Thursday, April 11, 2013
Idlip
Sa pagitan ng gunita at masasayang ala-ala
Nais kong matulog na kapiling ka
Hindi inda ang hapding dulot ng katahimikan ng gabi
Kung sa bawat yakap mo ako'y magkukubli.
Ang iyong bawat galaw, babantayan ko
Masiguro lang na idinuduyan ka ng mga anghel sa panaginip mo
Sa pagpikit ng iyong mga pagal na mata
Nais kong makita sa iyong mga labi ang ligaya.... isa pa.
Ngunit papaano kung sa bawat pagtulog ay hindi na ako masaya
Ipipilit mo pa ba?
Papaano kung sa bawat yakap mo'y wala ng init na nadarama
Pipiglas ka ba?
Nasanay ka sa aking anino
Kahit saang sulok ng iyong buhay naroon ako
Ngayon ako naman ang hihiling
Sana'y isang bangungot ang sa akin ay ituring.
Hindi ako ang nagkulang, hindi ako ang nagkamali.
Ipinadama ko ang panlalamig sa likod ng bawat paghikbi
Kinailangan kong gumising, kailangan kong tanggapin
Dahil ang idlip ay hindi kailaman makapagpapahimbing.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
si battan ba ito? mukang related dito ang nabasa ko... isang awts lang ang masasabi ko... i feel for you :D
ReplyDeletetugtugan na:
Tuyo ng damdamnin
Ay baket biglang kumambyo ka Nutty sa ma emo na tula? Anyare??? :D
ReplyDeleteItagay na yan! :D
ReplyDeleteGaleng mo naman! Namiss ko ng maka-buo ng tula, ano ba tong utak ko parang season, paiba iba haha
ReplyDeletemagandang tula...parang akma to sa moving on ah...
ReplyDeletetutal yan naman ang kalakaran sa twutur! hehehe
Thumbs ako sa tulang ito.
ang galing... maalam at magaling ka pala sa tulaan... bring out the poet in you! go!
ReplyDeletekakainggit ang mga talento nio sa paggawa ng tula.. pahawa naman ako oh.. hehe..
ReplyDeletemejo intriguing ang tula mo ahh!
ReplyDeletenice nice! galing mo din pala! dameng makatang bloggero nu?
very well written, naiyak ako seriously.. memories I dared not to look at were flashed right in front of me.
ReplyDeleteWhoaah! Isang makata na bihirang magpamalas ng galing sa paghabi ng tula. You should have a poetry corner in your blog like me. Galing! Thumbs up!
ReplyDeleteI love it! At bakit ako naka-relate ng slight, kainis! Hahaha...
ReplyDeleteyun og, pumu-poet. ito pala ang iyong forte. galing ng likha na ito, syete nakakarelate ako T_T
ReplyDeletesalamat sa mga reactions nyo... hehehehe..
ReplyDeletepagpasensiyahan nyo na.. wala naman akong problema ...sabi ko nga may DS ako ngayon....
medyo nagpapractise lang ako gumawa ng tula... ulit....
walang (?) pinaghuhugutan... basta tipa lang ng tipa....
:)
galing! isang napakagandang malayang taludturan :)
ReplyDelete