Tuesday, May 7, 2013

All about Gwiyomi




Uso naman this time ang "Gentleman" ni Psy and very true naman sa pagka-viral ng nasabing paandar from SoKor. Don't worry guys, hindi po ako magpopost ng video ko doing the "arrogant" dance steps ng gentleman. Dahil wala naman akong mala bortang body bourette na ipapakita at wala naman akong lakas ng loob na magpost ng video na naka spooky-pooky pookey shorts at lalong ayokong maidagdag ako sa mga nakakaumay na "gentleman" videos na nagkalat sa wall ng mga fb accounts nyo.


But before the fame of Gentleman eh binulabog ang buong Pinas ng uber pacute na Gwiyomi! Ilang local celebrities ang nag-post ng kani-kanilang versions ng Gwiyomi, yung iba eh cute but some of them are not. Ilang mga commoners din ang humugot ng lakas ng loob sa pagpopost ng kanilang sariling version ng Gwiyomi na halos ikamatay ko dahil hindi talaga ako naging fan ng Gwiyomi. Binibiro ko nga ang ilang friends ko na "utang-na-loob-lubayan-ka-ng-espiritu-ni- Belial " please lang wag kang mag-upload ng Gwiyomi video mo. At may ilang bloggers naman na na-"hu U" sa akin dahil sa pagpopost nila ng kanilang Gwiyomi vblogs...... hehehehe.. hindi ko na lang babanggitin kung sinu-sino sila.



Meron naman na napagkatuwaan ang piksyurs namin ni Kuya Mec (Ako si MEcoy) at gawan ng mash-up Gwiyomi style.

           


 








Pero alam nyo ba na isang pinoy ang totoong pasimuno ng nakaka-umay sa pagpapacute na Gwiyoming ito? Ang pinoy na iyan ay walang iba kungdi...... 

AKO!!!



OO... ako nga talaga ang pinagmulan ng pakenambits na Gwiyoming yan! Bakit 'ika nyo? Since best friend ko si FB at mapanghalungkat ako ng mga photos sa albums ko eh napansin ko na before the famous Gwiyomi pa-cute moves, ako pala eh nakapag-complete na ng "step-by-step" perfect piksyurs na pwedeng gawing Perfect Gwiyomi guide!





Eto ang ebidensya na pwede kong i-claim na ako nga talaga ang original na nagpasimuno ng Gwiyomi.







At talaga namang bigla akong na-guilty!

Bwahahahahahaha






Sunday, May 5, 2013

Wishing kelz sana atashi na lang ... sana akekang na lang nyulet?




I'm sure familiar kayo sa movieng "One More Chance" nina Bea Alonzo (ka-peg ni akez pag mga 10 kilometers ang layo) at ni John Lloyd Cruz (na ka-peg si Super Mario by microscopic-lapit) at andun din si Derek Ramsay (na ka-peg naman ni Kuya Empi na ilang sun-tan lotion application lang ang lamang) noong 2007? Yung complicated relationship nina Bash & Popoy? Sa sobrang complicated eh itinapon na lang sa trash bin ang 5-year-relationship then eventually eh nirecycle? At alam ko rin na marami sa inyo, somehow eh nakarelate sa mala-roller coaster ride na twist ng Basha-Popoy love story. Marami sa inyo ang nakarelate sa emosyong dama ni Basha na feeling na nawala ang kanyang identity sa loob ng 5 years na pakikipag bembangan ke Popoy or sa dama naman ni Popoy na maraming gustong mangyari sa buhay kaya medyo naaburido sa lablayp.
Very realistic din ang atake ng movie sa pag deliver ng "moving on" process lalo na at iisang circle of friends lang ang iniikutan nyo.



Pero wag ka, marami sa mga kabekcs ko ang di maka-get over sa movie na itekla. Kuda nila eh sobrang ganda nga daw ng movie. Yung iba nga sa kanila eh feel nilang ulit-ulitin yung movie. Parang sa sobrang gasgas na nung dvd nila eh iba na ang sinasabi ng mga characters. Magulat ka na lang kung biglang naging ganito ang kudaan nina Basha & Popoy dahil sa sobrang kakasalang ng dvd.



