Tuesday, January 15, 2013

Mc-Do-Nalds

Welcome po sa mga bagong bisita sa aking Peanut Butter Room.... Kuya Archie, Kuya Ric & Blindpen....
*bear hugs*




Last night habang ako'y nanginginain ng aking hapunan eh nakatutok ako sa aming mini-mini television....
Aliw na aliw kasi si mujay sa panonood ng Indio ng GMA-7 at bilang pagbibigay galang sa aking mujay eh hinahayaan ko na lang sya sa kanyang trip...


Siyempre andyan ang sandamakmak na mga tvcs from sabong panlaba, shampoo, putok-batok na mga fudams, mga produkatong pang merlat ( bakit pag feminine wash ang tvc eh hindi kipay ng merlat ang pinapakita,

mga literal na flower ang model kemeruth samantalang hindi naman para sa bulaklak ang fem wash di ba?)


                                (parang ganito di ba?)



 



 




So enter McDonald's tvc (yung Mc savers ata yan na 25php something?) na talaga namang ikinagulat ko...





                  (ako na muna ang mowdehl kunwari)





Sa umpisa may magdo-doorbell tapos pagbukas ni Lola Kerrrps eh may nakalatag na isang cup ng coffee sa kanyang pinto ganyan.... 


Then doorbell ulit this time si Lolo Tutan naman ang magbubukas ng pinto at voilaaaaaaaaaaaaaaaaaaa... meron din syang isang cup ng coffee sa harapan ng kanyang very elegant door....


Mga 2-3 doorbells ata ang naganap at same scenario ang makikita.. Sina Lolo Tutan at Lola Kerrrps na nagugulat at kung bakit may mahiwagang cup ng coffee sa kanilang pinto...














Sa ending ng tvc eh magpa-final doorbell ang mga hitad at ipapapakita ng sabay sina Lola Kerrrps at Lolo Tutan na magbubukas ng pinto.... Sa magkahiwalay na bahay na magkatapatan lamang.... Magtataas ng kamay na may hawak na cup ng coffee ang makiring Lola Kerrrps at Lolo Tutan na medyo may pagkagulat at medyo mapapangiti ( ubod tamis na ngiti si Lola Kerrrps na parang dinudukit ang kayang tuyot na hiyas) then enter "oh hooray for today song"...



Ipapakita rin ang mga chikiting patrol na nagsisitawanan sa Very-Ewww-romantic reactions ng dalawang thunders....
Ang mga pakenambits palang mga bata-batuta ang culprit ng nakakaumay na kaganapan sa mahiwagang cup ng coffee...



For me cute ang theme ng tvc na ito ngunit may hidden story behind this tvc.


Tama bang paglaruan at pagtawanan ng mga kabataan ang kanilang Lolo at Lola sa kahit ano pa mang paraan?


Hindi ba medyo malaswa kung pakaiisipin (or talagang malisyoso lamang ang utak ko?) na parang may "something" sa 2 thunders kung pagbabasehan ang kanilang mga pa-sweet na reactions?
Hindi ba't may mga sari-sarili na silang pamilya para kumiri at lumandi sa isa't-isa?


Sa aking hinuha, dating mag-jowa sina Lola Kerrrps at Lolo Tutan... childhood sweethearts ika nga na hindi nagkaroon ng kaganapan ang kanilang pag-iibigan.



So since malapit na silang mategi eh saka nila pagbibigyan ng pagkakataon ang kanilang "dakilang" love story?



Kung napanood mo ang bagong tvc ng McDonald's, ano ang tumatakbo sa isip mo?
(Sorry hindi ko mahanap yung actual video ng tvc)







I-fax mo sa akin ang iyong reaction....

Wag kalimutang banggitin ang mga katagang " Fax tone please?".












13 comments:

  1. salamat din sa pagbisita sa aking blog.. ^_^

    ReplyDelete
  2. naughty naughty boy talaga itong si mac.. kaya siguro mala demonyo at nakakaloko lagi ang ngiti mula sa tila hotdog na labi niya.

    matigas tala ang ulo ni mac pag dating sa paglabag sa tv ads reg. suki na yata sila. una nang binatikos yung mga chikiting na kung umaktong sweet at inlab ay daig pa ang mga teenager today.. ngayon matanda naman para hindi maireklamo? asa namang makalagpas yan.. sigurado 2-3 days hindi na ma air yan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay oo... yung tvc ng 2 chikiting na parang 25 pesos lang ang worth ng pagiging magbf-gf?
      ahahahaha...
      mga lokong bata.... ke babata pa ubod na ng kikiri!!!!

      Delete
  3. Replies
    1. ang matsu ko noh?
      lols

      namiss ko ng maging kargador sa navotas pier teh!!!

      Delete
  4. Thank u at nabangit ang pangalan ko. Di ako makarelate wala bang video? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. your always wel-Cum your Highness....

      basa basa din kuya archie? eh hindi ko nga po mahanap yung video?
      nangangamatay na ako sa pag-search...
      :)

      Delete
  5. hindi ko pa napapanuod and tvc na yan...

    maganda naman ang iyong pagkakahanash...

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor since magaling ka sa actions and reactions ng mga keme try mong obserbahan yung tvc if ever mapanood mo sya...
      :)

      Delete
    2. magaling talaga? sarcasm ba yan? hehehe

      Delete
    3. wala naman sarcasm air sa lugar natin senyor...
      hindi uso ang sarcastic sa iskwater di ba?
      :)

      Delete
  6. wahaha, same here! sobra din akong naku-cute-an sa mcdo tvc na yan. ang kyut ng mga bagets pati sila Lolo at Lola :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang sarap pagtatampalin ng mga bagets sa sobrang kyot?
      ahahahahaha

      Delete

~MEMA-SABI-LANG~