Monday, February 4, 2013

Getting to know You; The King & I

                                              


                                                            








                                                      

                                         Getting to know you,
                                 Getting to know all about you.
                                          Getting to like you,
                                 Getting to hope you like me.



 ____________________________________




    Once upon a time.... in a not so far away kingdom of Celedonia & Saudi Arabia ay bumisita ang 2 magigiting, matitipuno at nagsisi-gwapuhang mga hari na sina King Archie at si Daddy Juicy Jay sa kanilang tinubuang lupa....Kahit pagod na pagod mula sa kanilang paglalakbay. bitbit ang kanilang charms eh napag-isipan nilang maghanda ng isang PIGing para sa kanilang mga tagahanga.




At napaka swerte ko na isa ako sa kanilang naimbitahang dumalo sa kanilang munting salo-salo... Excited kong tinanggap ang kanilang invitation letter.









So bigla akong na-stress kung ano ang isusuot ko sa naturang okasyon.
Hindi ko maisip kung ano nga ba ang dapat kong isuot na gown mula sa mga pagpipiliang ito.











Sa sobrang time consuming ang pag-iisip  eh napagdesisyunan kong eto na lang ang isuot ko sa mini get together.








Although late akong dumating sa dinner date (7pm ang out ko sa work direcho sa isa pang dinner date with my officemates then karipas ng takbo sa pad at landing sa Cubao Expo kung saan nakaset ang mini mining meet up with them PBO members) eh mabuti na lang at andun na sa PIGing si Rix at sinundo ako sa Pen-Pens' Resto.














Enter Bellini's Restaurant... 

Ang sosyal lang ng resto, Italian chenes ang peg.... parang bigla akong nahiya. Wala kasing ganito sa looban. Mas sanay akong kumain sa carinderia.














Perfect din ang alakan section nila....










At syempre enter din ang lala-belles....




                      
             Authentic-Italian-thin-crust-picha-nampakenambits











                                 Ang very much intriguing "hot sowz" na hindi mukhang hot sowz dahil para lang talaga syang vinegar na may binabad na siling labuyo.





Ang kanin baboy....este..... ang bonggang food ng mga dugong bughaw....
Huge platter sya na may iba't-ibang protein rich meat like chicken, beef and steamed fish na sobrang sarap.
(yung fish lang kasi nikain ko..... hehehehe...)








At heto na po kami.... ang mini PIGing....


Roll Call: 
Kuya Empi
Kuya Mar
Rix
Senyor
Daddy Jay
Miss Arline
King Archie
Axl
Kuya Jun

At ako...... yung nagtake ng pic na toh syempre.





         



              (Ang Gwapong si King Archie at si
    Duchess of Kempetshortsyorkshire na si Miss Arline)










               (Ang Gwapong si King Archie ulit at si Reyna Peanutella)












Kulitan, tawanan. lambingan ang ganap habang kanya kanyang laps di ba?
Tapos piksyur piksyur ulit.... Pili ng pwesto... bawat kanto... bawat interesting sections ng resto eh talaga sinugod makunan lang ng piksyurs....

More chicka rin ang Senyor sa owner ng resto.....nag-bonggang intro about the group..... keme keme kemeruth.... then take ulit ng piksyur but this time kajoin na ang may-ari ng restaurant na si Roberto Bellini, yung mga pics eh paki check na lang sa site ng PBO  (http://www.facebook.com/groups/121728994657582/ ).
















After late dinner date eh nagkayayaan ng umuwi?



Since may "ka-EB" ata ang "Rose among the thorns" na si Duchess of Kempetshortsyorkshire Miss Arline that night eh nagkukumahog syang nagpaalam sa aming lahat.... Parang nagpalipas lang talaga sya ng oras with us dahil ang call time nya eh 11pm?









Final kembot for the night eh ang one-for-the-road ni Senyor. Simpleng nomohan lang with matching kulitan at tawanan.




















Natapos ang masayang gabi sa isang simpleng pagpapaalaman, pasasalamat at ang pangakong magkikitang muli (alam na ang schedule, so twit-twit na lang or text-text ganyan) upang ipagpatuloy ang kasiyahan.







Maraming maraming salamat sa iyo Daddy Juicy Jay at talagang effort pa sa meet up from airport to cubao....



