Sunday, April 21, 2013

Gimik!

 Maraming salamat sa mga bagong tambay ng Peanut Butter Room na sina Gerard ng http://gerardcayco.blogspot.com/ , Kuya Jeison ng Skyrpton Jei http://venturerjuan1990.blogspot.com/ at si Shayen.







Good aftee Nutt Heads!!!

Election na naman. I'm sure napifeel nyo na rin ang election fever. Ang walang sawang pagdidikit ng mga posters sa bawat poste, kanto, pader at kung saan-saan pa. Ang makabasag tengang mga jingles na sobrang annoying at paminsan aminin mong nagiging LSS mo na rin. Ang umaapaw na pamumudmod ng pera kapalit ng iyong boto. At syempre ang pinaka powerful tool sa pangangampanya, and campaign ads sa tv. Naaliw ako everytime na napapanood ko ang ilan sa mga ads na ito, yung iba talagang pinag-isipan ang concept while yung iba eh mukhang basta lang makakagawa ng ads. Yung tipong "sure winner naman ako kaya wa pakels ako sa campaign ads ko" or "keber ako dahil mayaman ang angkan ko kaya deads na lang kung matalo ako sa election".

Since bakbakan sa gimik ang labanan ng mga candidates, paglalaruan ko muna ang ilan sa mga nakakatuwang campaign ads na mapapanood sa tv at ilang mga campaign ads na umiikot sa cyber world ngayon.



1. Bam Aquino- mula sa tapat (?)at maka-Diyos(?) na angkan kaya naman ang gimik nya eh ang kanyang pangalan. Sa sobrang hawig nya si Ninoy Aquino, napaisip tuloy ako na baka anak sa labas lang si Noynoy? At talagang si Bam ang tunay na anak ni Ninoy?

























Pero sabi nga nila na ....





























2. Nancy Binay- Ang ina ng Makati na bet maging ina ng senado.... eh INA ka pala!!! 'tong INANG TOH!!!!
Hindi ko alam kung isa ba talaga syang nanay or isang kasambahay? Mukha kasing domestic helper sa Kuwait ang peg ng lola Nancy mo?






And since nanay ang peg nya, eto panuhol nya sa kanyang mga gullible na mga junakis. Ansabe ni Senyora Santibanez?



3. Cynthia Villar- Dahil hanep na ang buhay kung may hanap-buhay? Swear iboboto ko talaga itong si Cynthia kung bibigyan nya ako ng isang unit ng LUXURIA SERIES LA LIQUE house & lot sa Camella Homes Antipolo. Walang second taught. Talagang ibebenta ko ang boto ko.







4. Jamby Madrigal- hindi ata effective yung gimik nya na Juday-look-alike keme kaya naisipan ni pareng Jamby na magpa-andar sa "kanyang" fb fanpage.... More kuda ka lang ng mga corrupt activities ng mga politicians, may chance ka ng manalo ng iPad!
Pero sorry na lang pareng Jamby, hindi ako techie.Mas bet ko pa rin ang LUXURIA SERIES LA LIQUE house & lot sa Camella Homes Antipolo ni mareng Cynthia.







5. Chiz Escudero- ang CHIZy naman ng gimik ni koyang. Since dikit sya sa kanyang gelay na si Heart Evangelista eh more hakot sya ng local taartits. Nagtampo tuloy ako kasi hindi nya man lang ako naalalang tanungin kung bet ko ba syang iendorse?





6. Dick Gordon- OA sa gimik si lolo Dick (ang naughty lang ng naiisip ko everytime na babanggitin yung pangalan nyang Dick....Dick.... ahahahaha... Dick....) kasi naman may pagdawit pa sya sa batang bulilit na walang butas ang puwit. Pati tuloy si Senyora Santibanez eh nahigh-blood sa pakulo ng lolo Dick mo.






7. Grace Poe- kung napanood nyo ang spoof ng kanyang Tv ad sa isang local show eh I'm sure matatawa kayo tulad ng pagtawa ko. Imagine Grace Poe doing JEJEMON Version of her "Tao POE" tv Ad? Pero wala pa ring tatalo sa kuda ni Senyora.....



