Friday, May 17, 2013

Tawid







Sa bawat puting linyang nakahilera sa kalsada
Matamang nakababad sa pagtitig ang aking mga mata

Isang direksiyon, isang diretsong linya
Di alam kung saan papunta.

Pinag-aaralan ang bawat kilos ng mga paa
Dideretso ba o mananatiling nakatayo na parang kandila
Takot akong humakbang, takot akong umusad
Dahil hindi ko alam kung anong sa aki'y bubungad.

Mabilis ang pagtakbo ng mga sasakyan
Silbi mo'y magbigay sa akin ng agam-agam
Isang babala na dapat pakatandaan
Sa isang maling desisyon, katapusan ang kahihinatnan.

Ayoko sanang baybayin, ayoko sanang tumawid
Sapagkat pangamba lagi sa aki'y nasasa-isip
Nais kong manatili dito sa kabilang bahagi

Bahagi kung saan mga ala-ala mo ang sumasagi.

Ibulong mo sa akin ang kasiguraduhan
Na ako'y ililigtas at aking malalampasan
Ang bawat balakid sa aking daraanan
Puting linya, pagsamo ko sana'y iyong pakinggan.

Hanggang kailan mo ako papaghihintayin
Hanggang saan ang katatagan ko'y iyong susubukin
Malaya mong intindihin at pakaisipin
Na ang hamon mo sa akin ay pilit kong tatanggapin.

Ilang hakbang pa kanan
At si kaliwa'y pilit kang susundan
Magmadali ka ng ika'y di maiwanan
Habulin mo ang oras, itakda ang  kapalaran
Ilang hakbang pa nga ba
Alamin ang tunay na patutunguhan.


Dalawang hakbang na lamang palayo mula sa nakaraan
Pagsusumikapang pilit, bagong umaga'y mahagkan, masugpungan
Hinding hindi na muling lilingunin pa
Buhay na puno ng pighati, luha't pagdurusa.

Isang hakbang na lamang, isang hakbang pa
Makakamtan na ang bagong ligaya
Isang hakbang na lamang ang natitira
Mararating na rin ang kabilang bahagi ng bagong simula
Nang bagong pag-asa.


10 comments:

  1. sang tunay na makata! well ganda ng tula mong ito ahh
    ganun naman talaga ang buhay isang pasulong na lakbayin
    at di ka uusad kung di ka hahakbang

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat kuya mec.... next na tula ko eh yung "ako'y may alaga, asong mataba". hehehehehe

      Delete
  2. moving on na ba ito? ilang hakbang na lang ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. miss G sana nga moving on na.... alam ko... kaya ko na...

      Delete
  3. magandang tula hehe nagenjoy ako sa pagbasa kahit hindi naman talaga yun ang dapat na mafeel ko ha ha.. matagal lng ksi siguro hindi nkbasa ng mgagndang akda tulad nito.. kudos ^__^


    tatlo sa mga idolo ko, nasa larawan. ;p

    ReplyDelete
    Replies
    1. hulaan ko.. si ringo star ang di mo masyadong bet sa beatles noh?
      lols

      Delete
  4. Galing mong tumula. Yes, we need to take one step at a time. We have to try and explore the way:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat mo mom Joy!!!! minsan kakachamba lang sa pagtula... lalo na pag may pinaghuhugutan.. :)

      Delete
  5. move on move on din pag may taymssss?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahahahaha... eh ang hirap nga kasing magmove on... alam mo yan!
      :)

      Delete

~MEMA-SABI-LANG~