Monday, May 13, 2013

Erection on Election





Kahapon ginanap ang isa na namang circus na inaabangan ng sambayang Pilipinas, well kaabang abang naman talaga kasi naman sa Pinas lang may ganyang klaseng election.
Syempre dagsa na naman ang mga tao sa pagtambling papunta sa kani-kanilang presinto para bumoto. Nagkalat ang mga uzizero, mga nagbibigay ng flyers, tindero ng "sa malamig" at kung anu-ano pa sa kalsada pero wala ata akong nabalitaang nagbibigay ng pera? Sayang, kala ko pa naman mabibiyayaan ako at makakabili ng bagong 2 piece leopard print swimsuit para sa post summer vacation ko this June sa Boracay.

Anyway, naalala ko ang Tatay pag dumarating ang election, may mga pagkakataon kasing nagkakaroon kami ng huntahan about politics. Mga manok sa politika. Kung sino ang mga gusto naming iboto. Mga plataporma ng bawat candidates, mga magaganda at pangit na nagawa, mga tsismis about them, pero NEVER na NEVER kaming nag-endorse na iboto ang kandidatong iboboto ng kahit sino sa amin. Walang "block vote" sa family namin. NEVER na NEVER kaming nakisuyo sa bawat miyembro ng aming pamilya na iboto mo si ganire at iboto mo si ganiyan. As in NEVER!!!!! Dahil pagdating sa politika, iginagalang namin ang boto ng bawat isa. Bet ko sanang i-share ang isang nakakalokang kudaan namin ng isang blogger about "endorsing post" ng isang candidate sa fb pero wag na lang. Sayang ang space and hindi naman kami yayaman ng $5M pareho so deads na lang sa earth.



So ayun na nga, may pagka maarte ako pag bumoboto. May tradition kasi akong sinusunod everytime na dumarating ang election. Hindi ako nakikipagsiksikan at bumuboto sa umaga.  Mas bet ko yung last minute voting. Una, hindi mainit. Pangalawa, kokonti na lang ang mga bumuboto compared sa attendance ng mga voters sa umaga so iwas amoy-pawis+haggard combo. Pangatlo, parang celebrity ang peg ko pag bandang gabi na ako nagkacast ng vote. Yung pagkakaguluhan ka ng mga supporters ng mga candidates na parang magpapa-autograph.
Syempre mas maraming wafung otoko ang naglalabasan para bumoto pag mga ganyang oras and lastly, sa mga ganoong oras din nagkakaroon ng abutan (ng pera), pero unfortunately eh isang tetra pack na juice lang ang naiabot sa akin. ahahahahaha....

Don't get me wrong guys. Tumatanggap ako ng pera sa election pero hindi ko ibinebenta ang boto ko. Natutunan ko yan kay Cardinal Sin (RIP) kasi minsang sinabi nya na kung may mag-alok ng pera sa yo sa election eh maging practical ka, kunin mo yung pera then vote according to your conscience. Tama nga naman di ba? At dahil idol ko si Cardinal Sin kaya naman super obey ako sa utos nya. hehehehehe....

5pm na pero hindi ko pa natatapos yung pinapanood kong dvd, sobrang naaliw kasi ako sa movieng ito. Relate much dahil minsan eh inaatake ako ng sakit kong pagiging klepto. Minsan lang naman.



Tinatalakan na akez ni mujar dahil past 5pm na nga eh prenteng prente pa akez sa panonood ng dvd na parang wala talaga akong planong bumoto. At dahil ayaw ko namang lumabas ang robusto-sopranong voice ni mujar eh dali-dali na akong nagprepare para sumugod sa school.

Naihanda ko na rin ang isusuot ko para sa okasyong ito so hindi na ako nagwoworry na malelate pa ako para sa last minute voting.








                 Thanks Alexander Mcqueen sa effort para bihisan ako for the said event.








Na-sight-china akez ni mujar at medyo kumuda ng harsh dahil uber OA daw ng peg ko para pumunta ng school at bumoto. Kuda kuda sya ng ganyan at magtone down daw ako sa pagbihis so from being Mulawin inspired Alex Mcqueen Gown eh napunta ako sa Swan inspired ballerina dress ni Marjan Pejowski.





Bitbit ang napakaraming prayers eh sugod akez sa school kung saan may ganap ang botohan. Uber sa dami ng kalat ang kalsada. Pati mga utaw nagkalat kung saan-saanchi!





