Thanks po ke Miss Marge ng Coffeehan ( http://coffeehan.blogspot.com/ ) at napakape ka sa aking peanut butter room..... Chillax lang Miss M...
*bear hugs*
Sabado.... Maaga akong bumangon dahil alam kong parating si Rix sa aking kwadra para kunin ang ilang parapernalyas na gagamitin sa event ng PBO that day. Kape+yosi+kanta ni Imelda papin ang kaniig ko ng umagang yon ng ilang saglit pa ay dumating na ang aking bwisita. Chika chika ng konti then prepare na para tumambling sa meeting place (Starmall) that morning. Wala akong planong sumama dahil ninong ako ng isang binyag the following day. At dahil napagdesisyunan ni Rix ang buhay ko eh "napilitan" akong sumama sa outreach.
Text text din ako sa duwa ko pang friends na sina Kelly & Toshi na magjoin na at kumandirit paputang Starmall, bet din daw kasi nilang maexperience ang feeling kung anong meron sa mga ganireng outreach programs.
Starmall. Unti-unti ng nagsisidatingan ang ilang officers ng PBO. Sulpot dito sulpot doon ang pagbulaga ng ibang members. Again chika chika ng very lite habang naghihintay ng inarkilang jeep at iba pang members na gustong sumama.
Past 10am na ata nung nag-umpisa kaming bumiyahe papuntang Laguna.... Kanya kanyang pwesto... Kwentuhan, tawanan, kudaan at may NATUTULOG? lols
Medyo naligaw pa kami ng very lite papunta sa venue sa Laguna na halos baligtarin ko na ang suot kong 36D size na bra at panty from VS dahil according sa mga kasabihan na kung naliligaw ka eh kelangan mong baligtarin ang suot mo para makarating ka sa tamang paroroonan mo. Minsan daw kasi mapaglaro ang mga friends kong engkanto kaya malakas ang trip nilang iligaw ka or worst pakainin ka ng itim na bigas at dalhin sa mundo nila at wala ka ng chance makabalik pa sa mundo ng realidad.
Salamat na lamang kay manong driver dahil sa ilang kadyot, urong-sulong at giling sa manibela eh nakarating kami sa aming destination.
So gora naman kami sa pinaka receieveing area ng Bahay ni Maria at sya naman ang biglang sumalubong sa amin....
CHAROT LEMENG!!!
Siya po ang talagang nag-entertain sa amin. Ang napakabait (pero may pagka sadista ng mild) na si Sister Evelyn!!!!
(Ayan po si Sister kajoin ang gelay na pinag-aagawan nina Kuya Mar and Kuya Mecoy... si ate Rina)
Sa receieving area palang eh may duwang thunders na nakawheel chair ang sumalubong sa amin (may karera ata sila?) na medyo kumurot sa sipit-sipitan ko. According to Sister Evelyn hindi daw sila pwedeng mahiga sa kama kasi nagkaka-bedsores daw sila kaya ang duwang thunders eh nag-enjoy na lang sa wheel chair. Nilapitan ko ang isa sa mga thunders, si lola Emelia na akala ko eh makakasundo ko at maaalagaan ko kahit sa limitadong sandali lamang. Ngunit sumuko ako kay lola dahil sobrang emo nya. I mean lahat naman ng lola sa Bahay ni Maria eh medyo emo pero hindi katulad ng pagkaka-emo ni lola Emelia. Ako pa naman eh masayahing bata so ang gusto ko sana eh yung masayahing lola din ang aalagaan ko.
SEE? sobrang emo ni lola Emelia di ba? wala akong dalang black eyeliner that day lola... kung nagkataon.. naku.... isasabak kita sa emo-convention....
Finally, nahanap ko rin ang perfect lola for me... during feeding program eh talagang ako mismo ang lumapit at nag-assist ke lola para kumain.....
Meet lola Binay!!!!
