Sunday, January 13, 2013

Certified Disclaimer Noranian!

Aaminin ko na.... ako po eh lumaki sa panahon kung saan halos lahat ng tao eh may kontribyusiyon sa pagbutas ng Ozone layer sa talamak na pag gamit ng Hair spray at iba pang chemical na gamit sa buhok... eto yung era kung saan nauuso ang bonggang bangs, bonggang cobra style na buhok at ang 3 oras na pagtitis ng hair maachieve lang ang nakakalokang hair style... ]

Saludo ako sa mga Maestro  ...Sino nga ba si Lino Brocka sa buhay ko? Ano ang itinuro sa akin ni Ismael Bernal? Ni Mario O' Hara? Ni Lupita Kashiwahara at lahat ng Maestro sa larangan na Pelikulang Pilipino sa panahong iyon???


Naaalala ko pa na mismong si Mujar ang pumipilit sa akin para samahan syang panoorin ang bagong pelikula ni Nora Aunor.... (grade schooler ako that time) as in aabsent talaga ako sa klase para lang masamahan si Inay sa panonood... Syempre since libre naman ni Inay kaya go lang ako.... "Bilangin ang Bituin sa Langit" ang bonggang movie ni Ate Guy nung time na yon at naenjoy ko naman ang movie.... dito sumikat ang litanyang " aso lang ang di nakakakilala sa pangalang Magnolia dela Cruz...." (arf arf arf.. ang sosyal lang ng aso.... may breeding? di sya askla na aw aw aw ang tahol...) Nasunda pa ng mangilan ngilang movies ni Ate Guy ang trip namin ni Mujar....

Aminin ko rin na gusto ko si Nora bilang actress.... kung nabuhay nga lang ako sa sabong ng Nora vs. Vilma malamang ke Nora ako pupusta. Kasi naman, lahat halos ng movies ni Nora eh umiikot sa buhay ng mga maralita, mga taong mahihirap, mga taong isang kahig isang tuka kaya damang dama ko ang bawat emosyon sa bawat pagganap ni Nora sa bawat pelikulang kanyang ginawa....

At bilang tribute kay Ms. Naura Aunor (ayan may tribute rin ako.. ahihihihi) bilang isa sa pinaka mahusay na aktres ng ating panahon... Eto po eh katuwaan lang naman.... Keme kemeng TOP 10 po sya na alam ko na kahit papano eh malaki ang naiambag sa akin kamalayan lalo na sa larangang ng sining Pilipino sa paglikha ng isang natatanging obra....

Kaya Heto po ang aking

TOP 10 NUNAL MOVIES!!!!




10. THE FLOR CONTEMPLACION STORY

story ng isang domestic helper sa Singapore na napagbintangang "pumatay" sa kapwa nya domestic helper at kapwa pinoy.... dito rin nauso ang linyang "i did not kill anybodeeeeeeeeee!!!".....maganda ang movie dahil napapanahon sya that time kasi nga naman first time ever lang ata na nabroadcast ang pagbitay sa isang pinay na DH ... too late kasi wala namang nagawa ang Philippine government para sa ikabubuti ni aling Flor....









9.BILANGIN ANG BITUIN SA LANGIT







Pasweet naman ang isang toh... Eto yung typical na MAYAMAN si lalaki at MAHIRAP naman si babae type of love story.... Yung sobrang pahihirapan muna si babae sa umpisa bago sya maging donya eventually at si lalaki naman syempre ayun mayaman pa rin.... Idagdag pa ang mga kontra bulateng magulang,kapatid at kamag-anak ni lalaki na tutol sa pag-iibigaN nila ni babae dahil nga naman sa estado nila sa buhay.....


8. BULAKLAK NG CITY JAIL








Kung gano kahirap ang mabuhay sa loob ng selda? Pano makisalamuha sa kapwa inmates? Anong buhay meron sa loob ng City Jail?
Naranasan mo na bang manganak sa loob mismo ng Manila zoo???



7. BAKIT BUGHAW ANG LANGIT???







Love story naman eto ng isang tulendoy (Dennis Roldan)at isang simpleng anak (Ate Guy).... Si simpleng anak eh naging pansamantalang yaya ni tulendoy.... si simpleng anak na kulang sa atensyon sa pamilya eh nagrebelde at pinatulan si tulendoy guy... na eventually eh nainlove si ate ke tulendoy guy (and yes may nangyari sa kanila sexually )....

Bet na bet ko dito yung eksena na kumukuda si ateng simpleng anak ke mudak (Anita Linda) na umabot sa umaatikabong habulan ng kutsilyo ang eksena..syempre sa takot ni ateng simpleng anak go run run run away ang drama nya from her makudang mudak....



6. BONA 







Pak na pak ang burol eksena dito ni Ate lalo na yung unlimited sabunot sa kanya with matching bottomless kaladkad palabas ng balur....
Isa pang pak na eksena yung pagbuhos ni Ate ng kumukulong tubig sa kanyang jowa (Phillip Salvador) habang naliligo... si jowa naman kasi sobrang abusado... gawin bang katulong si ate????





5.  BANAUE




 Astig ng movie na to!!! Epic ang labanan, very ethnic..... at syempre kasama sa movie ang aking ultimate crush na si Ronaldo Valdez (ang yummy nya dito impeyrnez)..... Medyo exciting yung fight scenes dito... parang kaswalan lang talaga ang pagpugot ng ulo? ahihihihihi.....



