Monday, April 15, 2013

Ra



Sa pagkakataong ito'y ako naman
Ang lilisan sa mapaglaro mong daan
Masikap kong lalanguyin paibabaw at aahon

Mula sa iyong dagat-luhang dala'y bagsik-alon.

Isa-isa kong sisinupin

Mga butil ng pag-asa na iniwan sa buhangin
Di hahayaang dalampasiga'y umangkin
Ang ligaya't ngiti, ngayo'y panig sa akin.


Ako naman ang siyang magsasara
Nang tarangkahang puno ng pangamba
Ipipinid ng ubod diin
Upang di na muling humulagpos sa hangin.

Tuldok mo at tuldok ko'y iisa
Hahakbang ng dal'wa, walang balak na lingunin pa
Mga masasayang ala-ala'y

Mananatili na lamang sa aking gunita.

Sa pagkakataong ito'y ako naman
Ang siyang sisilip sa liwanag ng umagang araw
Titingalain, damdamhin ang init

Nang pagsibol na sa aki'y ipinagkait.

May bahagi ng pagkasino ko ang sumisigaw
Sigaw na ibig lakas na pumaimbabaw
Bingi ako sa iyong mga luha at impit na hikbi

Ayoko ng magsisi. Ayoko ng magkamali.

Sa pagkakataong ito'y ako naman
Ang magbibigay pamamaalam
Mas nanaisin kong ako na lamang ang masaktan
Kaysa sa pareho tayong dal'wa ang nahihirapan.


Sa pagkakataong ito'y ako naman
Ang hahawak sa laro ng kapalaran
Yayakapin ng mahigpit at di palalampasin
Ang tuwang ipinagkait mo sa akin.









17 comments:

  1. parang mga tula ng pamamaalam lagi at paglayo ang theme ng mga tula mo ah...
    Bakit nga pala RA?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahihihihi.. miss G mas mas naeenjoy ko kasi yung mga ganyang tema.... sabi nga nila mas nakakainspire daw gumawa ng kanta, kwento or tula pag feeling mo emotionally rattled ka... though wala namang akong emotional problems pero ewan ko nga ba? :)

      why "Ra"?
      hhhhmmmmmmmm..... parang gusto kong pahirapang mag-isip si Miss G kung bakit nga ba "Ra" ang title nya?
      ahahahaha

      *bear hugs*

      Delete
  2. True to life? Naku, siguro naghiwalay kau ni Ra? Feeling ko lang tao si Ra! Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hhmmmmmmm..... true to life based sa experience ng kapit-bahay namin mga 3 blocks ganyan..
      :)

      Delete
  3. ouch may lalim na sakit na pinaghuhugutan ahh!
    ahaha at syempre naisip ko din bakit RA intials ba yan?
    haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. eeeeeeeeeeeeeeeeeee.... Miss Genskie, kuya empi at kuya mecoy medyo pahihirapan ko na muna kayong mag-isip kung bakit "Ra"?

      :)

      Delete
  4. May pinaghuhugutan ka Nutty?

    i-tagay na yan!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala naman fiel.. chillax lang ako... naggaganchilyo habang nakikinig sa dzrh.... ahahahaha

      Delete
  5. Ganda naman ng tula... Nadadalas ang ating pagiging makata ah... I love it...

    Parang let me be the one to break it up ang theme... Iba talaga 'pag tula, madaling maipahatid ang damdamin.... Naghuhumiyaw....

    I want more!

    ReplyDelete
  6. at may napansin pa pala ako... bet na bet ko ang bagong bihis na tambayan mo... malinis... pati ang font, mas gusto ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre since ako ang number 2 fan ni sir glenn.... medyo nainspire akong ayusin ang page ko..... hehehehe

      Delete
  7. Bravo Nutty! I love this poem a lot, nanunuot sa damdamin, grabe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tengs tengs Miss M!!!!

      don't worry... try ko pang gumawa ng mga kemeng ganire next time... kaso baka naman maumay kayo?
      ahahahahaha

      Delete
  8. awww damang dama ko ang lungkot ng goodbye na ito :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya president bat may pag goodbye na rin ba?
      sana naman waley pa..
      :)

      Delete
  9. napansin ko lang halos lahat ng posts mo tungkol sa pamamaalam. ang ganda nito, I wish I can write something like this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya mong magcompose ng ganire.... dapat may inspiration ka.. yung medyo masakit at malalim na inspiration?
      try mong tungkabin yung kuko mo sa paa... para mafeel mo yung pain?
      literally????

      ahahahaha.. salamat po sa mga comments..

      *bear hugs*

      Delete

~MEMA-SABI-LANG~