Wednesday, January 16, 2013

Fehz-Bowk Encounters.

WELCOME PO ULIT SA BAGONG PEANUT BUTTER ROOMMATE NA SI NYABABOI.....
SALAMAT PO SA PAGBISITA....
*bear hugs*




8-hours-6-days-a-week kung makatambay ako sa FB.
Dahil yan ang aking pinagkakaabalahan, yan ang aking traba-hobby at jan din ako binabayaran....



Sa araw-araw na nakatutok ako sa FB world eh may ilan (well actually marami) akong mga experiences and I'm sure na ikaw din somehow eh may na-encounter na ganitong eksena na nagpatawa, nagpa-inis, nagpa putok ng iyong batok at minsan very annoying na kaganapan.









Let's start with the basics....


*Miss Friendship--- 5,000+ na population sa kanyang friends' list? At take note, may existing pa syang 2 accounts dahil hindi na kayang tanggapin ni FB ang inia-add/nagpapa-add sa kanyang account.Reality check 100+ lang naman talaga ang kilala/kaibigan nya sa totoong buhay.
Utang na loob!!!! Wag gawing Friendster ang FB.. Hindi po ito paramihan ng friends!!!


*Ang POSERO---  uber yummy, gwapo, maputi, makinis, gym buff at lahat-lahat na. Para kang nakakita ng Demi-God sa DP pa lang eh talagang ikaw ay mahahalina.
But waaaaaaaaaiiiiiiiitttttt!!!
Mapapansin mo na pag check mo ng kanyang album(s) eh 2-3 pics lang ang meron sya? At sa sobrang karir mo ang pagbabrowse sa FB eh malalaman mong 2-3 accounts din ang makikita mong may magkakaparehong pictures sa iba't-ibang pangalan.

*Instagram Dependent--- obviously na-umay na sya sa paggamit ng adobe photoshop (expensive daw kasi) kaya go sya sa instagram... Heto eh mga adik sa pag-eedit ng kanilang DPs and halos lahat na ata ng pictures nila eh binudburan ng Instagram magic.... Yung tipong ang ganda ganda or ang gwapo gwapo nya sa pictures pero pag nameet mo na personally..... 

BOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!!

*Grammar-ionette--- todo todong English sa pagpost ng status yung tipong gumunguya ng thesaurus+meriam-webster dictionary sa kaka-english pero wrong grammar naman? Hindi naman masamang magpaka-Filipino at gumamit ng sariling wika. Kung nahihirapan kang um-English eh wag mo ng ipagpilitan dahil ikaw eh lalabas na katatawanan.

*# Tag-gago----   wag ipilit na gawing twitter ang FB. Magkaibang mundo po yaan... Ewan ko nga ba kung bakit may mga taong gumagamit ng # tag sa kanilang status?
Baka nga naman may mag "tweet-back" sa kanila sa FB?
Who knows?

*Heswitas--- dito ako bwisit na bwisit.... Eto yung mga taong magpopost ng very "Religious-Godly-bakla-magbago-ka-na-sobrang-dami-na-ng-kasalanan-mo-pakenambits-ka" status pero kung susumahin mo dahil sa sobrang kilala mo ang taong nagpopost nito eh masasabi mong "isa kang dakilang BULLSHIT dahil mas nauna ka pang sinusunog sa impiyerno sa dami ng kasalanan mo"!!!!

*Chismis Convention--- naexperience mo na ba yung nag-post ka ng walang kwentang status then after 30 minutes biglang may mag-kocomment? Tapos biglang magkakamustahan? Tapos biglang may babanggiti ng kwento tungkol sa isang kakilala/friend nyo? Tapos susundan pa ng ilang comments ng iba nyo pang kakilala?
AT SA WALL MO PA MISMO?
Anong silbi ng Chat box mga inutil!!!!



*Bato-bato sa Langit--- madalas nangyayari ito. Yung may mababasa kang status na alam mong may pinatatamaan at pinariringgan?
Although hindi ka naman talaga affected dahil you know to yourself na hindi ikaw ang target ng status eh mapipilitan kang magtanong?
(NOTE: wag gawin ang *Chismis Convention... again.. may silbi po ang chat box)


*Dumo-Dora--- mga posts na "I'm here at" ang peg.

Having lunch here at (insert location and name ng resto here)

Coffee mode here at (insert location and name ng pamosong coffee shop here)


Doing shopping here at (insert location and name ng mall here)

Spending the night here at (insert location and name ng Bar here)

Kinukyopas si Anez here at (insert location ng eskenita or name ng motel here)
 
Tumatae here at (insert location and MMDA urinal here)

at kung anu-ano pang "I'm here at" drama.  


*Mema Lang--- mga taong mahilig mag-post kung anu-ano nga ba ang kanilang ginagawa every minute everyday of their lives. Ginawang Twitter ang FB?
Pistiiiiiiiiiiiiiiii !!!!
 



Medyo Hard Experiences.

*Emo-nyo Ka!--- madalas mong makikita ang mga ganitong posts, mga patungkol sa ka-emo-han ang eksena... Bat di nyo itry bumili ng isang box ng blade at sumali kayo sa LASLAS Convention?Mauna mategi ang syang magwawagi!!!


*PamPampilo Lacson--- sobrang natatanga ako sa mga taong ganito...
Heto po ang eksena..
Si kuyang gwapo eh magpopost ng simpleng " :) (smiley emoticon) status sa kanyang wall... pagbalik mo after 30 minutes sa wall nya eh may 100+ comments kaagad ang pakenmabits!!! Mga comments na nagtatanong ng "bakit "smiley"?
Balikan mo after an hour may post na naman si kuyang gwapo sa kanyang wall pero this time eh sad emoticon " :( " naman...
At bigla kang maloloka dahil nadoble ang comments ng mga pakenambits sa comment box ni kuyang gwapo...from 100+ eh aabot ng almost 200 ang matiyang magkocomment at magtatanong ke kuya ng "bakit ka sad"???
DAFAQQQQQQ!!!!