Konting kembot pa at mararating ko na ang botohan so kahit walang red carpet eh go pa rin si akekang sa pagkandirit papuntang school.





Precinct 0708-A daw ang destination ko kaya hanap naman akez sa master list kung doonchi nga ba masasight ang namesung kei, luckily eh andoon nga so pwesto na akez sa loob ng room. Wait wait ng konti. chika chika with some kakilala. At nasight ko din yung crush ko noong elementary. Hongliit  pa din nya at hongkyot pa din kahit mukhang daddy daddy na sya. Sayang nga lang kasi hindi kami nakapag chikahan, magkahiwalay kasi kami ng room pero okay lang atleast nakita ko sya ulit.



Hindi naman ako nahirapang bumoto noong gabing yun kasi nga wala ng masyadong botante. Smooth sailing ika nga. Wala ng matagalang paghihintay at pagtitiis sa init at tagaktakang pawis.


Natapos kong bilugan yung mga namesung ng mga candidates na bet ko eh direcho akez sa comelec volunteer na nagpapaandar ng PCOS machine. Napangiti ako ng basahin ni machine ang aking vote at may "KOWNGRATCHULEYSYEN" pang eme eme si PCOS huh?

Nagkaroon lang ako ng mild na problem after ma-read ng machine ang vote ko, dahil sa pagmamadali kong pumunta sa place ng botohan eh nakalimutan kong tanggalin ang.....





Mega kuda talaga si ateng comelec volunteer dahil hindi ko natanggal ang Louis Vuitton Limited Edition nail art sa kuko mezz. Buti na lang may pagka Girl Scout akez kaya para iwas kuda kay ateng volunteer eh hugot akez ng acetone sa bagelya ko. Kuskos ng vunggang vungah para maging clear ang nails ni watta. And after 2 minutes eh naging ganito ang peg ng nail ko.





Oh di ba nga? Halatang halata na imbey si ateng volunteer sa akez. Parang galit na galit talaga sya na maglagay ng indelible ink sa aking very virginal finger.








Worth it naman na madumihan ang kuko paminsan. Sabi ko nga "di bale ng mamantsahan, kung may silbi naman". Minsan lang ang pagkakataong ito na pantay pantay ang karapatan ng bawat Pilipino. Mayaman at mahirap, may pinag-aralan o mangmang tuwing election lang nagkakaroon ng tinig ang ating mga boses para piliin ang susunod na mga leaders ng bansa, na deserving para sa atin. Boto natin ito, walang nagdikta, walang nag-impluwensya at lalong lalo ng walang nag-utos kung sinoman ang iboboto natin. Magkaka-iba man tayo ng pananaw, nang prinsipyo sa buhay, nang piniling kandidato eh sama-sama pa rin naman tayong makikinabang o magdurusa sa kahihinatnan ng ating napiling mga leaders ng ating bansa.

Isang bagay lang ang naituro sa akin ng election....Buo ang pagka Pilipino ko dahil napapractice ko ang isang bagay na hindi pwedeng idikta sa akin ng ibang tao.
Para sa akin ang pagboto every election ay isang matinding erection of pride!


6 comments:

  1. Ganda ng message mo in fairness, although hindi ko to masasabi sa sarili ko ngayon kasi I skipped this election. Tinamad kasi ako magbyahe pa-Manila eh dun ako naka-register. Sa presidential election na lang ako babawi.

    Natuwa naman ako at kuntodo costume ka pa with nail art hahaha...

    ReplyDelete
  2. loka loka ka talaga kahit kelan ahahahaha

    ReplyDelete
  3. Kulit lang... I want this font the most... madaling basahin...

    ReplyDelete
  4. hahaha! aliw talaga tong post mo.

    akala ko sa gitna ng daliri ka nagpalagay ng ink. lol

    ReplyDelete
  5. Waaah Erin!!!!

    Grabe you never fail to make me smile talaga (with matching halakhak pa) sa bawat kabaliwang post mo dito hahaha :D

    Natawa naman ako sa outfit mo, parang a-attend lang ng awards night ang peg. I'm sure ikaw ang naging star of the night ng precinct nyo :D

    at ang nail arts sa virginal fingers hahaha!

    ReplyDelete
  6. yan lang naman ang ilan sa mga kikay tips ko para senyo, so next election alam nyo na ang gagawin para hindi mastress sa pagboto.. hehehehehe...
    :)

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~