Tuesday, May 13, 2014

Lift.





     Napakaswerte kong nilalang dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh hindi ko na kelangan pang bumiyahe from house to office kasi naman walking distance lang naman ang shabu, coke, crack at weeds factory na pinagtatrabahuhan ko from my mini-mansion somewhere in Cubao. Hindi ko na kelangan pang gumising ng maaga at magprepare para lang makipagbunuan sa mga utaw para lang makapwesto ng maayos sa jeep or sa bus unlike nung mga panahong sa Pasig pa ako umuuwi. Hindi kasi nakaka-pretty ang everyday na pakikibaka sa gitna ng rush hour makarating at makauwi lang from bahay to droga factory.



    Iisa lang naman ang nagiging problema ko everytime na nasa loob na ako ng building kung saan located ang droga factory kung saan ako nagtatrabaho.


LIFT!


   Ang sosyal lang di ba? Very British lang sa pagkaka "LIFT"? 

   Knows ko naman na kayo rin eh may mga nakakatawa, nakakabwisit at nakaka ubos body fluids na experiences sa loob ng elevator.  Di ko lang sure kung sindami ng experiences ko ang naexperience nyo sa loob ng lift or baka nga mas marami pa yung naexperience nyo? 


   Nasa 8th floor ang aming droga factory so obligado akong gumamit ng lift kasi di ko kering gamitin ang hagdan para lang makagora ng 8th floor noh! Kung 1st or 2nd floors lang naman mapagtitiyagaan ko pang gumamit ng hagdan kesa gumamit ng elevator para naman kahit papano eh nakakapag exercise ako sa paraan ng paglalakad at pag-akyat. Feeling ko kasi ang taba taba ko na, that I have to lose some weight? lols....


    So heto na nga ang ilang eksena na di ko makakalimutan sa pagkeme ko sa lift paakyat ng 8th floor.


1.   Yung tipong nagmamadali ka dahil almost buzzer-beater ka na sa oras ng duty mo tapos pagdating mo sa lobby kung saan nandun ang elevator eh may mapapansin kang ilang tao/tambay sa labas mismo 
ng elevator, nag-aabang ng ewan kung anong inaabangan nila? Ang mga pukeng ina pala eh gagamit din ng lift at feeling ko eh hinintay lang nila akong dumating para "i-Press" ang UP button!

2.   Madalas ko ding itanong kung bakit nga ba pag nasa loob ka na ng elevator eh ubod ng tahimik, as in auto silence ang peg ng lahat ng nakasakay. Minsan may nakasakay akong muret na sosyal, or nagpapaka sosyal? Wala naman ako talagang issues sa mga taong nag iiningles, masama lang talaga ang timpla ko pag nakakarinig ako ng trying hard englishero/englishera na mga utaw. At sinampolan ako ni muret sa loob ng elevator. More kuda kuda sya ng english kineme, pag press ko ng 8th floor biglang harap sa akin ni muret at biglang kumuda ng "5th place please"?  Muntik na talaga akong bumunghalit ng tawa sa kuda ni muret! Tangena, ano toh race track? Olympics? 5th place?

3.   Nakakabwisit din yung mga taong walang urbanidad pagdating sa pagsakay/pagpasok at paglabas ng elevator. I mean kahit naman siguro sa bus or sa jeep dapat alam na ng mga tao ang tamang gawi kung paano bumaba at sumakay di ba? Or kung di man nila alam, pwede namang gamitan ng instinct?
Alam mo yung pagbukas na pagbukas pa lang ng elevator at akmang lalabas ka na eh magpupumilit ang mga pukeng inang tao sa labas na pumasok agad agad sa loob ng lift na parang eksena sa MRT? Mano ba namang paunahin muna nilang palabasin yung mga nasa loob ng elevator para mas convenient ang pagpasok nila. Ang ending tuloy sa sobrang gitgitan ng mga nagpupumilit pumasok eh nasasarhan at naiipit ang balingkinitang katawan ko ng door ng elevator.


4.   May mga tao namang ubod at nuknukan ng katamaran sa buhay na parang baldado ang peg katulad ni ateng PT. Madalas ko kasing makasabay si ate, mukha naman syang mabait kasi all smiles sya palagi pagnakakasabay ko sa elevator. Mukha rin syang kagalang-galang kasi lagi syang naka scrub suit na all white, feeling ko PT (PaTotnak) si ate kasi wala naman akong alam na spa sa floor na destination nya pero palagi talaga syang naka white na scrub suit. Naisip ko na lang na talagang professional na PT si ate pero hindi rin sya makakaligtas sa pagkabwisit ko kasi si ate eh sa 1st floor lang ng building laging bumababa. 1st floor lang pero wala syang pakialam kung abutin ng 10-15 minutes syang maghintay sa ground floor para makasakay lang ng elevator at makarating ng 1st floor. I'm not sure kung aware ba si ate na available naman ang hagdan paakyat ng 1st floor or talaga lang na ipananganak na tamad si ate?

