Friday, April 12, 2013

Après moi, le déluge




Sa bawat paghitit, ibayong ligaya ang nakakamit
Parang ayokong ibuga, nais kulungin sa aking dibdib
Lunas ka sa bawat minutong walang kasiguraduhan
Dahil sa yo lahat ng pagdurusa'y nalilimutan.



Milyong tinig ang nagsasabing
Ika'y isang traydor sa kumakatok sa dilim
Papatayin ang katawan ng dahan-dahan
Walang siglang ititira
Kikit'lin ang iyong tanglaw at pag-asa


Tulad ng iyong puting usok
Kapayapaan ko'y naaarok
Walang sawa kang aasamin
Sa init mo gumagaan ang aking damdamin.

Sa aking pag-iisa

Ikaw lamang ang lagi kong kasama
Daig mo pa ang isang payaso
Pilit ngumingiti kahit hindi totoo.


Ikaw ang buhay at kamatayan ko
Ang umpisa at wakas ng pagkaliyo
Walang pagsisising ika'y aking kakanlungin

Kung sa bawat upos mo'y tagumpay ang ililibing.

Misteryo ka sa tayog mong taglay
Sa iyong mga abo nais kong humimlay
Walang pagdadalawang isip kong tatanggapin
Na ako'y isang manhid na alipin.

Iiwanan kita
Nang isang librang lungkot
At isang gusing saya

Dahil sa araw ng aking pagpanaw
Di ko na pakikialaman ang bawat mong galaw.









13 comments:

  1. :D matula ka ngayon ha... chumasera ka.

    ReplyDelete
  2. Makata mode ka today. Galing galing.

    ReplyDelete
  3. Yosi Kadiri!!! XD

    Nagawan talaga ng tula ang yosi. Nice!

    Anyare Nutty? nagiging poetic ka lately ah :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahihihi.... same old nutty pa rin naman ako eh....
      basta... basta...

      *bear hugs*

      Delete
  4. ang panata ng mga yosi boys and girls!
    hahaha nakakalunod sa lalim ng tagalog ahh

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya mecoy pwede na bang mag scuba diving sa sobrang lalim?
      :)

      Delete
  5. I like how poetry works here even if the post is about a thing I dislike the most. I hate cigarettes and hate more the act of those who engage in making it a habit. Let me put it clear - THE ACT and not the person that I hate.

    Being an advocate for a smoke free Philippines, it's like a nemesis in my eyes everytime I see people smoking. It is because, it is the second hand smokers- the passive ones who are greatly affected as compared to the person doing it - study says.

    But poetry wise, ang galing ng pagkakagawa ng poem. Very poignant and the choices of words fit the description one has to have about cigarettes.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks po daddy Jay sa mga comments about me doing poetry...
      dont worry dad, i'll post more of them if ever gumana ulit ang poetic side of me?
      :)

      Delete
  6. Your writing reminds me of Imago's lyrics. Ang galing ng pagkasulat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Miss M thanks sa pag-atake.... Yung post ko na IDLIP was inspired by one of Imago's songs... obviously with the same title...
      :)

      Delete
  7. galing ng pagkakasulat :) hihihi. clap clap. bow!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tengs tengs din jess.... try ko ding magpost ng mga sketches ko... ahahaha....
      umaartsy na naman ang peg ko nyan eh..
      :)

      Delete

~MEMA-SABI-LANG~