Taos-pusong-bato ang aking pasasalamat  sa nag-iisang hari ng blogsphere na si King Archie sa inyong imbitasyon.....
Sa muling pagkikita kamahalan...








And We Lived Happily Ever After.....(bow)





















FYI: kung ang buong akala nyo eh maingay, magulo at makulit si King Archie eh nagkakamali kayo dahil sa personal, nuknukan ng tahimik, finesse at well reserved ang peg nya..... nangamatay na kami sa kakakwento at kakakuda samantalang sya eh more more lang sa pagtawa at pagbungisngis.....







                          (Sample ng "Killer Smile" ni King Archie)





































25 comments:

  1. Nyahaha at ikaw ang kaunaunahang nag post ng mga picture natin ahahaha :)

    ReplyDelete
  2. i hate you!! hahaha nainggit ako!! grrrr... hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oist Lala, tama na ang pagiging #peanutbitter

      See, susyalan ang peg. Di ko talaga afford na makasama ang mga royalties >_<

      Delete
    2. oi oi oooooooiiiiiiiii fiel!!!!
      mukha lang mga sosyal pero laking looban kaya kaming lahat....
      :)

      Delete
  3. Enjoy naenjoy ako while reading this one! You made me laugh with post! :-)

    Hail to the kings!

    ReplyDelete
  4. teh rix wala kasi akong magawa....

    teh lala dont hate me.. dahil next time ikaw naman ang imemeet namin ng bonggang bongga...

    pao-pao see you sa after party ng bazaar!
    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. teh di ko alam kung bublututin ko na lang sayo yung pic na kuha ko o popost ko din ahahaha.

      Delete
    2. i-post mo na lang sa fb tapos grab grab na lang ako mg piksyurs.. :)

      Delete
    3. Kelan ba? 14?

      Hindi naman sila masyadong mahilig sa checkered ano?

      Delete
    4. 15 ata sa moa?

      napansin mo pa yung checkered?
      akstwali may group piksyur sila kuya Mar, kuya Empi, Axl, kuya Jun & rix...
      The NINONG Boys ang peg!

      Delete
    5. hahaha @pao, ung checkered talaga napansin mo huh, hehehe

      Delete
  5. Hahaha. Binuking mo naman si Kambal! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Empi syempre dapat speysiyal ang treatment para kina Daddy Juicy Jay and King Archie di ba?

      Delete
  6. hahahaha... wish ko talaga makakita ng post mo na isang bagsakan ang paglalahad... lagi kong inaakalang tapos na pero may kasunod papala dahil sa bonggang spacing...lol... super enjoy last nyt... kitakits hanggang sa muli

    ReplyDelete
    Replies
    1. ipinaglihi nga po kasi ako sa "space".....
      lols

      See you soon senyor.

      Delete
  7. wow inggit much naman ako:(
    haha anyways hellcome back sa pinsa pareng archie at pareng jay
    sana mameet ko din kayo one of this days

    ReplyDelete
  8. ansaya nila oh! gusto ko ring maka barikan kayo nila sensyor.. mga taga looban ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa outreach po or sa after party kita kits tayo..
      :)

      Delete
  9. ang saya naman ng meet up niyo ... :)

    ReplyDelete
  10. Mecoy and Miss Jessica sa after party po sana makajoin kayo.. sobrang saya kasama ng mga veterans/oldies... nyahahahaha

    ReplyDelete
  11. Di naman gown na suot mo ha???? lol
    Mandatory ba talaga yung pic with kamahalan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup!!!!

      kelangan ng piksyur ni King Archie... matatagalan pa ulit ang Fans' Day nya eh...

      si Daddy Jay nga nahiya akong kunan ng piksyurs... :)

      Delete
  12. Aliw ang pamimili mo ng damit teh, pasabog ang gown! Ang saya ng EB, inggit din ako! Kaloka nga yang si Arvin, masyadong shy-type no? Ayaw mag-talk, dinadaan ako sa tawa.

    ReplyDelete
  13. teka may comment ako dito ah.. bakit nawala? binura mo noh?! hahaha..

    ang saya ng gabi na to..di ko akalain na maraming makakapunta para i-meet ng first time si Arvin.. at ginawa mo kong duchess ng kempetchuva ah hahaha!

    uy i have to go home na talaga nun ano.. dumaan lang sya dun para isabay ako pauwi.. nag-explain? hahaha!

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~