5.  Eto pinaka favorite ko sa lahat dahil lumalabas ang pagka maldita ko pag si merly na ang nakakasabay ko sa elevetor. Si merly ay nagwowork sa 6th floor and ako naman ay sa 8th floor. Nagstart ang pagkamuhi ko kay merly na ewan ko kung bakit everytime na nakakasabay ko sya sa lift eh lagi syang naka-ismid sa akin, minsan nahuhuli ko talaga syang nagme make face sa akin? Cute naman si ate so hindi ko alam kung bakit mukhang insecure sya sa ganda ko (aminado naman akong di ako maganda...... medyo humble lang) at wala naman talaga syang reason para magmaldita sa akin. Dahil nga assumera ako na may poot si merly sa akin eh MAS lalo ang pagkamuhi ko sa kanya. 
One time during our yosi/meryenda break eh naisipan kong bumili ng lumpiang toge sa favorite kong canteen. Take out na lang para sa pantry ko na lang lalapyurin si lumpia. After makapagyosi sakay agad ako ng elevator bitbit ang medyo mainit-init na lumpia ng biglang sumulpot at sumabay si merly. Awkward lang kasi kaming 3 lang ang nasa loob ng elevator... me, a beki officemate and si merly. Eto na ang eksena, si lumpia ay nakalagay lang sa isang plastic-labo na lalagyan. At ano nga bang masarap na kapartner na sawsawan ng lumpia?

Suuuuuuuuuukkkkkkkkkkkkkaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

Yes na yes and I'm not talking about "pukes" and all. Sukang madaming sibuyas tapos yung nauuso ngayon na may paminta and pipino... ang sarap di ba?
So si lumpia eh nasa plastic-labo lang nakalagay at halos 1/4 ng katawan nya eh naglulumunoy sa suka ng biglang kumuda si merly in Bicolana. Wala syang kaalam-alam na nakakaintindi ako ng kuda nya kasi si mujar and si fujar eh from Masbate so relatively almost the same ang dialect ng Bicol and Masbate.
Si merly eh nakasimangot na kumuda ng ganito "ano ba naman yan? ang asim asim naman?" (in Bicolana yan huh). Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko at talagang I kuda back kay merly in a patama way ng ganitez "teh pagkumakain ka ba ng lumpia isinasawsaw mo ba sa ice cream or sa yoghurt or sa cholate fondue? Di ba sa suka masarap isawsaw ang lumpia teh?". Eme-kuda ko habang nakaharap kay beki officemate.

Naloka si merly at paglabas na paglabas nya ng elevator eh kitang kita ko ang pagkaputla ng fez nya na parang ibinabad sa sukaImbyerna si merly kaya dali-daling lumabas ng lift pero di talaga nya inalis ang pagsimangot nya at pagtaas ng kilay. Kung nataon lang na di sya lumabas agad eh may ipapahabol pa sana akong kuda na " yung kipay mo nga na amoy patis-Navotas at bagoong isda ng Balayan hindi ka nababahuan pero sa suka nuknukan ka ng kaartehan"???


     6. Di naman lahat ng experiences ko sa elevator eh nakaka badtrip. Meron din namang NAKAKAPRETTY moments.
One time kasi may nakasabay akong bilat na artista na nakapambahay lang na parang duster pero ewan kung bakit ang tingin ko sa suot ni bilat eh maxidress? Porket pretty lang si bilat na artista eh maxidress na kaagad ang tawag ko sa suot nyang duster? lols
Pretty naman talaga si bilat na artista as in! Partida wala talaga syang suot na kahit na anong make up that day. Yung parang gusto akong sampalin ni bilat ng "Powder lang yan teh" moment nya na medyo similar sa motto ko na "Powder lang din ang labanan...... and MORE PRAYERS!"

So tahimik akong nakasakay paakyat ng 8th floor kasabay si pretty bilat sa loob ng walang anu-ano eh bigla syang kumuda ng "nice hair!!! ang cute cute mo naman!"
Napasmile na lang ako sa kuda ni bilat kasi di ko alam kung pinagtitripan nya ako that time dahil sa wala syang choice na mapagtripang iba kasi 2 lang kaming nasa loob ng lift? 


