Tuesday, March 19, 2013

Iskolar.... isKulang?

Nais ko pong pasalamatan ng buong pusong bato ang isa sa pinaka astig na mentors ko sa pagbablog (hindi nya alam na mentor ko sya.. hehehehe) na talagang hinangaan ko at iniidolo. Hindi ko inakala na mapapadaan sya sa aking peanut butter room... Maraming maraming salamat po sa kyot na kyot at umaapaw sa fats and charms na si  Sir Mots ng Teacher's Pwet ....
( http://motsmots.blogspot.com/ )

*bear hugs*

______________________________








Isang nakakalungkot na balita ang umiikot ngayon sa apat na sulok ng bawat unibersidad.... nariyan ang kabi-kabilang pag wowalk out ng mga estudyante sa kanilang mga klase, mga protesta at iba't-ibang pakikipagdiskusyunan sa mga opisyal ng mga institusyon sanhi ng isang "aksidente" na nag-udyok sa isang iskolar ng bayan na magpakamatay dahil sa kawalan (or kakulangan?) ng pangbayad ng matrikula.





" Ang edukasyon ay isang karapatan at hindi isang pribilehiyo"....





 Isa sa mga kasabihang nagpamulat sa akin mula sa unang araw ng aking pagtungtong sa paaralan.

 
Iskolar.
Masasabing angat  sa pangkaraniwang kaisipan ang taglay mong talino ngunit hanggang saan?
Sa akademiya lamang ba nasusukat ang pagiging isang matalino? Ang pakikipagtalastasan ba sa iyong mga propesor ay pasaporte na upang maipagyabang sa buong mundo na ngumangata ka ng libro at nag-aalmusal ng diyaryo bunga ng bawat grado mong uno?
 

Iskolar ka ngang matatawag dahil kinupkop ka ng isang institusyon na nangangalaga, humubog at naglinang ng iyong angking kakayahan, sampu ng kapwa mo iskolar ng bayan ngunit matatawag bang "katalinuhan" ang isang hakbang na tatapos sa iyong mga pangarap?


IsKulang.
Kung sa loob pa lamang ng institusyon ay karuwagan at kahinaan na ng loob ang iyong taglay , kahit sabihin pang sampung libong kilay na ang nasunog mo sa pagbabasa ng bawat libro sa silid-aklatan, ay isang ilusyon lamang ang sabihing ikaw ay isang matalino.... Hindi angkop na tawagin kang iskolar.
Dahil ang tunay na pakikibaka sa buhay ay nag-uumpisa hindi lamang sa pagtanggap ng diploma.







Ako man ay biktima rin ng kahirapan... naranasan ko ring gumawa at magpapirma ng promissory note(s) kada semestre sa panahon ng aking pag-aaral sa kolehiyo.... At aminado akong dahil na rin sa kahirapang iyon ay hindi ko natapos ang aking karera... Ngunit hindi ako nagpatalo sa dagok ng kahirapan.... Pinilit kong maabot at pagsikapan kung anong posisyon meron ako sa ngayon... wala man akong maipagmamalaking diploma ngunit sapat na para sa akin na maitaguyod ko ang aking pamilya. Hindi ako iskolar... at lalong hindi ako matalino... ngunit masasabi kong hindi ako duwag na humarap sa tunay na hamon ng buhay.

Maaring maraming dahilan sa bawat kaganapan... Hindi natin alam kung alin sa mga dahilang iyon ang totoo. Ngunit para sa akin, isang kabaliwan at kahunghangan ang pagkitil sa sariling buhay dahil lamang sa isang sitwasyong kagipitan bunga ng kahirapan.
Nakapanghihinayang na isipin na ang isang munting pangarap ng isang simpleng pamilya ay natapos lamang sa ganoong paraan. 

Pero sino nga ba ang dapat sisihin? 

Ang institusyon na "nagdamot" sa iyong karapatan?

O ikaw mismo na hindi ipinaglaban kung hanggang saan susubukin ang iyong katatagan?





                               




                            

7 comments:

  1. Ako man ay sangayon sa punto de vista mo... di nga sagot ang pag kitil ng buhay mo sa suliranin mo... Nasaan ang talino mo kung dito lang naman hahantong ang pangarap mo. Napaka makasarili mo dahil ang iniisip mo lang ay ang sarili mo...

    Maraming paraan para makamit at mabigyan ang solusyon ang problema mo, kung talagang determinado kang tapusin ang pag aaral mo gagawa ka ng paraan para makuha mo ito..

    Ang pagkuha ng sarili mong buhay ay di langing solusyon sa suliranin..

    ReplyDelete
  2. Itigil na siguro ang sisihan kung sino ang dapat managot sa pagpapakamatay ng estudyanteng iyon, hindi natin alam kung ano ang kanyang mga naiisip, saloobin at pinagdadaanan kaya mabuti pa ay unawain natin at magsilbi sanang aral ito na hindi sagot ang pagpapakamatay sa mga problemang hindi masolusyunan. Maging ang pangyayaring ito sana ay maging bukas sa mga magulang na alamin ang pinagdadaanan ng kanilang mga anak, upang sa ganun na rin ay maiwasan ang mga ganitong insidente.

    ReplyDelete
  3. sabagay may point ka...

    pero di ko rin masisisi kung nagpakamatay ang isang tao - minsan kasi dahil sa depression di natin nalalabanan ang pagsubok...

    Hindi naman lahat ng tao matatag at kayang lumaban... minsan nakakagawa sila ng di tama malampasan lamang ang problema... isa na diyan ang pagpapakamatay... kung walang dahilan walang magpapakamatay...

    ReplyDelete
  4. Gusto ko ang mga punto de vista na iyong nais ibahagi maliban sa... FONT ng iyong blog... Parang minamasaker niya ang aking mga mata... hehehehe

    I had to 'copy and paste' sa word para mas manamnam ko ang lahat...

    ReplyDelete
  5. haha agree ako kay senyor mejo napalayo ako sa monitor ko haha
    anyways agree naman ako kay anthony
    walang maidudulot na maganda ang pagkitil ng buhay bagkus ay magkakasala ka lang sa diyos,
    hmm pero aminin man natin at hindi madame naman talagang kakulangan sa mga paaralan na nagmimistulan ng business para sa ilan
    sayang lang ang buhay nya nawa ee kahit pano mamulat ang ilan at tumulong di dahil eleksyon lamang kundi dahil ito ang nararapat

    ReplyDelete
  6. tama ka... hindi sagot ang pagpapakamatay sa problema mo...
    Maraming maganda at malinis na paraan kang magagawa para masolusyonan ang problema.. nakapang hihinayang

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~