  4. Akala ko kung anong lihim meron si lola hahahaha... Wala akong nilugaran sa nail polish nya ah, red na red hahaha... It has been a wonderful experience, and I hope, napasaya naman natin sila kahit sandali.

    ReplyDelete
    Replies
    1. feeling ko miss marge mas magkakasundo kayo ni lola Clarita. pwede mo syang ifeature sa PISO Fashion page m. ;)

      Delete
  5. Thanks for the mention. Tulad mo rin masyado akong na touched sa mga elderly. Although I work for them in Norway, but iba ang damdamin ng sariling kababayan. So happy ma finally na meet ko kayo ay nakasama sa outreach. Sayang at konting oras lang yon at di ko nagkaroon ng time na makausap lahat ng bloggers. But a very unforgettable moment being with kindhearted people.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kami din po mom joy sobrang happy namin kasi nakajoin kayo.
      <3

      Delete
  6. Nanghinayang naman ako. Pero ang daming um-attend ha. Nakakatuwa. :)

    ReplyDelete
  7. Ang daming volunteers! Congrats sa inyo!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya Mar sobrang dami talaga, nakakaloka ang efforts ng volunteers. dapat sa 2nd anniversary join ka na ulit.

      Delete
  8. Haha ang nail polish ni Lola ayaw paawat! Yun ba ang lihim na ni-share sa inyo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi sir glenn. may iba pa.. sabi nga ni lola Clarita sa aming 3 lang daw ni rix kung ano yung secret nya.

      ;)

      Delete
  9. Nice meeting you Nutty, kahit from afar lang. hehehe. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay nice meeting you din po miss michy, sorry po kasi mahiyain din talaga ako sa personal...
      hehehehe.
      don't worry next time more chikahan na tayiz teh. <3

      Delete
  10. Nice meeting you Nutty and thank you for adding me in facebook:)

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~