Wednesday, April 24, 2013

Happy Emptiness









"I missed you so much."







How would you react if you received a text message like this from your ex (bf/gf)?

 
A. mapapabalikwas ka sa higaan dahil sa sobrang gulat
B. kung kumakain ka naman eh bigla kang masasamid or ibubuga ang nginunguya         
     mong kanin+kare-kare sa pezlak ng kaharap mong agent during lunch
C. maiihi sa sobrang excitement
D. iikot ang ulo ng 360 degrees ala Linda Blair
E. matutulala+speechless+biglang tutulo ang luha mo sa kaliwang mata technique na  
    natutunan mo sa Judy ann Santos' School of Acting
F. magiging bayolente at biglang kukuyugin mo ang iyong housemate na natutunan mo 
    naman sa Tulfo Brothers' School of Bullying & Self Defense
G. sasayaw ng Gentleman+Gangnam style combo ni Psy
H. all of the above

 



"I missed you so much."


Well, probably one of the most outrageously over-used/misleading lines you can hear from your ex (bf/gf) in the history of lying, next to the grand mother of all lies (insert Gloria Arroyo here) I guess? You personally experienced it right? You heard it for like gazillion times? And still andun pa din yung kilig? The excitement? The chills and butterflies in your stomach?

It's kinda normal to react that way, syempre ikaw naman si tanga eh umaasa na somehow "talaga" nga namang namiss ka nya? Na importante ka pa rin sa kanya sa paraang gusto mo? Pwede naman sigurong wala lang syang makausap/makatext? Or sinusulit lang nya ang kanyang unli? Or worst GM/PM pala si ex? Problem is, masyado kang assumera. 

May mga pagkakataon pang invited ka ni ex for dinner, watch ng movie, gumimik at mag bar hopping or kahit simpleng coffee lang. Ikaw naman si assumera eh go lang ng go dahil binibigyan mo ng chance ang sarili mo na baka.... baka lang naman na magkabalikan pa kayo?

How many times na ba akong naging victim ng ganitong eksena? Gazillion times na din ata?
Kaya nga ngayon pag nakakareceieve ako ng ganyang message from my ex(s)  eh hindi ko na pinapatulan. Sometimes it's better not to expect something too much from your ex's nonsensical messages. Patola ka din naman kasi paminsan eh noh? Note that ang patola eh masarap lang isahog sa miswa.


Minsan mas mainam pa kung medyo magpapaka "lonely" ka na muna. Stay away from your ex's shadow. Yung tipong "me, myself & I" ang peg. Tamang feeling mo eh ikaw lang ang tao sa mundo at ang iniintindi mo lang talaga eh ang sarili mo. Solo flight sa pagkain, watching movie alone, gimmick sa bar without your friends  or having coffee+yosi+book sa favorite mong coffee shop just to spend the whole night..........ALONE. 

'Coz for me... mas napifeel ko ang happiness when I'm with emptiness. May mangyari mang hindi maganda sa mga ginagawa mo eh walang ibang dapat sisihin dahil ginawa mo 'yon ng wala kang ka-tandem. At kung maging masaya ka naman sa isang pangyayari sa buhay mo, wala kang dapat pasalamatan kundi ang sarili mo lang din naman. Not your family, your friends, relatives nor your kapit-bahay. And totally not even your ex.

Sometimes we tend not to see the beauty of emptiness. Masyado kasi tayong nagiging dependent sa mga taong nakapalibot sa atin lalo na sa ex(s) natin. Yes, it's very relieving naman talaga to hear some advices from your friends or even kay ex everytime na may problem ka. Pero itry mo din naman munang gawing friend ang sarili mo? Di ba wala namang ibang unang tutulong sa yo kung 'di ang sarili mo mismo?




Funny 'coz you might caught me talking to myself often times. Akala nga ng mga friends ko eh nababaliw na ako? Nalipasan ng gutom? Nakadroga? Walang tulog+heynguber combo? Or kausap ko na naman ang aking imaginary bf (insert Alden Richards here) kasi nga madalas nila akong nahuhuling nagsasalitang mag-isa.  Pag nakita mo akong nasa ganung scenario eh malamang sa malamang nasa EMPTINESS Zone ako.
 
Very relaxing ang feeling once na napag-aralan mo ang "The Art of Emptiness". Yung feeling na isa kang malayang ibon na sumasabay sa ihip ng hangin sa kalawakan. Basta lipad lang ng lipad. Yung totoong calmness and peace of mind. Yung hindi mo iniisip kung ano ang sasabihin ng iba.Yung hindi mo iniisip kung anong nangyayari sa buhay ni ex. Na tanging sariling galaw lang ng oras ng iyong sariling mundo ang nararamdaman mo.




Being empty is not a big deal 'coz sometimes, Happiness can be found through Emptiness.










14 comments:

  1. emotera lang ang peg? hahahha imissed u so much!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tseeeeeeeeeeeeeeee ka josh wag ka magulo!!!! mishu mishu murmur!!! ahahahaha

      Delete
  2. The Art of Emptiness pala tawag doon. Now I know.

    ReplyDelete
  3. Emotion overload ang post na eto hehehe?

    Pero quite bothered lang ako sa pinakahuling statement mo. That sometimes happiness can be found through emptiness? I don't get it hehe. How can the empty you become happy? Sorry po, di ko lang talaga ma gets hehe

    ReplyDelete
  4. haha A, B, C, siguro ung akin haha di naman dahil may something pa
    kasi rare lang mangyari sakin haha happy na ko sa current ko ee

    ReplyDelete
  5. astig naman ni kuya mecoy..... don't worry.. maghihiwalay din kayo ni current... at pag nangyari yun... D, E, F, G na ang pipiliin mo... ahahahahaha...

    *chareeeeeeng*

    ReplyDelete
  6. Letter A.. pero mapapaisip ako..namimiss niya lang ba ako kasi wala sa kanyang nag papasaya ngayon o break na sila na syota niya..

    ReplyDelete
  7. eh baka nga namiss ka lang nya talaga?
    :)

    ReplyDelete
  8. Nagsawa na ata ako sa Art of Emptiness..nagiging malulungkutin ako lately. Hindi ko alam kung bakit baka hormones lang ito ...

    OO nga naman baka talagang miss ka na nya o baka magrerequest sya na send mo sya ng extra life sa candy crush :P
    Hirap ng ganun pag nakakapag move on ka na tapos bubulabugin ka pa

    ReplyDelete
  9. ahahaha... miss G eh kung itext ka ni ex tapos mangungutang lang pala?
    :)

    ReplyDelete
  10. eh gawain ko din din yan dati sa ex ko eh..tinitext ko na namimiss ko na sya eh deadma naman ako..haha buti na lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. keri na yan teh arline.. may bowa ka na namang ngayon eh.. ahihihi
      in love ang peg ni ate oh!

      Delete

~MEMA-SABI-LANG~