Pansin nyo yung japan-japan sign ni lola B sa piksyur? Isa sa mga dahilan kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya.... kasi pati pagpose sa camera eh talaga namang parang ako lang na Alodia at si Lola Binay ang Myrtle. So cosplay ang labanan naming duwa.
Habang pinapakain ko si lola B eh nagkaroon kami ng very funny kwentuhan. Anything na pwede naming mapagkwentuhan pero nilimitahan ko ang aking sarili na magtanong about her family. Dahil ayokong masira ang good vibes between me & lola B so iwas muna sa mga kudaang pampamilya.
FACTS ABOUT LOLA B:
NAME: GAVINA "BINAY" S. ANG (yes, lahing chinese ang lola mo)
BIRTH DATE: FEBRUARY 19, 1925
AGE: 88 years old
PLACE OF ORIGIN: Calamba, Laguna
FAVORITE COLOR: Green
FAVORITE ACTRESS: KIM CHIU
SPECIAL POWER(S):
Lola B possesses a "phasing" ability that allows her and objects or people with which she is in contact to become intangible. This power also disrupts any electrical field she passes through, and lets her simulate levitation.
Ewan ko ba kung nadala ako sa kwentuhan namin ni lola B or talagang gutom lang sya kasi tinalakan pa ako na ang bagal ko daw magsubo ng pansit.????
ahihihi....
Sobrang aliw ako kasi naubos ni lola B yung isang bowl ng pancit.... at hindi din nya talaga pinatawad ang siopao....
After ng feeding program eh nagkaroon ng munting palabas ang ilang members ng BnM bilang pasasalamat sa aming pagbisita, naghandog ng ilang mga kanta at sayaw ang nag-iisang diva ng Bahay ni Maria na walang iba kung di si ate Rina
(ang dahilan kung bakit nabuo ang Kuya Mar-Rina-Kuya Mecoy love triangle)
Nagkaroon din ng pagbibigay ng gifts para sa mga thunders na ikinatuwa nila kabilang na si lola B.... dito ko nalaman na green din ang favorite color nya dahil talaga namang nirequest nya na green ang mapunta sa kanyang gift bag.
At active din ang lola mo sa photo op...sight nyo si lola B at ang kanyang japan-japan sign. wahahahahahaha.
Hinding hindi ko malilimutan ang isa sa mga pinakamagandang experiences na ito ng buhay ko dulot ng Bahay ni Maria lalong lalo na ang aral ng buhay sa likod ng mga masasayang mata at labi ni lola Binay. Lahat ng minutong inilagi ko sa piling nila eh idanadaan ko lamang sa simpleng pangungulit at pagpapatawa pero deep inside.... kinikimkim ko ang lungkot.. pati na rin ang luha para sa kanila. Lungkot dahil kung tutuusin ang iba sa kanila ay may masasabi pa namang pamilya na siyang dapat kumalinga at mag-aruga sa kanila... Luha dahil ako bilang tao eh hinding hindi ko maatim na ipasa sa ibang kamay ang responsibilidad ko bilang anak/apo. Hanggang sa huling sandali ng aming pananatili, hindi ko mapigilang mapaluha para kay lola Binay. Mabigat ang katawan kong kumilos dahil alam namin na hudyat na iyon ng pamamaalam (pansamantala) namin sa isa't-isa. Mahigpit kong niyakap si lola Binay sabay ng pagpatak ng aking luha na hindi ko na napigilang pumiglas. Kasabay ng yakap pagmamahal na iyon ay ang isang munting bulong-pangako kay lola B na ako/kami ay muling babalik isa sa mga araw na ito sa Bahay ni Maria upang sila'y muling pasayahin sa kahit napakapayak na paraan... Mahandugan at mapagdamutan ng konting oras at pagmamahal dahil ika nga ni sister Evelyn na ang mga lola sa bahay na iyon ay maituturing na nating mga nanay. Totoong maari kang magkaroon ng ilang daang anak, ngunit iisa lang ang maari mong maging Ina.
