Monday, March 4, 2013

Diana Prince

Aaminin kong isa ako sa mga batang nabiyayaan ng isang napaka simple ngunit ubod ng sayang kamusmusan. Naranasan kong makipaglaro sa putikan habang umuulan,manghuli ng mga palaka, maligo sa ilog-pasig, maglaro ng tagu-taguan kapag sumasapit ang gabi, tumbang preso, chinese garter, luksong tinik at luksong baka, at kung anu-ano pang klase ng mapaglilibangan na hindi mo na makikita na nilalaro ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.


At dahil sa panahong iyon ng aking kamusmusan, nagkaroon din ako ng mga paboritong mga superheroes....

Bilang bata, sa kanila natin nakikita ang pagpapahalaga sa mga tamang gawain at landasin. Mga superheroes na ipinaglalaban ang karapatan ng mga taong inaapi. Sumusugpo sa mga masasamang elemento ng ating lipunan at tumutulong sa mga nangangailangan sa oras ng kagipitan.


Isa sa mga superheroes na aking sinubaybayan, minahal at talagang iniidolo hanggang sa ngayon ay walang iba kungdi si Diana Prince.








Isang simpleng nurse sa simula na naging officer sa isang military intelligence hanggang sa magtagumpay sa kanyang career from Lieutenant to Major.
Sa likod ng isang matapang at matalinong Diana Prince nagkukubli ang kanyang pinakatatagong lihim.






*Wonder ikot Activated*









 www.youtube.com/watch?v=_FaXt0OsYIU






Mula sa isang mala-kangkarot na pag-ikot, ang bidang si Diana Prince ay nagbabagong anyo bilang si.....






Aliw at pagkamangha ang nararamdaman ko everytime na nagtatransform na si Diana dahil sa kanyang makulay na superhero outfit. Mala-diyosang kagandahan, size 26 na waistline (konting konti lang ang lamang nya sa akin) at lalong lalo na ang kanyang natatagong super powers....

Syempre bilang isang superhero eh dapat lang na may kaakibat na super powers ang drama ng lola nyo.





Nariyan ang powers ng kanyang....




WONDER BRA- heto ang isa sa mga matinding powers nya dahil everytime na suot suot nya ang kanyang wonder bra, ang kanyang bust-line na size 34A ay automatic na nagiging 38D.










 

 WONDER CROWN- kung medyo ngarag na ang lola nyo or feeling chillax lang or totally baldado ang peg, ang wonder crown ang madalas nyang ginagamit. May pagka boomerang ang drama nitong weapon na ito dahil sa oras na ihagis nya papunta sa kanyang mga kalaban ay automatic na bumabalik ang wonder crown sa lola nyo after mapatumbang lahat ang kanyang mga kaaway.

WONDER ROPE- kung iniisip nyo na champion ang lola nyo sa Chinese Garter eh tama kayo.... but wait.. there's more... Hindi lang pang chinese garter or pang wanbaywantubaytu ang usage ng weapong ito. Kaya nyang lumpuhin ang sinomang madampian ng isang matinding hagupit ala Roman Latigo gamit ang kanyang golden-wonder-rope.
(Minsan isinasanla nya rin yan wonder rope  pag kinakapos sa andang panbili ng bagong wonder bra ang lola nyo.)

 

WONDER BRACELETS- dito ako elib na elib. Isa ito sa mga highlights ng tv series na talagang inaabangan ko dahil nakakatuwang panoorin ang lola nyong nakikipagbakbakan at sinasalag ang bawat bala ng baril gamit ang kanyang wonder bracelets. As in may kinang kinang at convincing sound effects talaga everytime na tumatama ang bawat bullets sa kanyang wonder bracelets na talagang weeeennnuuuurrrr ang drama.





WONDER STRENGTH- syempre given 
na rin naman ito. Kelangang mala Vina Morales+Elma Muros+Nancy Navalta dapat ang peg ng lola nyo. Chaka naman kung puro pasweet lang ang drama ng ating bida di ba?

         (Infairness..... kinis ng kili-kili ng lola nyo...)





WONDER SPLIT- bihira nya lang gamitin ang kanyang special power/talent na ito. Parang nacha-challenge lang sya kay Mystica kaya ayan, pabibo ang ating hitad na bida sa pagbikangkang. Or minsan siguro naiisip nya na medyo naiipit na ng kanyang skimpy outfit ang kanyang labia majora kaya kelangan nyang magi-split para nga naman makasingaw ang kempet at makapagrelax.



WONDER (Invisible) JET- since hindi nabiyayaan ng gift para makalipad sa nasabing tv series ang lola nyo so nagproduce sya ng sariling airplane... Ang medyo nakakaloka nga lang sa air craft na ito since invisible nga naman eh hindi mo makikita ang makina, seat belt pati ang lavatory ng nasabing sasakyan.

 At medyo hirap na hirap ang hitad kung papaano nya ipapark ang kanyang invisible jet sa kahit saang paliparan.




