Friday, May 10, 2013

In Heaven







 "A second chance doesn’t come knocking on your door every single day and when you have the chance, grab it; turn it into the best opportunity you’ve ever had: not only for you, but also for people around you."
















2013
 
Workaholic, career driven, self-centered and very professional. Ilan lamang sa mga katangian ni Jun. Ibinubuhos nya ang lahat ng kanyang oras at araw sa loob ng apat na sulok ng opisina at ng kanyang kwarto. Mag-isa sa buhay si Jun. Nabubuhay ng mag-isa limang taon na mula ng namatay sa isang car accident ang kanyang girlfriend-fiance na si Miranda. Isang pangyayari sa kanyang buhay na pilit niyang tinatakbuhan, gustong takasan at kinakalimutan. Pinanghihinayangan nya ang mga pagkakataong kayang binabale-wala at di pinahalagahan si Miranda dahil sa sobrang busy nya sa kanyang trabaho.






Linggo.
Umaga. Off ni Jun sa trabaho. Habang nasa kasarapan sya ng pagtulog ay napabalikwas sya sa kanyang kama ng marinig nya ang pagkatok sa kanyang pintuan. Takang-taka dahil wala naman syang inaasahang bisita noong araw na iyon. Mas gusto nya kasi na magpahinga ng buong araw every Sunday. Hindi maipinta ang pagkagulat sa mukha ni Jun ng malaman nya kung sino ang kumakatok sa kanyang pintuan.



Ngayon nakatambad sa kanyang harapan si Miranda.

Mira: hoy! napano ka jan? may sakit ka ba? para kang nakakita ng multo?


Nanatiling tulala si Jun sa nangyayari. Pinipilit ang sarili kung papaanong papapaniwalain na nasa kanyang harapan ngayon si Miranda? Ilang saglit din syang nasa ganong sitwasyon habang si Miranda naman ay pilit ng pumasok ng bahay ng nangingiti.... ubod tamis na ngiti.
Diretso sa kusina dala-dala ang kanyang binili sa grocery ay buntot naman si Jun.

Mira: Jun ano ba kasing nangyayari sa yo? kanina mo pa ako tinititigan.... may dumi ba ako sa mukha?


Napalingon si Jun sa kalendaryong naka-dikit sa kanilang ref. August 8, 2008.










Halos limang taon mula ng namatay si Miranda. Bumalik sya sa nakaraan limang taon mula ng nawala sa buhay nya ang babaeng kanyang pinakamamahal. Ang babaeng dahilan ng kanyang ngiti... nang kanyang mga pagtawa. Ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Mira:hoy Jun ano ba?!?!?!?! kanina ka pa tulala jan!

Isang simpleng ngiti lamang ang namutawi mula sa mga labi ni Jun.

Mira: ang weird mo Jun! nakakainis ka na!
 
Imbes na sumagot ay mahigpit na yakap ang naitugon ni Jun kay Miranda. Higpit na halos ayaw ng bumitaw. Dahil sa mga oras na iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Jun na nasa kanyang mga bisig muli ang kanyang pinakamamahal.



 







 *****

Dahil alam ni Jun ang lahat ng maaring mangyari, naisipan nyang kailangan nyang bumawi sa lahat ng kakulangan nya para kay Miranda. Kelangan nyang punuan ang lahat ng kanyang mga kasalanan . Kailangan palitan ng masasayang ala-ala ang lahat ng mga pagkakataong binalewala nya ang kanyang mahal kaya't naisipan nyang isulat lahat ang mga bagay na makakapagpasaya kay Miranda.






 Ang sinadyang "mismatched" outfit na biking date sa park.





 At ang pagdating ng sobrang late sa isang surprise dinner date.











****



October 17, 2008



Sadyang mabilis na tumakbo ang panahon. Eto ang araw na hinintay ni Jun. Ang araw na kanyang kinatatakutan dahil alam nya sa kanyang sarili na isang "deja vu" ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay sa loob halos ng higit 2 buwan. Ang araw kung saan ang umpisa ng katapusan ay magaganap.

Alam ni Jun ang oras at ang  lugar. Kaya't dali-dali nyang tinungo kung saan nangyari ang lahat. Kung saan nagwakas ang magandang simula. Kung saan naroon si Miranda.




 
 






****************

Second chance.


Sa ikalawang pagkakataon itinama ni Jun ang lahat ng kanyang pagkakamali. Ibinigay ang kanyang sariling buhay upang iligtas si Miranda. Upang muling makasama si Miranda.

Tinupad ang pangakong hinding-hindi na sila maghihiwalay pa. Pangakong magiging masaya silang dalawa sa mundong puno ng pag-ibig. Pag-iibigang nagsimula sa katapusan at muling tatapusin ang kanilang nasimulan. Pangakong binigyan ng katuparan.


Dahil ang tunay na pag-ibig nina Jun at Miranda sa isa't-isa ay muling sisibol...... at pagyayamanin.... dalawang pusong magmamahalan maging sa kabilang buhay man.








4 comments:

  1. Waaaah! Nutty T_T

    Based ba toh sa isang Koreanovela? ang galing mo ha, pati yung mga GIF images swak na swak. Nice!

    Ang ganda nung love story nila Jun at Mira, although mejo creepy. At least in the end, hindi na sila nagkahiwalay at magkasama na silang masaya habang buhay.

    ReplyDelete
  2. ayy parang "if only"! yaicks kaka lingkot ang story na ganan ag tema ampness
    ako kaya kaya ko yan?

    ReplyDelete
  3. sana may ganito talaga noh? yung bibigyan ka ng second chance?
    :(

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~