Lola Binay maraming maraming salamat po sa yo sampu ng iba pang lola sa Bahay ni Maria at ako man lola B ay umaasa na sana mapanghawakan natin ang sumpaan nating 2 na kelangan mong umabot ng 120 years para madalaw pa namin kayo kahit paminsan. Ipinagdarasal ko na sana ipagdamot pa ng panahon ang ating munting hiling na tayo'y muling magkita. Dahil sa totoong buhay, ako ang dapat at higit na magpasalamat sa iyo Lola B.
Hanggang sa muling pagkikita Lola Binay!
Isang may kurot sa takulap ng mata na post..
ReplyDeleteAkala ko ang special ability ni Lola B is ang magtransform ng Alodia :D
Nakakatuwa ang experience with them..
expired na daw yung transformation powers nya.. ahehehehehe...
ReplyDeleteHahaha! at choosy ka pa pala sa Lola!
ReplyDeleteSo yun pala ang bagong pag ibig ni kuya Mar! Hahahaha!
oo naman pao.... eh sabi ko nga ayoko ng ma-emo.... gusto ko yung fun lola... yung chill chill lola ganyan....
ReplyDelete:)
awww... kakatatsnaman... mamimis ka ni lola B!!!
ReplyDeletesana nga matandaan nya pa ako pagbalik natin dun?
Delete:)
ang bongga at sweet ng prfole mo about Lola Binay. Kaano ano kaya nya si Mayor Binay ano? Chos!
ReplyDeleteThanks te sa pag sama kahit may ninang duties ka. Glad to know you had a great experience! Thanks din pala kina Kelly and Toshi, pakisabi :) Til next outreach, mga boys between 18 to 24 naman ang tutulungan natin, char! :)
18-24 years old kuya zai? baka 3 ang mai-take home ko nyan!
Deleteahihihiihi
Ang sweet mo naman Nutty! Salamat sa pagbahagi ng saya sa mga lolas. :)
ReplyDeletesalamat din sa ating lahat kuya empi at sa lahat ng sumuporta sa event...
DeleteCONGRATS PBO!
*bear hugs*
dear erin,
ReplyDeleteuna sa lahat hindi ata alam ng mga engkanto ano ang VS at kahit anong baliktad sa sosyal mong vs lingerie na yan, waley pakialam ang engkanto lol (kumontra tlaga eh ano hahaha)
oh well, on a serious note, i am so proud sa inyong lahat sa success ng pbo, ang swerte nio kasi nagkaron kau ng pagkakataon na mabigyan ngiti at saya ang mga lola.
at un pala ang love team na yan ni koyah mar!! why not! gora na!! hehehe =) si koyah mar ang narinig kong pakipot ha! in fairness hahaha lol
summer kasi kaya VS lang talaga ang suot ko that day... Charot!
Deleteso saang team ka?
Team kuya Mar+ate Rina or Team Kuya mecoy+ate Rina?
:)
At nakakuha kapa ng fact about lola B. hehe
ReplyDeletekorek... ang dami pa ngang info about lola B... hindi ko na inilagay kasi baka mahiya si Maria Ozawa...
DeleteGusto ko makilala yang si Sister sadista. mukang magkakasundo kami. Buti naman at naenjoy mo ang day kahit na "napilitan" ka lang.
ReplyDeleteeeeeeeeeeeeeeeeeee.... hindi naman ako napilitan lang... nataon lang na biglang sumingit yung binyagang event.
Deletenaku kuya Cy wala ng tatalo pa sa pagiging sadista ni Sister Evelyn...
nyahahahaha
haha ginawa mo namang xmen si lola! haha
ReplyDeleteat my love triangle pa nga! baka sabihin ni sir Mar sakin "una syang nagin akin!"
haha
anyway ako din sobra maiiyak na ko kay lola olen buti na lang ipinatugtog ung gangnam
hays till now nalulungkot ako pag naiisip ko
kuya Mecoy hindi ko alam kung kaninong team ako?