 





            Oh di ba? Biglang naging 300 ang peg ni Basha... Kulang na lang si Gerard Butler!






2007 pa pala ang movieng itetch pero believe it or not eh kahapon (sunday) ko lang sya napanood. Oo na.. ako na ang late ang reaction sa love story nina Bash & Popy!!!
Kasalanan ko bang after 6 years talaga ang normal na pag-absorb at pag-adopt ko sa isang "madramang" movie?
Sa PBO pa ng Studio 23 ko pa sya napanood. Ganyan ako katamad manood ng pinoy movies. Sa sobrang tagal na panahon na binilang para mapanood ko itey eh nalilito na nga ako sa movieng "One More Chance" at "One More Try". Kaya para safe ang peg ko "One More Trance" na lang ang lagi kong nakukuda sa mga becky friends ni akekang kapag yang 2 movieng yan ang napag-uusapan.


Impeyrnez vunggah nga naman talaga ang movie lalo na doon sa mga inarte ni Basha na ewan ko nga ba kung bakit anlakas maka-bilat ng peg. Bet kong ngumuya ng Diane+Althea na pilar pilapil para lang maachieve ang arti-artihang si Basha. Winnnuuurrr din ang batuhan nila ng linya. Mga sisihan portions at kung anez anez pa. Itekla ang ilan sa mga samples ng kanilang "tell it to the marines" moments. Ang mga eksenang bumayo sa aorta ni watta.









At higit sa lahat.....Ang uber powerful kemeng tagos sa utong line ni Popoy. 
Swear, dito talaga ako napaiyak ng 32 gallons at nakapag consume ng 8 toneladang tissue paper. Sino nga ba naman ang hindi matatauhan kung sakaling may magsabi sa yo ng ganitey?



Maganda nga ang movieng itey pero until now hindi ko alam kung kanino kina Basha & Popoy kakampi akez? May mga points si Basha na nakakarelate si akekang and same thing with Popoy. Pero kung kanino man ako nakakarelate sa duwa eh wapakelz na akembang dahil na-enjoy ko naman syang panoorin.




Sightchina nyo ba yung eksenang "3 month rule" ni Popoy? Doonchi yan sa Bellini's Italian Resto sa Cubao kinunan. At dahil agaw eksena si Bellini's eh heto ang "One More Tiyans" version ng PBO.



                          



Sight nyo din ba ang Popoy at Mark ng PBO?
Lols....   :)


Friday, May 3, 2013

Random (Keitai)






Since wala na naman akong magawa today at talagang nadivert ang original post ko dahil sa pagdedelete ng isang "not-so-very-authoritative" post sa fb na talagang pinatulan ko ng vunggang vunggah eh hayaan nyo na lang muna akong magrandom ngayon.


I admit na hindi ako techie, wala rin akong hilig sa mamahaling keitai at lalong lalo ng wala akong balak gumamit ng BB dahil ayokong mapariwara ang sipit-sipitan ni akekang.

So itechibang ang ilang not-so-ordinary kemz kemz about my keitai.

1. samsung wave II (black) ang phonelyabellz ni watta. Bet ko kasi yung hindi pansinin na nyelpown. Yun walang masyadong kapareho? Feeling ko ako lang talaga may ganyang keitai sa earth? 




2. hindi nga ako techie so wa pakelz akekang sa mga apps apps na yan. Ni hindi ko nga kinakalikot masyadow ang nyelpown ko. Keri na sa akekang ang makapagtext, call, mp3, camera, wi-fi achuchuchu and minsan nga hindi ko na rin ginagamit ang video ni phonelz. 


3. hindi ko nilalaro ang kahit anong games na naka install sa aking keitai. At wala din akong balak mag download ng kahit anong games. Pero napapadalawang isip ako sa candy crush kasi nakakaadik naman talaga syang laruin bukod sa utong ni Nicki Minaj.