Sa sobrang paghanga ko ke Wonder Woman, naalala ko noon after kong panoorin sa tv ang kanyang pakikipagsapalaran ay dali-dali akong tatakbo sa kwarto.... Magkukulong at sisimplihang gayahin ang kanyang pag-ikot ng napakabilis (transformation) .... Na kahit mangamatay na ako sa hilo at kakaikot na parang trumpo sa bilis eh deads lang....




Pero sino nga ba ang maniniwala na ang sikat na Wonder Woman tv series (1975-1979) eh nagmula lamang sa isang nakakatuwa at nakakalokong parody?

 
Heto ang link mga wonder kids.
www.youtube.com/watch?v=-tKZJVhn7M4 








  

29 comments:

  1. nyahahaha umamin ka nag mamadali kang kumain para lang makapanood nito noh? ahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman.. as in hindi na ako kumakain pag nakasalang na si wonder woman sa tv.. i remeber RPN 9 pa ang amy hawak ng rights nyan noong panahon ko.. lols

      Delete
    2. nyahaha kasabayan nito ang charlie's angel di ba? lokaret ka ahaha.

      Delete
  2. ang kulet nung special effects nyan haha. old skul!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naabutan mo ba yang show na yan fiel?
      :)

      Delete
    2. hmm parang oo yata. di ko na matandaan haha.

      ang natatandaan kong pinapanood ko ng madalas dati sa RPN 9 is ung McGyver. peyborit namin ng kuya ko yan.

      Delete
    3. nyahahaha naalala ko yang McGyver na yan ang astig nya kaya sa series na yun parang jumi-james bond lang ahaha.

      Delete
    4. chreeeeeeeeeeeeeeewww!!! magkakasunod yang wonder woman, mcGAYver saka si Night rider sa rpn 9...

      pakenambits hongtondo ko naaaa!!!!!

      Delete
  3. Hang sexy naman kasi ni wonderwoman. Idol na idol

    ReplyDelete
    Replies
    1. super pretty!! parang barbie doll lang di ba?
      so divine!!!
      :3

      Delete
  4. hahahaha... salamat at mas nakilala ko si wonder woman dahil sa post na ito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi mo rin ba naabutan ang show ng twin sister mo senyor?
      :)

      Delete
  5. ahaha kulet ng post na to! anyway kung di ako nagkakamali miss universe usa yang taartits na yan diba?
    mas gusto ko pa din si darna hahaha

    ui diba mgakak movie yan naun, at si megan foxx ang gaganap!
    kinukumpleto na nila ata ung justice league naiigit sila sa sucess ng avenger ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. big time beauty queen si Lynda carter!!!

      honestly hindi ko bet si megan fox as wonder woman....
      medyo mahalay kasi si megan.. sexy yet sobrang malicious.. unlike Lynda na sexy pero hindi mo na iisipin ang pagiging sexy nya kasi super fit na kanya ang wonder woman role..
      :)

      Delete
  6. aware ako sa kanyang existence, pero di ko sya naabutan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. sayang naman..... if you have time try mong panoorin kahit sa youtube lang?
      :)

      Delete
  7. nakakagalit ang waistline! hahha.. natawa ko dun sa tatakbo sa kwarto at iikot hanggang mahilo..lols.. adik lang? lol...

    ReplyDelete
    Replies
    1. meym try mo din yung ikot-ikot na yan.... mas dinaig mo pa ang suminghot ng tiyabu sa sobrang hilo at sobrang bangag.. literal na natural high!!!
      *bearhugs*

      Delete
  8. Kaloka yung wonder bra. Di ko alam na may powers pala yan haha.. pero alam ko naman kung saan nagmula siya... yung bago ngayon, yung Superwoman nakapanty na pula lang talaga na ubod ng nipis.. di ba nila naisip na maraming bata ung nanonood at nagbabasa? Tsk. Share lang hehe ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. i agree!
      parang cross-over ng maria ozawa-wonder woman ang peg?
      lols

      Delete
  9. hahahaa, epic na epic ito! naalala ko talaga yung invisible jet! :D nakilala ko siya kasi siya yung ikot ng ikot kapag nagiging super hero

    ReplyDelete
    Replies
    1. tonton ayaw mo yung wonder split?
      nyahahahaha.

      Delete
  10. PAkshet! hahahah..tawang tawa ako sa invinsible plane.. hahaha..
    ka awkward ng lumilipad ka ng naka seating atyle..hahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. bet mo kuya june pagpunta natin ng batanes if ever invisible jet ang sakyan natin?
      :)

      Delete
    2. Ewan ko sau nutty! mag lalakad na lang ako..hahahaha

      Delete
  11. hahahaha...this made my day talaga....ang ganda ng lola mong tinutulak ung bato ha?....oist, pero in fairness in na ung high waist ha?..hehehehe ang dami kong tawa!


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. need kong maachieve yung ganyang peg, pak na pak sa summer!
      more balingkinitan more fun!
      lols

      Delete
  12. Hahaha. Dami kong tawa. Bentang benta sakin ang intro mo. haha

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~