4.INA KA NG ANAK MO

Heavy drama nama toh (sobrang love ko si LOlita Rodriguez) as in hindi talaga pakakabog ang lola Lolita nyo sa aktingan!!!! For me ang tandem na Nora-Lolita eh ang pinaka the BEST sa lahat.... para mo kasing pinanonood yung older version na Nora sa katauhan ni Lolita at younger version na Lolita sa katauhan ni Nora pag dating sa aktingan.....
Nakakaloka kasi iisipin mo kung ano ang relasyon mo sa anak ng iyong ina na anak mula sa iyong asawa???

3. TATLONG TAONG WALANG DIYOS



COMFORT WOMEN??? medyo may ganung factor ang movie.... pero bilib din naman ako sa character ni Christopher (Masugi) kasi naman may dama sya ke Rosario (Nora) after nyang reypin si ate.... Si ate Rosario naman bilang biktima ng reyp eh mega refuse talaga sa offer ni papa Masugi.... Kung ako ke ate Rosario di na magpapa chusy!!! Tanggap agad ang papa Masugi at ibabalandra ang katagang Japan Japan Sagot sa Kahirapan!!!!


2. MINSA'Y ISANG GAMU-GAMO  






"MY BROTHER IS NOT A PIIIIIIIGGGGGGG.....!!!! ANG KAPATID KO'Y TAO HINDI BABOY RAMO!!!!"..... Oh di ba???? Pak na pak na linya yan teh.. aminin mo, na nayanig ang mundo mo sa eksena kung saan binabayaran ng isang US military officer ang nateging buhay ng kapatid ni ateng Corazon (Nora)......alam na alam mong si Nora lang ang pwedeng magbitaw ng ganitong litanya dahil sukob na sukob nya ang karater ng isang ate sa kanyang pinakamamahal na nakababatang kapatid.... Superb ang Acting, ang story (knowing na during Marcos Era eh bawal na bawal ang pag gawa ng anomang uri ng pelikula na bumabatikos sa pamamalagi ng Amerikano sa ating bansa, pero syempre since malakas ang Connections ni ate Guy sa mga Marcoses kaya nalikha ang obrang ito)..... Creepy ang eksena kung saan nakadamit na all black si ate (with matching belong itim) habang binibitawan ang linyang "my brother is not a pig...."
                                    (eto po si ateng sa eksenang baboy)


1. HIMALA 

 

Syempre dapat lang na nasa top ko ang movieng ito..... Bakit kamo? Panoorin mo ng malaman mo.. ahehehehehe....






Tanda ko pa na napanood ko toh nung soooooobrang nene ko pa... Holy week nun, eh pag holy week ipinapalabas yung mga makalumang movies....kaya naman from morning hanggang gabi eh talagang marathon ang beauty ko.. as in tutok na tutok sa kapapanood ng mga obrang pelikulang pinoy....and eventually every year silang nagpapalabas ng mga ganitong movies pag Holy week (ewan ko nga ba kung bakit wala ng ganun ngayon?)...







Favorite scene bukod sa "himala" is yung may iniikot na ataul tapos magbabasag ng palayok na apparently kelangang mabasag talaga si palayok kasi kung di sya mababasag meaning eh may kasunod pang matetegi... (unfortunately di sya nabasag).... bet ko rin yung reyp scene nina Elsa and Nimia (Gigi Duenas) na binivideohan naman ni Orly (Spanky Manikan).... oh di ba? parang reality show lang....








AGAIN HINDI PO AKO NORANIAN.... HINDING HINDI PO TALAGA....
:)



NOTE: NAIS KONG MAGSABOG NG CONFETTI KINA SENYOR ISKWATER AT KE MISS ARLINE SA PAG-FOLLOW SA AKING WALANG KAKWENTA KWENTANG SITE.
HEHEHEHEHE

10 comments:

  1. So heto na ang tunay na batayan ng ikaw talaga ang fan ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. excuse me!!!!!!

      *dadaan ako*

      HINDI NGA AKO NORANIAN!!!!


      kim-gerald fan kaya ako!?!?!?!?!
      lols

      Delete
    2. nyahahaha eh bat ito nipost mo? ahahaha

      Delete
    3. eh kasi nga maganda yung kwento ng mga movies na yan....

      *para-paraan lang*

      Delete
  2. wow...alam na.. himala is himala at andaming pix sa himala ah... I love Bona!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. at alam na kung anong nangyari sa premier night ng Himala (restored) na escapade namin ni rix...

      sayang nga kasi di ko man lang naexperience yung Bona ni Miss Uge...
      :)

      Delete
  3. ikaw na! hehehe

    gumaganda ang lay out ng blog mo ah....

    siguro pinanood mo ung Sa Ngalan ng Ina at ung latest movie na Thy Womb....

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahehehehehe.... kuya jon di ko po napanood yung "thy womb", aabangan ko na lang po sa dibidi...
      tamad kasi ako pumunta ng movie house eh...

      Delete
  4. Hoshet totoo nga yung comment ni Rix. May top 10 Nora movies ka... Nag-enjoy ako sa pagbasa at medyo natakot kasi dapat gagawan ko ng movie review ang Himala!

    ReplyDelete
  5. Sir Glen tsismis lang ni rix yun.. lols..

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~