Monday, January 14, 2013

Parang Hindi Ako Naniniwala sa Kasabihang "Mother Knows Best"?








Nabanggit ko na before na mahilig ako sa kape..... sa isang batang tulad ko na lumaki sa hirap, normal na sa umaga namin ang scenario na kape lang ang almusal. Every morning yan teh. Maswerte na kung may pandesal at mantekilya ang agahan naming pamilya, pero mostly kape lang talaga. Minsan nga sa sobrang hirap ng buhay namin , yung kinanaw na kape eh ginagawa na rin naming ulam.ahahahahaha...
No kidd.... naexpereince mo na ba yung lumalangoy na kanin sa kinanaw na kape?


So ayun nga, nakalakihan ko na ang kape sa buhay ko hanggang ngayon. Para kasing di kumpleto ang araw ko pag wala akong nahihigop na kape.It's like my perfect drug 'ika nga.


 



Ang bagong discovery ng aking Mujar about kape eh talaga namang amaziiiiiing !!!
( insert survivor Betong here)
 

Aliw na aliw sya sa bago nyang brand ng kape, nga naman, kung madami pang benefits ang kape bukod sa pagiging master anti-oxidant eh talaga nga namang matutuwa ka.



Eto ang ipinagmamalaki ni Mujar.







































INTRODUCING...................
















Wag magpanic mga ate.. Hindi ko naman kayo bebentahan ng Gano coffee. At di ko rin naman alam kung saan binibili ni Mujar ang mahiwagang kape na itwoh. Basta automatic na po na dapat may 2 boxes ng supply si Mujar pagpatak ng swelduhan. Eto ang kwento. Maliwanag na ang Gano eh instant coffee..... "3-in-1" instant coffee.......


















Masaya akong nagkakape isang umaga, check ng messages sa phone, basa basa ng book, kinig kinig ng music ganyan ng umeksena si Mujar. Excited magkanaw ng kanyang Gano coffee. Ako naman prente lang sa pagkakaupo at deadma lang talaga sa earth ang peg. Pero di ko talaga maiwasang panoorin si Mujar sa ginagawa nyang pagtitimpla ng kape.





Getlak ng tasa (check)

Abot ng thermos (check)
Buhos ng hot water (check)
Getlak ng Gano "3-in-1" instant coffee (check)

Kanta-Kanta ng Isang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin (check)






After nya kumuha ng isang sachet galing sa box nagtaka ako kung bakit nagbudbod lang ng konti si Mujar ng kanyang Gano coffee as in konting konti lang talaga. Yung parang nagbudbod lang sya ng maggi magic sarap ganyan. Tapos hinalo nya ng very queenly, gamit syempre ang spoon. Nifold ang sachet ng Gano coffee at ibinalik sa box. To my surprise nakita ko ang tinimplang kape ni Mujar na ganito ang eksena.As in sobraaaaaaaaaaaaaaaang putla talaga. Parang pezlak ni Michael Jackson sa putla.

 























Ang weird lang kasi kahit ganun kaputla ang kinanaw na kape ni Mujar eh kitang kita mo sa mukha nya ang kasiyahan.


Yung sobrang enjoy talaga.

Yung tipong after 3 months ng di ka umaalak ng Red horse eh biglang babaha ng case case na beer sa harapan mo. Ganung level ng happiness ang nakaregister sa fezlak ni Mujar.


Di ko natiis si Mujar. Lapit ako sa upuan nya... silip talaga sa tasa.... Check... Uber putla talaga.










ME: Nay mukhang masarap yang kape mo?

Mujar: OO naman.... dami kasing benefits eh... saka maganda talaga sya sa katawan..... sobrang nakakatipid pa ako talaga...

ME: Aaaahhhhhh.....

Mujar: Imaginin mo Pong (tawag sa akin sa bahay.. PONG...mukha daw kasi akong anak ng hapon nung bata ako).... di ba 3-in-1 coffee sya???? 

kaya yung isang sachet pwedeng timplahin ng tatlong beses.... ang tipid di ba???


ME:

NGANGA+TAMBLING+CIRQUE DU SOLEIL MOVES
*****kamot ulo*****












Honga naman, may point nga naman si Mujar sa kanyang 3-in-1 na kape.
















































NAPAISIP TULOY AKO.... PAANO NA LANG KUNG MAY LUMABAS NA GANO 8-IN-1   INSTANT COFFEE????

16 comments:

  1. Nyahahaha. uu naranasang kong isabaw ng kape sa kanin... Natikman ko na yan di ba yan yung may mushroom kemeruth barurut ba yun? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ansarap kaya ng coffee+kaning lamig...
      nakakamiss na nga eh...

      Delete
    2. tama lalo na pag umuulan nyahahaha

      Delete
  2. angpost na ganito ay nababagay sa aking mga pahina... kaming mga lumaking salat ay sanay sa pagtitipid...

    mabuti na lamang at hindi naisipan ng iong mujay na paghiwa-hiwalayin ang butil ng kape, gatas at asukal ng iong Gano coffee...

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor magkalapit eskenita lang naman tayo.. LOLs

      mabuti nga di naisipan ni mujay na paghiwa-hiwalayin eh.
      maloloka ako if ever magawa ni mujay yung ganung eksena.
      :)

      Delete
  3. hindi ko alam saan napunta ang comment ko ulit. lol sa spam?

    anyway, nakapagisip ako sa 3 in 1, baka nga yon talaga ibig sabihin non gamitin ng tatlong beses hahaha sa pagkakaalam ko 3 in 1 dahil sa sugar cream and coffee. hehehe jowk, nakikipag argue pa talaga ako kay mudrax mo hehehe

    sa 8 in 1, ano ang sangkap na meron na non? lol pwedi ding may spicy or hot coffee... =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. 8-in-1

      1-coffee
      2-sugar
      3-creamer
      4-maggi magic sarap
      5-collagen
      6-glutathione
      7-DOWNY RUB-ADA-BANGO
      8-cherry balls

      yan daw po ata ang ingredients ate lala?
      hindi ako sure pero yan ang sabi ng mga tambay sa looban...
      lols

      Delete
  4. Laki din ako sa hirap at naranasan ko din na gawing ulam/sabaw sa kanin ang kape hehe.

    Kakatuwa naman yang Gano coffee haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti ka pa lumaki sa hirap....

      ako po eh tumanda na sa hirap...
      lols

      *bear hugs*

      Delete
    2. hahaha natawa naman ako sa inyong dalawa lol parang mas panalo si pong sa tumanda na sa hirap lokoh kayo hahaha walang mahirap kapag nagsisikap! go lang!!

      Delete
    3. ate lala pwede bang magsubscribe na lang ng STOPHIRAP sa 2366?
      lols

      Delete
    4. Wahaha loko loko tong si nutty eh :D

      Delete
    5. hindi naman po...

      baet baet pu aku... :)

      Delete
  5. thanks for joining. reply ka na lang sa blog ko kung ano napili mong accessories for your mom ;)

    ReplyDelete
  6. boss, i need your address saka yung choices mo ng accessories para maipadala ko na sa yo yung (long overdue) accessories ng mom mo :)

    Thanks!

    Jon

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~