*Suki--- mga business minded naman ang mga ito... Yung tipong walang habas na magtatag sa yo ng kanilang ibinebentang products. Kahit ano na lang ang maibenta.
Helloooooooooooooooooooooooooo???
May silbi po ang Fan Page mga inutil!!!

*Shit-I'm-so-Effin-Gym-buff--- mga cam-whores po sila. Yung halos lahat na ata ng piksyurs nya sa paggi-Gym eh naipost sa wall, from DP to Timeline header to album covers nagkalat ang kanyang topless na piksyur... Minsan mauumay ka at minsan naman mapapa-order ka ng extra rice sa ganda ng makikita mong gym-buff piksyurs.


*LIKE?--- bulagaan naman ang eksenang to. Biglang magpapop sa chat box ang isang request ng isang friend or kakilala asking you to LIKE the link na ibibigay nya. Contest daw kasi. Paramihan ng votes/likes sa piksyur.



The HARD-CORE Corner.


*Istar Istrak--- mahilig magpost ng piksyurs na kasama ang mga artista. Kesehodang makasalubong lang sa mall, sa simbahan, sa resto hanggang sa mga meet and greet events eh asahan mong super upload kaagad ang mga hitad ng kanilang mga piksyurs.

*Kumi-Kpop--- ang pagpipilit na singatan ng imbentong Korean Name sa FB Account.
E.G.
-Shin Dong Lyle

-Mikee Señadan (박민준)
-John Michael Santos (JM Yeoh-Park)


Geeeeeeez!!! nakatikim ka na ba ng Kimchi?
lols


*Pa-"Yummy" Effect--- heto po yung mga may DP na katawan lang ang subject,regardless kung hubad or may saplot. Sila yung hindi pinapakita ang Fez (hipon?) dahil kelangan mo daw masilaw sa kanilang matitipunong alindog.


*ONLY ME--- may kakilala akong ganito... Ang linis ng account  sa FB. Okay naman ang DP (gwapo nga kung tutuusin) pero hindi ka pwedeng magpost ng comment(s) sa wall at sa mga piksyurs nya. Hindi ka din pwedeng kumuda sa comment box nya. Hindi mo pwedeng ishare ang piksyurs nyo. At lalong hindi din pwede ang tag.
So IKAW na!!! Ikaw na very sociable!!!

lols

*Half-Naked-Truth--- mga nagkalat na half naked piksyurs ng mga otoks naman ang trip nito... yung puro hubad na upper body lang ang ibinabalandra dahil sa effects ng *Shit-I'm-So-Effin-Gym-buff* kemeruth.

(Insert *Pa-Yummy-Effect here)

*Almost-Naked-Truth--- eto naman eh walang sawang pagpapakita ng hubad na katawan (may konting delikadesa naman dahil may saplot pang brief or boxer's shorts) ng may-ari ng FB account....
(Insert *Pa-Yummy-Effect here)

*The-Whole-Naked-Truth--- parang porn star lang sa pagpopost ng walang saplot na katawana ng peg ng mga pakenambits. Mga tripper. Mga manyak!!! Mga..... uhhhmmmmmm.. basta.... lols

(Again Insert *Pa-Yummy-Effect here) 

*Suki-Karne--- level up naman ng mga callboys ang account na ito. Hontoroy lang di ba? Hindi lang pang malls ang mga bakal boys ngayon, at talagang may FB accounts na sila para magbenta ng unli-karne... Syempre depende sa presyuhan at tawaran yan..
lols



At heto ang pinaka-paborito ko sa lahat!


*ANG PATOLA* ---
mga comments/posts/status na talagang mapapatulan mo....



At ako mismo eh nambiktima ng Patola Entry....









                                                                         PAGE 1
(SCREEN SHOT TALAGA? walang edit-edit!!! magkaalaman na!!! bwahahahahaha)



                                                                        (PAGE 2)



                                                                          (PAGE 3)









Ikaw? Anong Fehz-bowk encounter(s) ang na-experience mo?













6 comments:

  1. Ahahaha mukang mainit init pa ito.... kanina lang ba ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh wala kasi akong maisip na entry kaya pinaglaruan ko na lang ang fez-bowk!!!
      lols

      Delete
  2. Pinaka ayaw ko sa lahat yung emote ng emote sa fb lols. Yung tipong kada minuto eh ay may something na ka-emohan na ipopost. Kaya nakakabwisit tignan ung update/news feeds mo, puro emo stuffs ang laman haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. supplyan mo na ng blades saka black eye-liner para naman matuwa sa yo yung may mga emo-posts...
      dkt.

      Delete
  3. haaay naku....pag sinunod ko lahat ng ayaw mo na kaganapan sa FB, parang wala na akong gagawin sa FB...

    good points... ramdam ko ang mga iritta factors you enumerated... at minsan, ganyan din ako....emo, mema at more broadcast kung nasaan...

    ika nga... we should always think before we click... ganun....gayan na ako ngayon...at least i think so...

    bet ko yung CUP na green! bwahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor hindi naman sa ayaw ko.. yan eh mga na-obserbahan ko lang naman.....

      minsan nakakatuwa kasi boring naman kung walang konting spice and fb di ba?
      :)

      Delete

~MEMA-SABI-LANG~