Sunday, January 26, 2014

F.E.A.R.



Isang dipa ang lapit, tatlong milya ang layo
Hindi inda ang pagod dulot ng pagsagwan palapit sa yo
Ibinuhos ang lahat, walang itinira kahit na sapat
Maiguhit lang ang ngiti sa iyong labi , ang sa aki'y ililipat.

Ninais kong mabulag para walang makita
Maging bingi ng di marinig ang bawat salita
Maging manhid ng di madama ang galit
Maging manhid kahit lamang sa iilang saglit.

Pinilit kong lumaban sa digmaan
Sinuong ang kawal sa ating pagitan
Hawak mo'y 'sang libong kanyon
Ang sa aki'y isang gulok na ubod purol

Di ko man napagwagian ang hamon
Dahil pagsuko sa aki'y lumambong
Saludo ako sa ipinakitang tapang
Tinanggap ko ang pagkatalo ng ubod yabang.

Tinalo ako, bagsak at duguan

Halos walang buhay na gumapang
Kumapit sa isang patak ng luha
Luhang naging lakas at sandalan.

Isinuko ko ang laban

Ngunit di sapat na dahilan ng karuwagan
Dahil duwag man ako'y iyong bansagan

Sa tunggaliang ito, buong tapang kong napagwagian.

Ikaw ang syang tunay na talunan
Takot kang kita'y aking iwanan
Ang totoo'y di mo naramdaman

Na ako'y naghihintay lamang, para ika'y magpaalam.






3 comments:

  1. ayan tayo eh ahahaha. yan ba yung saturday? kala pala dama ko sa mga kanta ahahaha

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  3. Aha!!! Ikaw na ang waiting in vain... Lels... *hugsnuttybells*

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~