Thursday, January 17, 2013

"Kabaklaan" ang Sukatan ng Pagiging Isang Mahusay na Actor?

PAUNAWA: ANG POST NA ITO AY PAWANG OPINYON KO PO LAMANG....
SALOOBIN KO LAMANG PO ITO, AT SOMEHOW EH PARANG MEDIDA NA RIN KUNG ANO NGA BA PARA SA AKIN ANG SUKATAN NG ISANG PAGIGING MAHUSAY NA ACTOR....

*MALAYA PO KAYONG MAG-POST NG "HATE COMMENTS"*
NAIHANDA KO NA RIN NAMAN ANG AKING "DEADMA SHIELD"....
*bleh* :')


-------MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA BAGONG TAMBAY NG PEANUT BUTTER ROOM NA SINA MISS JESSICA AND SI RED....
*bear hugs*---------------------------






Masasabi ko bang "actor" si Papa P.?









Maaring magaling syang artista dahil nadadala ka sa kanyang pag-arte.
Natandaan ko sa isang episode ng MMK kung saan gumanap siyang titser na nagkaroon ng saltik... Very effective at talaga namang kahanga-hanga ang kanyang pagganap sa episode na yan...



Ngunit ano nga ba para sa akin ang sukatan ng isang tunay na "ACTOR"?




May mga artistang madaling magpatawa or magpaiyak mapa sine or sa tv... Walang duda yan....


Ngunit ''matapang" para sa akin ang mga "actors" na  walang pinipiling roles lalung-lalo na ang pagganap ng isang sensitibong karakter.... Ang pagiging BAKLA.....Hindi madali para sa isang TUNAY na lalaki ang gumawa at mag portray ng isang role na para sa iba eh "kakatwa" at "abnormal" at iilan lamang sa kanila ang pumasa sa aking "Baklang Roles-Astig na Actors" list....

Regardless kung sila ay tunay na lalaki, tunay na bakla at mga lalaking takot ilabas ang tunay na kabaklaan.






Umpisahan natin sa pamilyang Quizon.



Ilang movies na nga ba ang ginawa ni Dolphy na talagang masasabi kong very effective, appealing and convincing. Yung tipong hindi mo aakalaing "si Dolphy ba talaga yan"?

















The Quizon combo....

 Dolphy+Eric+Epi= Markova (Comfort Gay)








***Dolphy as Facifica Falayfay

 





***Dolphy (Ang Tatay kong Nanay)










***Joey de Leon... aliw lagi ang galaw ni Joey sa lahat ng movies nya na may patungkol sa pagiging gay... yung typical na loud, makulay at literal na "gay"....


Barbi Maid in the Philippines.








Barbi For President





She-Man (Mistress of the Universe)

  
---Bago pa man magladlad ng kapa si   Zsazsa Zaturnnah eh naunahan na syang lumandi ni She-Man.
Kwela ang pagka-bakla dito ni Joey. Bet na bet ko yung costume nya dito lalo na yung mala-Miss Universe nyang crown and scepter....dkt din ako sa role ni Palito dito as Skeleton... yung tatahol sya tapos biglang uubo na parang may tibi ganyan.




***Dindo Fernando (Si Malakas, Si Maganda at si Mahinhin)





Isa sa mga ultimate crushes ko eh ang namayapang actor na si Dindo fernando...*ankyot kyot nya noh?*

Love triangle naman ang tema ng Si Malakas, Si Maganda at Si Mahinhin.
Bakla si Dindo, tomboy si Elizabeth Oropesa at Virginal naman si Alma Moreno...

Ang gulo di ba? Labanan ng orbit-bekler-virginal ang eksena?










***Herbert Bautista (Jack and Jill/ Jack and Jill sa Amerika)

Riot tong magkapatid na toh, nag-switch ng "pagkatao" ika nga pero alam mong kahit di sila magkasundo sa ibang bagay eh ang magkakapatid pa rin ang magtutulungan sa oras ng kagipitan.

"jilliaaaaaaaaaaaaaaan.... jillian na magandaaaaaa..."
- favorite line ko yan, may landi factor kasi ang pagkakasabi ni Jack sa line na yan eh.







FAST TRACK:


  Sa mga artista natin sa ngayon eh iilan lang ang naglakas-loob na gumanap ng isang gay role....



Jake Cuenca: MMK


  







John Lloyd Cruz & Luis Manzano (In My Life)






(Ang dami kong iyak sa movieng yan.. mga 16,239 lahat)




***Paolo Ballesteros (EB BABE NG PINAS)


                                  (HONGOOONDOOOOOO LANG NI PAOLO OH?)







Ilan lamang sila sa mga Actor na talagang hinangaan dahil sa tapang nilang tumanggap ng "kakaibang" role/character.






Kung silang mga nabanggit na actor eh kayang gampanan ang role ng isang bakla, nagtataka ako kung bakit si Papa P. eh parang iwas na iwas gumanap sa ganyang klaseng role? Hindi naman siguro kabawasan sa kanyang pagkalalaki (nga kaya?) ang tumanggap ng role bilang isang bakla di ba?













11 comments:

  1. ayaw kasi magpa confirm... mawawala mga endorsements ni papa p... hehehe... naku marami pang artista na magaling gumanap ng beki...and only a confidently straight actor can pull off any gay role...

    ReplyDelete
    Replies
    1. kurik ka jan senyor!!!!

      at kelan nga kaya ang time ni Papa P.?
      watchathink?
      :)

      Delete
  2. Agree! hindi nakakabawas ng pagkalalaki kung gumanap ka man ng beki roles sa isang palabas. Para sa aking kasi wala ka dapat ikahiya kung alam mo naman sa sarili mo na straight ka at ginagawa mong pag-portray ng gay role ay part lamang ng trabaho at pagiging professional mo.

    Dagdag ko na din sila Vic Sotto, Michael V, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Keempee De Leon sa mga magagaling gumanap na beki sa mga palabas pero in real life eh mga straight man naman.

    Pinaka gusto ko si Michael V, Janno Gibbs at Kempee De Leon pag sila ang nagba-bakla baklaan sa palabas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sina Kuya Gems, Roderick Paulate at Shalala ayaw mo?
      lols :)

      Delete
    2. Wahaha, langya ka! ayaw ni Kuya Germs at Kuya Dick nyan :D

      Si Shalala ok lng sa kanya ahaha. Sama mo na rin si Mr. Fu! meganon!? :D

      Delete
  3. nyahaha bakit ba pinaaamin mo sya. Si KC na lang ang interbiyuhin natin... DKT sa post na ito ang pears pears talaga :)

    ReplyDelete
  4. mas gugustuhin pa niya sigurong mag ala-BUDOY sa isang role.. bakla? pass muna, baka sabihin kasi ng mga manonood na bagay sa kaniya, baka mapaaga..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehehe.... di naman na kailangan pang umamin?
      obvious naman na "kakaiba" si Papa P.

      Bigyan mo ng isang mangkok na goto yang si Papa P. I'm sure magda dive kaagad yan... Isa kasi syang certified "paminta".
      lols

      Delete
  5. Agree ako na hindi makakabawas ng lalaki kung gaganap kang bakla. Btw di ko alam yung mga peliks na mga nauna ah. haha.

    Re Piolo magaling parin syang actor kahit di sya gumanap na bakla :P

    ReplyDelete
  6. "MAS" magaling pa sana syang artista kung gagawa sya ng movie na gay role..... ahehehehehe

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~