4. Playlist. I soooooooooooo f****n love Adele. So download download ako ng mga songerette ni ate from Someone like you to Set fire to the rain. From cd version to live versions to Royal Albert Hall Concert eh talagang kinarir ko ang paglalagay sa playlist ko.
May pagka weird ang playlist ni watta kasi wala talaga akong songs nina beyonce, rihanna, nicki minaj etc. etc. to think na certified vuklah akez pero witt ko talaga bet yung mga songs ng mga bilatchi na yan. Mas bet ko pa ang songs nina Shirley Bassey, Barbra Streissand, Paula Cole, Dido, Bjork & Tori Amos. May ilang kpop songs din naman ako sa playlist ko kaya parang sapin sapin talaga sa genre ang hilig ko sa music.

5. 8 years ng naka set sa SILENT mode ang nyelphown ko.  Hindi din sya naka VIBRATE mode. As in hindi mo sya maririnig kung may mag text man or kahit ring tone nya naka SILENT din so talagang swerte mo na lang pag tinawagan mo ako at nasagot ko kaagad ang call mo.

6. wala akong collection ng Chronicles of Nyornia sa phone ko. Mga scandal videos ganyan. May mga knows akez na mga Vuklah sa dalampasigan na uber aliw sa Nyornia at mega collect talaga ang mga hitad sa pag upload pero not me. I dunno kung bakit wala akong hilig sa mga ganyang videos? Siguro iba talaga pag pinalaki ka sa all girls na school?

7. hnd aq ngttxt ng gni2. kht gaano khba ng msg q eh tlgng knkrir q ang pgttxt ng buo. ung hndi short cut. ndi edtd txtxs. nttnga ksi aq bshin ung gni2ng txt msgs. anlks mkbo2. as in bmabgal ang utak q s pgabsorb pg gni2 ang nbbsa qng msg s fon q, ung tipong mgiisp k p kung nu nga b tlg ang ibg sbihin ng tx s u?

8. itez ang wall paper ng keitai ko. wag mangealam! trip ko toh kaya pagbigyan nyo na ako.
And yes... si ultimate crush ang kasama ko sa piksyur.
*kileeeeg*


 










Thursday, May 2, 2013

Puta ang INA Ko






Oo.... Puta ang INA ko....
Matagal ng Puta ang INA ko.....

Isinilang ako sa pagpuputa ng INA ko, lahat kaming magkakapatid ay nagmula sa kaputahan ni INA. At ipinagmamalaki kong isang puta ang INA ko.

Matagal ng nagpuputa si INA, kung kailan nagsimula, yan ang di ko alam.

Ilang kamay na nga ba ang lumamas at nagpasasa sa matayog na suso ni INA?
Ilang lalaki na nga ba ang pumatong at nagparaos sa kanyang pinong morenang balat? Nang kanyang busilak na sinag-araw na balat?



 

Ilang mga Tsino, Olandes, Aleman, Hapones at maging Amerikano na nga ba ang naging parokyano ni INA sa kama. Kahit si INA mismo ay hindi na nagawang bilangin kung ilan nga ba?

Pinipilit nyang tumanggi sa bawat pagniniig ngunit wala syang lakas, wala syang  ibang pagpipilian kungdi ang magpaagos sa bawat ritmo ng makamundong sayaw ng laman. Tiniis nya ang lahat at magpasa hanggang ngayon ay nananatili ang kanyang pagtitiis sa bawat gabing nais magparaos ng kanyang mga parukyano.


Maganda si Ina.
Mabini at ubod ng hinhin. 

Malumanay at mapagtimpi. 
Madadala ang kahit sino man sa kanyang matatamis na ngiti. Marahil ilan lamang yan sa kanyang mga katangian kung bakit inabuso at nakaladkad sa pagpuputa si INA.