Looking at her eh mukha naman syang sincere sa pagpansin nya sa buhok kong alagang Biolink VCO Shampoo.







www.youtube.com/watch?v=gD-GI7qCQEk


Marami pa sanang chika si pretty bilat and i love her for being so perky pero need ko ng umiskapo sa elevator dahil nasa 8th floor na ako. Wala na akong nagawa paglabas ko ng elevator kundi isang napaka virginal smile na lang and we waved goodbyes to each other na feeling super close na kami. 


Napakabastos ko lang that time dahil hindi ko talaga kilala si bilat na artista at hindi ko talaga matandaan ang name nya pero thanks pa rin kasi napaka nice and sweet mo gurl!!!


 

















12 comments:

  1. ahaha, tehery! ikaw na ang may nice hairlalet lolz

    ReplyDelete
  2. Yang si Merly na yan ha, may pagkamaasim! Winner ang kuda mo sa kanya hehe :)

    Kaloka ang mga ganap sa elevator, daming mga aning na nakakasabay

    ReplyDelete
    Replies
    1. minsan pagnakakasabay ko si merly pinandidilatan ko kaagad ng mata!!!
      bwahahahahaha

      Delete
  3. 2. "5th place please"... hahaha bongga! pang first place si muret lols :)

    ReplyDelete
  4. Kaasar din yung feeling pag trying hard na englishera o englishero anf nakasabay mo sa lift. Esp pag may nakalimutan silang word. Mga pota yan. Felling. Di ko alam Bikolano ka pala?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang Masbate kasi may Cebuano, Bikolano and sometimes Ilonggo na dialect depende kung saang location sa Masbate pero mas familiar po ako sa Cebuano and Bikolano na dialect.

      hindi po ako BIKOLANO kuya yun, isa po akong mahinhing BIKOLANA!
      lols

      Delete
  5. Pinaka-hate ko lang na kasabay sa elevator yung mga may body odor. Usually dito sa PBCom, mga Indians ang salarin. Pag sila nakakasabay ko nagagamit ko ang aking pigil-hininga skill. May naalala din akong girl na ang sabi nya naman 51 floor hahaha...

    Itatanong ko nasa kung sino si celebrity, si Jewel Mische pala. So mabait pala siya, nice naman. Dapat talaga mag-ingat sa pagko-comment in public kasi di mo alam, nakakaintindi pala ng language na ginamit mo yung pinatatamaan mo. Buti nga kay Merly haha...

    ReplyDelete
  6. Buti wala ka pang nae-experience na bumukas yung elevator sa isang abandoned floor tapos wala naman pumasok pero may naramdaman kang creepy feeling XD

    ReplyDelete
  7. Kapag naririnig ko yung 'lift', ang naiisip ko yung mga freight elevator na ginagamit sa manufacturing industry o kaya naman yung mga vintage na may railings pa. *hehe*

    Dapat binigyan mo ng manual faceLIFT sila ate #2 and #5. LOL

    ReplyDelete
  8. epic fail si Merly he he ... relate kay Marge sa mga mababahong kili-kili na minsan ay nakasabay ko ...pakingsyet talaga , gusto kong magwala sa loob ng elevator ... hmmm , Bikol , iyo man baga ako , CamSur man kami : )

    ReplyDelete
  9. The chemical tests and analysis of the ingredients and their blend takes time.
    This means that the FDA has not approved the drug for this purpose, but it may still be prescribed
    by your healthcare provider if he or she believes that the medicine
    is acceptable for use in your particular situation. They are hormones that
    affect almost every body system.

    my blog post - weight loss pill dr. oz had

    ReplyDelete
  10. ฟิลเลอร์คืออะไร?
    สารเติมเต็มผิวหรือที่เรียกทางการแพทย์ว่า เดอร์มอล ฟิลเลอร์ คือ สารไฮยารูโรนิก แอชิด หรือ HA เป็นสารที่รับรองมาตรฐานความปลอดภัยทั่วโลกแล้ว เป็นสารสกัดจากธรรมชาติที่มีองค์ประกอบของคลอลาเจน มีโครงสร้างประกอบกันเป็นร่างแหด้วยวิธีการทางเคมี ซึ่งมีอยู่แล้วในเซลล์ผิว มีความปลอดภัยสูง
    ฉีดฟิลเลอร์หน้าผาก
    ฉีดฟิลเลอร์จมูก
    ฉีดฟิลเลอร์ปาก
    ฉีดฟิลเลอร์ ที่ไหนดี

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~