Friday, February 7, 2014

Liebster Award 2014


Since dinamay na naman ako sa kalokohan ng aking mabuti at ubod ng bait na kaibigang si Rix http://rixsays.blogspot.com/ eh wala po akong choice kundi pagbigyan ang kanyang hilig.



Here are the rules:
1. Link the blog that nominated you for the award.
2. Answer the 11 questions given to you.
3. Create 11 questions for the people you nominate to answer.
4. Choose 11 bloggers to nominate who have less than 200 followers.
5. Let the people you have nominated know that you have done so.
6. You can't nominate the person who nominated you.


Heto naman po ang makadikdik brain cells na mga katanungan ni Rix na obligado kong sagutin.

1) Ano sa tingin mo ang purpose mo sa earth?
---- Masyado ng gasgas ang "world peace" so mas bet ko ngayon ang maging legal na kabit ng bawat lalaking makakarelasyon ko. Mas challenging kasi na may gf ang magiging bf mo tapos ang kabit eh isang barbie doll na bekla. Feeling ko pang kabit talaga ang beauty ko.

2) Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mamili ng lugar kung saan ka titira, saan mo gusto?
---- Walang specific na place eh. Pero lagi kong naiisip na may munting bahay daw ako kasama ng jowa ko (na may legal na gf) sa gilid ng burol, napapalibutan ng malalagong halaman, maraming puno tapos sa gilid may malinis na sapa. Yung parang province type na place. Tahimik, relaxing at very solemn na lugar. Perfect na perfect na venue para sa barbie doll sessions.

3) Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makadate ang isang celebrity sino ang gusto mong idate?
---- RONALDO VALDEZ!!!!! At hindi ako papayag na hanggang date lang kami. Ipupush ko talaga syang may mangyari sa aming sexual!!!
lols

4) Slippers o Shoes? Bakit?
---- Sinelas. Di kasi ako comfortable kumilos pag nakasuot ako ng shoes. Mas astig kasi kung nakasinelas lang para laging on the go.

"Kahit ilang libong pares pa ng sapatos ang isuot mo sa buong araw, pag-uwi mo ng bahay hahanap-hanapin mo pa rin ang paborito mong sinelas."

5) Balot o Penoy? Bakit?
---- Balot. Nasasarapan kasi ako from sabaw to duck embryo hanggang doon sa creamy white thingy. Bad trip lang ako pag mas malaki pa sa sisiw yung pinaka bato (yung hard thingy part) ng balut. 

6) Gusto mo ba ang tinapos mong course? Bakit?
---- Hindi. Napilitan lang naman kasi akong kunin ang course na gusto ng tatay ko. Dream ko kasi ang maging isang titser pero tinapos ni fudang ang pangarap kong maging guro kasi sabi nya wala daw future pag naging maestra daw ako. Tatandang dalaga lang daw ako, na ayaw ni fudang. Nanghihinayang syang makita ang magiging barbie doll na apo nya from me.

7) Ano ang isang bagay na gusto mo magkaroon ngayon?
---- Hhhhhhmmmm....
Napaka simpleng tao ko lang naman eh... Hindi kasi ako pinalaki na maging materialistic. Kung ano ang meron dapat maging kuntento ka. Wag kang maghanap ng wala or mga bagay na hindi kayang iprovide.

MINI COOPER!!!!
Pukeng ina gustong gusto kong magka MINI COOPER!
(Lord sana bukas umulan ng MINI COOPER... Please?)


8) If I could fall into the sky do you think time would pass me by?
---- Since pareho kami ng hulmahan ni Vanessa Carlton, as in pareho kaming habaan eh YES na Yes ang sagot ko jan!

9) Where do broken hearts go?
---- Sa baba ni Celine Dion. My heart will go on nga ang peg nya di ba?

10) Do you know where you're going to?
---- I'm not sure. Mahina kasi ako sa geography eh. Madali akong maligaw.
 Pero ang alam ko I've been to Georgia and California and anywhere i could run. I took the hand of a preacher man and we made love in the sun. But I ran out of places and friendly faces because I had to be free
. I've been to paradise, but I've never been to me.

11) Do you like the thing that life is showing you?
 ---- Hindi masyado. May mild problem kasi ako sa mata. Minsan color blind ako. Minsan naman near sighted. Sasabihin ko na lang sa inyo pag okay na ang condition ng mata ko.





Para sa 11 bloggers na napili kong kupalin ng Liebster Award
1. Kung ikaw ay isang singer/artist anong bet mong name ng iyong magiging first album at bakit?

2. Saan mo nakikita ang patutunguhan ng iyong pagsusulat sa blogsphere?

3. Sino ang naging impluwensya mo sa pagsusulat at bakit?

4. Ano ang sasabihin mo kay Satanas if ever makasalubong mo sya sa daan?

5. Tumatabo ka rin ba ng gravy sa KFC?

6. A day in a life of_______?
At bakit?

7. Ano ang unang ginawa  mo nung first time mong ma-broken hearted?

8. Bakit bughaw ang kulay ng langit?

9. Magbigay ng 1 sa pinaka paborito mong pelikula, eksena kung bakit naging paborito mo ang nasabing pelikula?

10.Kung mamamatay ka, sa paanong paraan mo gustong mamatay?


11. Kung bibigyan ka ni Lord ng pagkakataong pumili para maging isang hayop sa loob ng isang araw.... bakit unggoy ang pinili mo?


Sorry naman sa 11 bloggers na napili ko, katuwaan lang naman guys.


* Gerald Cayco
* Cyron

* ELAY
* EssayniPayoyo
* travelistera
* gillboard
* Genskie
* Nyabachoi
* Mr. Tripster
* RED

* Melanie *Todo sa Bongga*







3 comments:

  1. Two words to describe: Total Entertainment!

    ang dami kong tawa (mga 7465.99) habang nibabasa ko itong mga responses mo sa tanong ni Rix ahahaha! di ko makalimutan yang pagiging kabit at barbie doll.... paaaakkk!

    ReplyDelete
  2. AHahahahahah napaka witty mo talaga sumagot. Aside sa looks, the brains are sure part of your petite features. LOLs. That's what I love about you and your blog. Nakakatawa and yet di nakakabadtrip. Totally entertaining. Good to know you more.

    ReplyDelete
  3. ambunan ako ng mini cooper!! at pahiram ng barbie doll, pero wag kang magagalit kapag wala na yung ulo kapag binalik ko... basta ngsabi na ko :P lels.. nagsisimula pa lang ako magbasa, more more tawa na ko!

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~