Madalas sa bawat gabi ng kanyang pagtulog, naririnig ko ang impit na paghikbi ni INA. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong patahanin. Nais kong damhin kung ano mang bigat ng kalooban ang kanyang kinakanlong. Ngunit sa bawat hakbang kong papalapit sa kanya, dahan-dahan akong hinihila ng kawalan. Hindi magawang sumigaw ni INA. Marahil dala na siguro ng kahinaan at kapaguran kung kaya't mas pinili nyang manahimik. Maaaninag ko na lamang mula sa kadiliman ang mala-kristal na butil ng kanyang luha.

Hindi ko kayang isumbat sa kanya ang maling gawain ni INA. Hindi ko nais ang kinasadlakan nya. Pinilit kong tulungan si INA ngunit sya na mismo ang humadlang sa amin para tulungan sya, pagtulong na nauwi sa pikit-matang pagtanggap. Dahil sa pagpuputa ni INA, doon kami nabubuhay. Sa paraang iyon lamang nasisidlan ng laman ang bawat kumakalam naming sikmura. At hindi nais ni INA na mamatay kaming lahat na dilat ang mga mata sa gutom. Gusto ko syang kaawaan, kamuhian at murahin ngunit batid kong walang dagok sa kanyang pagkatao ang salitang "Putang Ina Ka" dahil si INA mismo ay isang putang INA. Isang dakilang putang Ina.


Patawad INA kung hindi ka namin naipagtanggol sa kababuyang dulot ng bawat pakikipagtalik mo sa iba't-ibang lalaki matugunan lang ang aming mumunting pangangailangan.

Patawad INA dahil isa ako sa nagtali ng iyong mga kamay at paa.
Isa ako sa nagpiring ng iyong mga mata.
Isa ako sa nagbusal ng iyong bibig.



Patawad INA kung isa ako sa nagtulak sa yo para gawin ang makamundong trabahong iyong kinahantungan.

Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sampu ng aking mga kapatid kung ano ka man ngayon INA. Nabigo ka man sa amin, ipinapangako ko na darating ang panahong makakalaya ka rin sa putikan.

Hindi man sa aming mga anak mo sa ngayon INA... Hindi man sa pagkakataong ito.... Batid ko INA... Malapit na..... Nalalapit na....













Monday, April 29, 2013

Hooonnnggg Kyot (Pt.2) !!!



Akala nyo tapos na ang post ko about my HK experience? Syempre witit pa.... at talagang sa second part ang most memorable.. most high lighted... most spectacular and uber vunggang experience sa buhay ko, dahil dito tumibok ulit ang pusong nene ko.. As in uber flooding ng childhood memories talaga......

Medyo sablay lang kasi drizzly day nung time na tumambling kami sa "it's a small world after all" kineme pero wa pakelz ang peg ni akekang... Dahil matagal ko ng dream itey so kibear ako sa weather ni mother earth... Sugod kung sugod sa Julanis Morissette akez para mafulfill ang aking pagiging pwenses!!!!



  









 At hindi ko naman talaga pinaghandaan ang Disney Visit na ito noh.... SWEAR!!!!!
 














AS IN HINDING HINDI TALAGA AKO HANDA!!!!!
















~PART OF THAT WORLD EXPERIENCE~
 




















 ~Cinderella's Carousel~






Hindi akez nagbibiro na talagang drizzly that day so itey ang couture couture peg ko kahit maJambon Madrigal ang rampage sa Disney Land.

 
 







~The GOLDEN Mickey's~

 








 ~Yosi Break ng Pwenses~
 
 




 ~My Malalandutay na Pwenses Pwends~
 





 ~The Lion King~






~Photo Op Not-So-All-Stars~







~Disney Anez Anez Piksyurs~









                  ~Farewell Fire Works~
 
 
 









 Sa sobrang saya at excitement eh talagang nalibot ni akekang ang buong Disney Land.... Sulit na sulit talaga ang rampage.... Sensya na, minsan lang naman yung ganitong chance divine?










NOTE: If ever mapasyal kayo sa DL, I highly recommend na ienjoy nyo ang The Grizzly Gulch. Ditekla bumaligtad ang mundo ko literally.
:)