8. Risa Hontiveros- epic sa akin ang keme ng lola Risa nyo. I love the ube-violet scarf na may magic. Yung tipong iwawasiwas nya lang tapos ekis na ang katiwalian, kurapsyon at kung anu-ano pang kalokohan ng mga public officials. I wonder kung member ng Sigue-sigue or Sputnik itong si lola Risa dahil sanay na sanay syang gumamit ng kanyang scarf. Ganun kasi ang napapanood ko sa movies pag may riot sa Munti, yung maglalagay ng good morning towel sa braso or minsan ginagawa nilang pamitik. Parang ganun ang magic powers ng ube-violet scarf ng lola mo.





At pati na ata mga walang muwang na insekto eh pinatos ni mareng Risa.... Walang patawad!
Whip it Risa! Whip iiiitttttttttt!!!!!





Ilan lang yan sa mga napagkatuwaan kong ads ng ating mga senatoriables this coming election. Not because napagkatuwaan ko sila eh hindi ko sinasabing ang ilan sa kanila ay hindi ko iboboto.... Yung kay Cynthia Villar eh hindi po ako nagbibiro. Talagang palit-boto ako sa isang unit ng LUXURIA SERIES LA LIQUE house & lot sa Camella Homes Antipolo kung bibigyan ako ng chance.


IKAW? Kung tatakbo kang senator ng bansa? Anu-ano kaya ang magiging GIMIK mo sa pangangampanya?



11 comments:

  1. kumpletuhin mo na ang lahat ng candidates! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. eeeeeeeee.... yung iba kasi shy type? ahahahaha
      don't worry may part 2 pa naman yan eh...
      :)

      Delete
  2. haha natawa naman ako dito haha sayang di ko nakikita yang mga adds nila on tv
    naglayas Tv namin ee di na daw nya kaya hahaha! pero ayun ng kakaloko si nancy!

    ReplyDelete
  3. Sayang., you should have put here the ad of Risa and Noy.. yung kumakanta sila..laptrip talaga.,

    ReplyDelete
  4. Mukhang nakatulong na hindi na ko nanonood ng TV ngayon kasi hindi ko napapanood tong latest na ka-cheapan ng mga kandidato. In fairness nakakatawa ah. Nung Sabado lang sinabi sa akin nung friend ko yung very corny na ad ni Grace Poe. Hindi ko man napanood natawa na ko, lalo na ngayong nakita ko pa yung picture haha...

    Nabalitaan ko yang iPad promo ni Jamby and nung dineny nya that she knew anything about it, gusto ko biglang i-claim na ako talaga si Angelina Jolie. Baka lang kasi may maniwala diba hehehe...

    ReplyDelete
  5. Dami kung tawa doon sa pwit!...hahahaha
    tong mga Senatorial candidates na to... oo!

    ReplyDelete
  6. huy, na-offend naman ako sa 'domestic helper' sa Kuwait... I have high respect sa mga OFW natin eh... nakakainsulto naman for them na maihanay kay Nancy Binay... Nakakairita talaga 'yang babaeng 'yan... argh... mukhang mananalo pa yata...

    ReplyDelete
  7. dami ko tawa..hahaha.. hay mga pakulo ng mga candy-dates

    ReplyDelete
  8. vote wisely guys!!!!


    basta ako eh naghihintay lang sa tweet ni Cynthia Villar about doon sa 1 unit ng LUXURIA SERIES LA LIQUE house & lot sa Camella Homes Antipolo.
    *fingers crossed*

    ReplyDelete
  9. Waaah! ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa dun sa parody ni Senyora kay Grace Poe! pak syet ahahaha! :D

    ReplyDelete
  10. hahaha kaloka talaga si Nancy Binay! at ngayon ko lang nalaman ang scarf ek ek ni Riza :)

    abangan ko ang part 2 Nutty, I'm sure madami pang kakalokang eksena ang mga candidates.

    ReplyDelete

~MEMA-SABI-LANG~