Deleteahihihihi
nagulat naman ako sa picture ng sumalubong hehehe kala ko un talaga hahaha
ReplyDeletekaka touch naman.. pero parang nalulungkot ako nang makita ko si lola... naisip ko sana may pamilya pa siya...
Congrats sa inyong lahat! Kailan kaya ako makakasali....
may love triangle pa lang nagaganap hehehe
may konting kiring taglay kasi yang si ate Rina.. salawahan... una si kuya Mar ang crush nya tapos naging si Kuya Mecoy....
Deletemay scarcity ata ng lalaki sa laguna?
hehehehe
kami din kuya Jon sana someday makasama ka na namin para may penguin na mascot ang PBO.
*joke lang po*
:)
waaaaaah galing ni nutty .... i miss lola too pero namiss ko mga eksena mo
ReplyDeletenamiss ko din yung red summer outfit mo loko ka!!!
Deletewahahahahaha
Eto totoo na to, I was trying to comment here using my phone kaso nawawala lang yung message ko for reasons unknown, nakakaloka.
ReplyDeleteAnyway, sayang di ako nagkaroon ng lolang inalagaan. Nagkaroon kasi ng shortage ng lola, shortage talaga haha... Actually, hindi na lang ako nakasingit kasi nung namigay tayong food yung mga kabataan ng kabilang grupo umeksena sa pagpapakain. Hiyang-hiya naman ako sa kanila so ayun, wala tuloy akong lola.
Nakakatuwa naman tong post mo about Lola B. Ang saya ng bonding nyo at mukha namang napasaya mo siya in your own little way. Sana matupad ang wish mo umabot siyang 120 years old para mabisita mo pa siya ulit. Sana nga makabalik din tayo dun no para mapasaya ulit sila.
Miss M ako kaya yung panghuling lola sa Bahay ni Maria... sana ako na lang pinakain mo ng pancit and nung siopao...
Delete:)
I'm pretty sure na babalik tayo dun Miss M....
See you soon.. :)
Wahahaha, ang kulet mo talagang mag lahad ng mga kaganapan sa bahay ni maria, Erin lols
ReplyDelete36D size na bra at panty from VS --> di ako maka get over jan nyahahaha!
at yung mga bumati sa inyong receptionist - Maria Ozawa at Isabel Lopez lols
Natawa din ako dun sa profile ni Lola Binay at may super powers pa talaga sya ha? :D
Gujab to you Erin at sa lahat ng PBOer's!!!
mas masaya sana yun kung kajoin ka fiel....
Deletesa susunod ne, dapat kasama ka na namin...
:)
I really missed this event. Saya ng mga kuwento mo. Nakakatouch din. Happy to be a part of PBO too;)
ReplyDeleteButi na lang, i work in a nursing home here at there are lot if things I can show kindness too like you all did. Bless you all!
maraming maraming salamat din po sa tulong nyo Mommy Joy kasi kahit malayo kayo talagang inilapit nyo ang puso nyo sa event na ito....
Deletesana po hindi kayo magsawang tumulong...
God bless you Mommy J!
Hahaha natawa ako sa kwadra.. You never fail to make me laugh. Ako lang ba natulog Nutty!!??? hahahah.. yung katabi ko tulog din oh!
ReplyDeleteHahahaha... totoo, ma EMO si Lola Emelia. Pero I kinda feel sad for them na di sila paede mahiga :"(
Tawa nanaman ako sa special power? hahaha, jkaya nya yun? wow!
The last words.. It was the best words I read from your blog.. nakakataas balahibo Nut..
kuya June alam mo yung feeling ng habang tinitipa mo yung bawat letra sa entry na ito eh nangingilid ang luha mo?
Delete:)
ang masasabi ko lang eh tuwang tuwa ako sa inyo ni lola B!
ReplyDeletemiss A tandem kaya tayo ke lola b... ahehehehe
DeleteHahahahahahah. Ang cute ng blog :)
ReplyDeleteHahahahahahah. Ang cute ng blog :)
ReplyDeleteahihihi.. salamat Miss Mell..
ReplyDelete:)